CHAPTER 5

8.4K 344 83
                                    

AERIS POV

Pag tapos ng rules na binigay ni Audri ay inaya niya ako kumain at nag volunteer nalang ako na mag luto, bali ang niluto ko ngayon sisig dahil gusto daw niya tikman 'yun sakto kumpleto siya sa mga ingredients niya dito.

Nag simula na ako mag luto pero nararamdaman kong may nanonood saakin habang nag luluto ako at kilala ko na 'yun, sino pa ba edi si Audri kami lang naman tao dito eh. Nang matapos ako sa pag luto ay nag hain na ako, para makakain na kami, alam kong gutom na itong kasama ko.

Habang kumakain kami ay pansin ko naka tingin siya saakin kaya tumingin ako sa kaniya. "Ahhh Miss Audri, bakit po?" Tanong ko sa kaniya, nakakatakot kase feeling ko pinapatay niya ako sa isipan niya.

"Kailangan ko ng resume mo baka mamaya masamang tao ka pala, hindi kita gaano kilala." Sagot niya kaya napakunot naman ako ng noo. Pwede naman niya ako tanungin kung ano gusto niya malaman eh, pero kung gusto niya talaga ako makilala pwede naman niya ako ipa background check.

"Miss Audri pwede mo naman ako tanungin ngayon, kung may gusto ka bang malaman tungkol saakin" nakita ko siyang nag iisip sabay ngiti.

Grabe ang ganda niya talaga kapag naka ngiti kaya lalo ako nahuhumaling sa kaniya eh, ang ganda na sexy pa kaso sablay sa ugali, mukhang redflag 'to pero ok lang siya na 'yan eh.

"Good idea dahil sinuggest mo,  tatanungin nalang kita para hindi na ako tamarin mag basa ng resume mo." Napa kamot naman ako sa ulo.

"Ano po ba gusto niyong malaman tungkol saakin?" Tanong ko sa kaniya nakita ko naman nag iisip pa siya. "Bago ko simulan ang pag tanong gusto kong tanggalin mo 'yung Miss at po, mukha ba akong matanda para mag po ka?" Mataray na tanong niya, kaya napa lunok ako sa kaba.

"Sige po este Nat." nakita ko naman na kumunot noo siya. "Nat nalang itatawag ko sa'yo total Natasha ka nanan diba, ang haba kase kung buong pangalan mo." Sabi ko sa kaniya.

"Saan mo nalaman second name ko?" Curious na tanong niya saakin, kinabahan naman ako agad shett Ae mag isip ka ng palusot mo. Nang maka isip na ako ay bigla ako ngumiti sa kaniya, ewan ko kung guni-guni ko lang 'yung nakita kong namula siya.

"Nakita ko kase sa cellphone mo nung napa daan ako sa upuan niyo" sagot ko sa kaniya napa tango nalang siya.

"Okay ano ang fullname mo, age, name ng parents mo?" Tanong niya bigla akong kinabahan kase ang sabi ng tatay ko wag ko daw sabihin na anak nila ako kaya gagamitin ko nalang middle name ko total hindi naman niya ma papansin 'yun at staka middle name gamit ko which is sa nanay ko.

"Ang buong pangalan ko po ay Aeris Luise Sarreal 'yan ang full name ko po, sa magulang naman wala na po akong magulang at ang edad ko ay 20 years old na." Nakita ko naman napatatango siya.

"Diba sabi ko tanggalin mo 'yung po dahil hindi naman ako matanda at mag kasing edad lang tayo." Nakataas kilay niyang sabi sabay irap saakin. Napa irap naman ako sa loob loob ko.

"Sorry nakalimutan ko." Ayun nalang ang nasabi ko.

"Ok next sino nalang kasama mo sa buhay kung wala kanang magulang?" napa buntong hininga nalang ako dahil sa pag sisinungaling ko sa kaniya.

"Yung kumupkop po sakin na yaya at naka tira po ako sa pinag tatrabahuan niya at nag tatrabaho din po ako sa Pineda family." Nakita ko naman na kumunot ang noo niya.

"Pineda sila tito Archi ba at tita Isabel ba amo mo?" tanong niya kaya napa tango nalang ako.

"Wala ka bang mga kapatid or kamag anak na pag tutuluyan or kukupkop sa'yo?" Tanong niya ulit kaya umiling ako.

"Wala na hindi naman nila obligasyon 'yun, kahit kamag anak ko pa sila." Tumango nalang siya at tumayo kaya kumunot ang noo ko.

"Ahh Nat saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon