CHAPTER 6

7.9K 336 64
                                    

Umabot na ng isang linggo pag papanggap namin, napansin ko nagiging sweet siya saakin kapag kaharap namin si Enrico, tapos pag wala na mag susungit lang siya saakin at uutusan ng kung ano-ano. Sabagay slave nga pala niya ako, kasama din sa pinag kasunduan namin na susundin ko kung ano ipapagawa niya saakin.

Ngayon nandito kami sa mall at mag s-shoping daw siya kasama din namin ngayon 'yung dalawa niyang kaibigan, siguro kaya ako sinama nito para may taga bitbit siya ng mga panamili niya.

Nakita ko naman huminto siya sa bilihan ng mga gadget nag taka naman ako bakit siya huminto, bibili ba siya eh ang ganda ng cellphone at bago pa. Nakita ko naman tumingin siya saakin kaya naman binaling ko ulo ko sa kabila.

"Come here, I'll buy you a phone." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Nat, hindi na kailangan. Ok naman na ako kahit walang cellphone eh." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Wala akong contact sa'yo, kaya kailangan bigyan kita ng cellphone para pag kailangan kita madali lang kita ma contact." Sagot niya kaya wala na ako nagawa dahil pag naka taas na ang kilay niya ay kailangan mo nang tumahimik at wag na makipag talo sa kaniya, dahil ikaw lang din ang talo.

Nang maka bili na siya ng cellphone ko daw kuno tapos ang mahal pa iPhone 13, ano gagawin ko dyaan mamaya sabihan pa ko ng ama ko na mag nanakaw dahil sa cellphone.

Pag labas namin ng store ay nakita din namin mga kaibigan niya ganon nalang ang gulat ko nang makita ang mga kaibigan ko, kasama nila Lei.

Kaya tinaasan ko ng kilay mga kaibigan ko na naka ngiti lang saakin. Nang makalapit na sila saamin ay bumulong ako sa kanila. "Bakit kasama niyo sila?"

Ngumiti muna ulit si Aimee bago sumagot. "Kase nakita namin sila tapos sabi nila kasama ka daw nila, kaya sumama na kami inaya rin naman nila kami eh." Sagot niya kaya napa tango nalang ako, mas ok na 'yun para hindi ako ma op sa kanila.

Nakapili na sila ng kakainan namin at ang napili nila ay mang inasal, ako na ang nag volunteer mag order kasama ko sila hazel.

"We need explanation, bakit kasama mo sila." Sabi saakin ni Hazel. Tumango naman ako.

Nang maka order na kami ay nag simula na kami kumain, habang kumakain kami ay may pumasok at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko ang kuya ko. Kasama ang mga barkada niya kaya sa sobrang kaba ko ay kinalabit ko na sila Aimee.

Napansin naman nila na parang kinakabahan ako kaya ngumuso ako at nagulat din sila nang makita nila ang kuya ko, kaya gumawa sila paraan para hindi nila ako makita, hinubad niya yung hoodie na jacket niya at sakin pinasuot.

Nakita ko naman napa kunot ang noo sila Nat, kaya nag tataka sila na tinignan kami. "Nilalamig kase siya." Sagot naman ni Hazel habang naka ngiti, kaya tinignan ako ni Nat kung nag sasabi ba siya ng totoo kaya tumango lang ako, pero inirapan niya lang ako.

Tapos na kami kumain at nag ayos na kami, nang naka ayos na ang lahat ready na kami umalis bago ako umalis nilingon ko muna ang kuya ko, ganon nalang ang gulat sa ko ng makita niya ako.

Kaya ngumisi siya  dahil nakita niya inaalalayan ko si Nat. Patay nakita niya ako panigurado mag susumbong 'yan kay dad. Sumbongero pa naman si kuya Arvin.

Nang makalabas na kami ay pumunta na kami sa parkinglot dahil pupunta daw kami ng bar, dahil weekend naman daw bukas ay mag sasaya daw muna sila. May party din daw silang pupuntahan ng pamilya niya.

Ako na din nag drive dahil marunong naman ako. Nung una ayaw pa niya, baka daw ibangga ko ang kotse niya.

Pero kalaunan pumayag din, kaya sumakay na kami. Ang mga kaibigan niya sumabay sa mga kaibigan ko, kaya dalawa lang kami sa kotse niya.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon