Maya-maya pa'y napagdesisyunan ko nang pumasok sa room. Psychology ang una naming klase. Sumalubong sa akin ang boses ni Professor Rodriguez.
“Mr. Javier, there you are! At magkasunod pa talaga kayo ni Ms. Monroe na pumasok ng klase ko, ha?” nakangising aniya. “The two of you, what exactly is going on between you two?” Tinuro niya pa kami.
Sinusubukan kong iparating sa tingin kay prof. na tigilan na niya 'to. Hindi ko na gusto pang madagdagan ang bigat ng dibdib na nararamdaman ko ngayon.
Pero narinig kong sumagot si Allison. “Bullshits, I guess,” aniya. Nagkibit-balikat pa siya at umaktong inosente sa pagmumura.
Sinubukan kong lumunok. Sa paraang iyo'y pinipigilan ang anumang pagbabadya ng pagtangis ng damdamin ko sa sobrang sakit.
Tinawanan lang siya ni Prof. Batid kong lalo lang siyang nairita dahil dito. “Hmm... Is that how you call him taking care of you while you had a fever, Ms. Monroe?” tanong nito kay Allison.
“I didn't even ask him to stay overnight and take care of me.” Yeah, right. You didn't ask me to do that. It was me that insisted on doing that. Pero sana naman inisip mo ang mararamdaman ko sa mga isinasagot mo ngayon, Alli. Mas lalo mo lang akong sinasaktan. “I'll not die having a fever.”
Oo, hindi ka nga mamamatay. Ako pa nga yata ang mamamatay sa sobrang pagiging martyr ko pagdating sa 'yo, e.
“Aren't you afraid of dying, Ms. Monroe?” pagtatanong muli ni prof. sa kaniya.
“I'm not,” sagot nito at tila alam ko na kung bakit. Hindi siya takot mamatay sapagkat pakiramdam niya'y nawala na ang lahat sa kaniya nang panahong namatay ang minamahal niya. Wala kahit isang emosyon ang makikita sa mukha niya ngayon. Blanko.
“How about you, Mr. Javier?” bumaling ito sa akin.
“Takot ho, sir.” Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot kong iyon. Totoong takot akong mamatay. At takot din akong mawala sa akin si Allison. Ngunit sa mga oras na ito, hinihiling ko na sana'y namatay na nga lang ako.
Ngumisi lang naman ito nang marinig ang sagot ko. Alam ko na ang tumatakbo sa utak niya. “Hear that, Ms. Monroe? Seems like Mr. Javier's scared of the thought of you dying even when you're not.” Nakakasuya ang mga ngiti niya. Aniyang intensyon niya talagang pikunin si Allison.
Hinihiling kong sana'y matapos na siya sa pang-aalaska kay Allison para matapos na rin ang mabigat na pakiramdam kong ito. Kung ang intensyon niya'y hulihin si Allison sa nararamdaman nito sa akin, hindi ako kumportable sa ginagawa niya.
“How about...” Nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. “We repeat the paper mouth scene with the class?” Right. Where our first kiss started. “Or maybe, we can just remake it with the two of you?” May pagkasabik ang tono ng boses niya.
“How about you repeat that together with that fucking stinking shoe in the trashcan?” sagot na tanong ni Allison. Ramdam na ramdam ko ang namumuong tensiyon sa pagitan ng pagsasagutan nilang dalawa. Tumawa lang naman ang iba sa isinagot niya.
Sumabay lang din naman si Prof. sa pagtawa ng iba. “Why so stubborn, Ms. Monroe? I saw you two kissing in the garden, does playing the paper mouth game really hurt your feelings?” Her feelings does not, but mine does. “Or do you two want to just kiss in front of the class?”
Natahimik ang kaninang maingay na klase.
Nagsalita ulit si Allison at ang mga salita niyang iyon ang tuluyang nakapagpadurog ng durog ko nang puso.
YOU ARE READING
A Mad Woman, Allison.
Short StoryAllison Monroe, a passionate college student of a Pre-Law course in University of the Philippines Diliman, come to believe that destiny no longer exists in our world. On the other hand, a happy-go-lucky guy which happened to be her classmate in coll...