CHAPTER 12

8.3K 328 79
                                    

Kinabukasan maaga ako nagising at ganon pa rin routine ko, bago ako umalis ay inayos ko na lahat ng gamit ko, para hindi na ako mag ayos mamaya pag naka sama ko na si Kuya Arvin.

Excited na ako dahil may sasabihin daw siya saakin. Maganda ang gising ko ngayon dahil gumaan ang pakiramdam ko pag tapos nangyari kagabi.

Nasa gate na ako ng subdivision namin ng may huminto sa harap ko, pag baba niya ng bintana ay si Erich pala at kuya Arvin, nagulat ako bakit sila mag kasama, mag kakilala ba sila?

Tanong ko sa isip ko "Sumabay kana saamin bunso." Aya ni kuya Arvin kaya sumakay na ako.

Tinignan ko sila, ngumiti naman si kuya Arvin saakin "Mamaya i eexplain ko pag uwi mo kaya hintayin mo si ate Erich mo, siya ang mag susundo sa'yo mamaya." tumango naman ako.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, nang makarating kami ng university ay umalis na agad sila, habang nag lalakad ako papuntang room ay nakasalubong ko ang mga kaibigan ko at sumabay na sa kanila.

"Hi guys, good morning." Masayang bati ko sa kanila, tinignan naman nila ako na nag tataka, siguro dahil nakita nilang malaki ang ngiti ko.

"Anong meron at ang saya mo?" Tanong saakin ni Hazel at ngumiti ako ng malaki sa kanila.

"Ok na kami ni kuya Arvin, lilipat daw ako sa condo niya mamaya may pag uusapan daw kami ni kuya." Masayang sabi ko sa kanila nakita ko naman nagulat sila.

"Talaga mabuti naman para may kakampi kana kapag inaapi ka ng ama mo. Alam mo napansin ko noon pa si kuya Arvin, naka tingin sa'yo kapag pinapagalitan ka ng papa mo. Tapos 'yung mata niya ang lungkot." Nagulat naman ako sa sinabi ni Aimee, kaya ngumiti lang ako sa kanila. Kase naka ramdam ako ulit ng saya.

Nasa room na kami nakita ko sila Nat, tumingin naman siya saakin pero pansin ko parang wala siya sa mood kaya hinayaan ko nalang siya.

Pag tapos ng klase namin ay break time na namin ngayon at kasama ko sila Hazel papuntang canteen, hinahayaan ko nalang muna si Nat baka may problema lang siya. Mamaya ko nalang kausapin.

Nasa canteen na kami at nakapag order na din sila kaya kumain na kami habang kumakain kami ay may naamoy ako, ang bango tinignan ko at nakita ko si Nat pala na palapit saamin.

Tumingin naman siya saakin at bigla akong nahiya dahil sa klase ng tingin niya, bigla naman siya nag salita. "Pag uwian sumama ka saakin, dadalhin kita sa bahay." Sabi niya kaya napakunot ang noo.

"Pasensya na pero may lakad ako mamaya." Paumanhin na sabi ko sa kaniya.

"At saan ka pupunta sa babae mo ba?" tanong niya habang naka taas ang kilay Grabe babae agad hindi ba pwede na lilipat ako sa condo ni kuya arvin, sabi ko sa isip ko.

"Iyong amo ko kase ililipat ako sa condo niya para doon na ako manirahan at mag linis ng condo niya." Sabi ko sa kaniya napa buntung hininga nalang siya. Mukhang may problema nga, kase hindi naman mag gaganiyan 'yan kung wala.

"Ok bukas nalang. Make sure na ayun lang gagawin mo, once na malaman ko na may kasama kang babae ipapakain ko siya sa dinosaur." Mataray na sabi niya at napa lunok ako kaya tumango nalang ako, baka totohanin niya at idamay pa ako.

Natapos na kami kumain at pumunta sa last subject namin, hinawakan naman ni Nat braso ko.

Natapos na ang last subject namin at nag ayos na kami para maka uwi na kami, excited na ako dahil ngayon araw na ako pupunta sa condo ni kuya.

Habang nag lalakad kami ay humiwalay na ako.

"Mauuna na ako guys may lakad pa ako." Paalam ko sa kanila tumango naman sila, tinignan ko muna si Nat at inirapan lang ako nito.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon