AUDRINANNA'S POV
Today is my first day of school and gosh tinatamad ako bumangon dahil puyat pa rin ako, 3 am na kami naka uwi kanina galing bar.
"Ma'am Audri, gising na po pinapatawag na kayo ng daddy mo." Bglang katok ni ate melody inaantok pa talaga ako lintek, ipipikit ko sana ulit ang mata ko ng may kumatok ulit.
"Ano ba! Natutulog pa ako diba!" sigaw ko. "Gumising kana diyaan Audrianna Natasha! Kung ayaw mong ako pa mag bukas ng pinto mo, at kaladkarin ka pababa!"
Sigaw pabalik ng daddy ko kaya napa bangon ako ulit. "Wait lang dad, pababa na ako mauna na po kayo sa ibaba mag hihilamos at mag t-toothbrush lang po ako." Wala na akong narinig mula kay dad kaya dali-dali akong pumunta ng cr at ginawa ko na ang morning routine ko.
Pag tapos ko ay agad akong bumaba, nakita ko sila dad at mga kapatid ko na nasa lamesa na. Ganito kami every morning, gusto ni dad na sabay-sabay kami kakain, mabait si dad hindi mo makikita sa kaniya 'yung ugaling meron ako ibang-iba siya sa ugali ko, ganon din si mom kaya maraming gusto makipag sosyo sa company namin, dahil bukod sa mabait, kami ang nangunguna sa pinaka mayaman na business man sa bansa pangalawa ang pineda family which is bestfriend ng daddy ko at ninong ko.
Nang naka lapit na ako ay humalik ako sa pisnge nila mom at dad at sa mga kapatid ko naman inirapan ko lang sila, pero tinawanan lang nila ako ganyan 'yan mga kuya ko lagi akong pinag tutulungan.
"Good morning, Disney princess blooming na blooming ka at gumaganda ka lalo ha." Puri ni kuya Zack.
"Lagi naman ako blooming at maganda." Natawa naman sila sa sinabi, why totoo naman.
"Hangin mo naman sinabihan ka lang na maganda, kinareer mo naman." Sagot naman ni kuya Aaron kaya inirapan ko naman siya.
Nag salita agad si dad pag tapos namin mag asaran ng mga kuya ko. "Oo nga pala next week birthday ng bestfriend ko mag handa kayo, isa tayo sa mga bisita nila."
Sabay-sabay naman kaming tumango at kumain nalang ng tahimik. Nang tapos na kami ay agad akong nag paalam, dahil mag aayos pa ako dahil may pasok ako.
Nang naka ayos na ako lahat-lahat ay bumaba na ako at nag paalam kila dad, dahil nag text na saakin sila Lei, na nasa school na daw sila kasama ang boyfriend ko.
Nang makarating na ako ng university at nakita ko agad ang boyfriend at mga kaibigan ko, kaya mabilis na lumapit ako at hinalikan ko agad ang boyfriend ko marami ang nag sigawan na kesa kinikilig daw sila, at bagay daw kami at, perfect daw relasyon namin pero hindi nila alam lagi kami nag aaway, dahil gusto na ni Rico may mang yari na saamin dahil doon din daw kami papunta, sakin naman ok lang pero gusto ko kapag kasal na kami mas romantic daw kase 'yun sa mismong honeymoon ninyo gagawin 'yun.
Kaya lagi kami nag aaway kase puro daw ako hindi pa ready, totoo naman sadyang atat lang siya. Ganiyan ba ang mga lalaki, hindi makapag antay pag dating sa sex?
Binati din ako ng mga kaibigan ko at yumakap ako sa kanila. "Cafeteria tayo hindi pa ako kumakain dahil nag aaway nanaman ang daddy at mommy ko."
Biglang salita ni Gen. Nang babae nanaman siguro daddy ni Gen, ayun kase lagi kinukwento niya kapag nag eemote siya saamin, kaya tahimik na tumango nalang kami. Nang makarating na kami sa cafeteria ay bigla naman tumahimik. Aba dapat lang, dahil ayaw ko ng maingay.
Umupo na kami sa spot namin ng para lang saamin, bago ako umupo parang naka ramdam ako na may naka tingin saakin at nakita ko 'yung babaeng, matangkad na maputi bigla niyang binaling ang ulo niya sa ibang dereksyon, kaya naman tinitigan ko ito at sakto tumingin siya sakin at inirapan ko siya.
BINABASA MO ANG
𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision)
RomanceSUPER SLOW UPDATE Audrianna - anak ng may ari ng university. Spoiled brat, party goal luck, flirty, bitch at girlfriend ng isang basketball varsity player, pero na meet niya si aeris at ginawang slaved, dahil natapunan siya ng juice sa damit na mama...