Kinabukasan maaga ako pumunta sa condo ni Nat, dahil sabay daw kami papasok ngayon.
Gusto niya every morning kapag papasok kami sabay kami, para mapaniwala ang mga tao at si Enrico na may relasyon kaming dalawa.
Pabor naman saakin 'yun, dahil bukod sa kasama ko siya lagi nililibre niya ako ng umagahan.
Sabi din kase niya saakin sabay daw kami kumain kapag umaga. Sus kaya lang naman niya sinabi 'yun para may taga luto siya, kase hindi siya marunong mag luto.
"Cook breakfast for both of us." See sabi sa inyo, ginagawa lang ako nitong taga luto ng umagahan niya. Ayaw pa kase mag hanap ng taga luto, para kahit pag wala ako may nag luluto ng umagahan niya.
"Hmm ano bang gusto mong kainin ngayong umaga?" Tanong ko sa kaniya.
Nakita kong nag isip pa siya.
"Sopas, I want soup and my yaya said na masarap daw ang sopas lalo na kapag gawang bahay." Easy madali lang lutuin 'yan para saakin.
"Ok, wait me here mag luluto na ako ng umagahan mo. Siguro kumpleto ka naman sa ingredients diba?" Tanong ko baka mamaya wala pala siyang stock dito or grocery.
"Don't worry meron dyaan, my yaya buy a grocery yesterday because I said to her na ikaw ang mag luluto ng umagahan ko." Wow hindi halatang planado na gawin akong taga luto niya.
Tumango nalang ako at dumeretso sa kusina niya.
Hinugasan ko muna ang mga ingredients na gagamitin ko, lalo na ang mga gulay na gagamitin ko.
Habang nag luluto ako may naramdaman akong naka tingin saakin, hindi ko nalang pinansin baka mawalhan ako sa focus kapag pinansin ko pa ang presensya niya.
Nang matapos ako mag luto hinanda ko na ang pinag kainan namin. Syempre kakain din ako. Ako na nga nag luto hindi pa ako kakain, swerte naman niya.
Pinuntahan ko na siya sa sala at inaya kumain.
"Nat, naka hain na ang pag kain. Tara kain na tayo." Aya ko sa kaniya, nakita kong napa taas ang kilay niya.
Huh what's wrong with her?
"Tayo? Kasama ka?" Tanong niya.
"Oo hindi naman pwedeng ikaw lang kakain, ako na nga pinag luto mo eh dapat ako din kakain." Sabi ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako at nauna na sa kusina.
Napa iling nalang ako at pinatay ang tv na pinapanood niya.
Pag dating ko sa hapag kainan naka upo na agad siya at naka tingin sa sopas na naka handa sa mesa.
"Ito mag kanin ka, masarap 'yan ulamin." Bigay ko ng kanin sa kaniya.
Tinignan niya lang ang inabot kong kanin, kaya hindi ko maiwasan hindi mapa kunot ang noo.
"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Put the rice on my plate." Nilagyan ko nalang ng kanin ang plato niya at hindi na umangal, dahil gutom na ako.
"Teka bago tayo kumain mag pray muna tayo." Pigil ko sa kaniya ng susubo na siya.
"Kailangan pa ba niyan?" Tanong niya, halatang takam na takam na siya.
"Oo ano ka ba mag papasalamat tayo sa panginoon." Sabi ko sa kaniya. Wala na siyang nagawa kundi sabayan ako mag dasal.
Pag tapos namin mag dasal ay kumain na kami agad. Hindi ko na alam kung naka ilang sandok na siya. Kita ko sa mukha niya na, sarap na sarap siya sa niluto ko. Kaya hindi ko maiwasan hindi mapa ngiti.
"Ghad I'm full na. Next time pag lutuan mo ako ulit nito at iba pang pagkain." Tumango-tango ako, dahil nasarapan siya sa niluto ko.
"Masarap ba ang luto ko?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision)
RomanceSUPER SLOW UPDATE Audrianna - anak ng may ari ng university. Spoiled brat, party goal luck, flirty, bitch at girlfriend ng isang basketball varsity player, pero na meet niya si aeris at ginawang slaved, dahil natapunan siya ng juice sa damit na mama...