Napatulala ako sa ginawa niya, habang magkalapit kami ay naaamoy ko na 'yung hininga niya halo-halo 'yung amoy. May amoy alak at strawberry parang ang sarap tikman ano kaya lasa niyan?
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan labi ko kaya tumingin ako sa mga mata niya, hindi ko alam pero parang may nakikita akong lungkot sa mata niya. "Enrico." Banggit niya sa pangalan ng ex niya hindi naman ako si Enrico, pero bakit binanggit niya 'yung pangalan ng kurimaw na 'yun.
Siguro na miss niya lang 'yung tao.
"Hindi ako si Enrico, lasing ka lang Nat matulog kana aalis na din ako." Sabi ko sa kaniya nakita ko naman pangungulila niya, siguro mahal pa niya 'yung Enrico hindi naman siya mag gaganiyan kung hindi pa niya mahal 'yun eh.
"Sorry same kase kayo ng labi ni Enrico, pati kulay ng mata." Sabi na eh inakala niya ako si Enrico, binitawan na niya kamay ko at napa ayos na ako ng tayo para maka uwi na ako.
"Aalis na ako Nat, mag iingat ka dito." Paalam ko sa kaniya, tumango lang siya kaya umalis na din ako.
Hindi ko alam pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko dahil ba sa pinag kamalan niya akong si Enrico, or selos alam ko naman sa sarili ko na may feelings ako sa kaniya. Denedeny ko lang sa sarili ko, dahil takot ako masaktan.
Mawawala din 'to siguro bago pa lumalim 'tong nararamdaman ko kailangan ko na magising sa realidad, na hindi niya ako magugustuhan dahil langit siya at lupa ako, babae siya babae din ako at hanap niya lalaki.
Kaya imposibleng magustuhan niya ako pabalik dahil walang-wala ako kay Enrico, si Enrico mayaman, gwapo totoong lalaki eh ako isa lamang akong hamak na scholar, mahirap pero cute naman ako 'yun nga lang may hotdog sa ibaba pero malaki naman h'wag kayo 7 and half 'to, gusto niyo makita luh asa kayo.
Napailing nalang ako sa naisip ko baliw na ata ako siguro oo baliw na ako, pero kay Nat lang.
Nang maka labas na ako ng condominium ay nag abang na ako ng taxi, dahil wala naman nadaan dito at masyado ng madilim kaya imposibleng maka hanap pa ako ng trycyle.
Nang may huminto sa harap ko na magandang kotse ay ganon nalang ang pag laki ng mata ko dahil si Erich, 'yung huminto.
"Hey cutie, bakit nandito ka pa sabay kana saakin wala kana mahahanap na masasakyan dito at delikado sa labas mamaya may mang yari pa sa'yo."
Dahil makapal ang apog este mukha ko sumabay na ako kay ganda. "Salamat ganda." sabi ko sabay ngiti nakita kong namula naman siya kaya natawa ako sa isip ko.
"Saan kita i-hahatid?" Tanong niya saakin. Sinabi ko nalang 'yung subdivision kung saan ako naka tira.
Habang nasa biyahe kami ay nag kukwentuhan kami tungkol sa mga buhay namin na kwento ko sa kaniya na isa akong yaya kuno naniwala naman siya. Magaan ang loob ko sa kaniya, feeling ko mag kaka sundo kami nito.
Nang nasa subdivision na kami ay nag pasalamat na ako at umalis na siya gusto niya sana sa loob ako i-hatid, pero tinanggihan ko na kase nakakahiya.
Nakarating na ako sa harap ng bahay namin at nakita ko naman gising pa si kuya guard ay pinapasok na ako, at dumeretso sa kwarto ko kung saan bodega ang pangalan. Kinakabahan ako baka nandito si kuya kaya binilisan ko pag lakad.
Nang makarating na ako ay natuwa naman ako dahil walang naka kita saakin, kaya nag ayos na ako at nag palit ng damit sabay higa.
Kinabukasan ay nag ayos ako dahil may party daw dito saamin naalala ko birthday nga pala ng ama ko, kaya siguro busy mga tao ngayon.
Nag giyak na ako at nag suot na ako ng maid attire dahil kailangan kong tumulong para hindi ako pagalitan. Tapos na ako mag ayos at lumabas na ako ng kwarto para makapag simula na din ako, tumulong sa kanila tumulong ako sa pag luto dahil hilig ko din ang pag luto.
BINABASA MO ANG
𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision)
Storie d'amoreSUPER SLOW UPDATE Audrianna - anak ng may ari ng university. Spoiled brat, party goal luck, flirty, bitch at girlfriend ng isang basketball varsity player, pero na meet niya si aeris at ginawang slaved, dahil natapunan siya ng juice sa damit na mama...