CHAPTER 13

8.2K 368 104
                                    

Kinabukasan maaga ako nagising para puntahan si Nat, dahil nag request siya saakin paglutuan ko daw ulit siya ng sopas. Mukhang nagustuhan ni Nat, 'yung sopas na niluto ko nung nakaraan.

Agad ako kumatok sa pinto niya at maya-maya ay binuksan niya ito.

"Good morning, Natasha." Bati ko sa kaniya.

"You too, pasok." Agad ako pumasok.

Pag pasok ko ay sinundan ko siya sa kitchen at nakita ko naka ready na ang mga ingredients. Mukhang kanina pa siya gising kase naka ligo na din siya eh.

"Sopas lang ba gusto mo kainin?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, please." Agad ako tumango at nag simula na mag luto.

Maya-maya ay natapos na din ako, nakapag handa na din ako ng makakain namin.

"Nat, luto na 'yung nirequest mong sopas. Tara kain na tayo." Tawag ko sa kaniya na agad siyang tumayo at pinatay ang tv.

Pag dating namin sa kusina agad siya umupo at nag sandok. Hindi halatang excited siya.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa matapos kami kumain. Ako na din ang volunteer na mag hugas ng plato.

"After that, take a shower so we can leave right away." Sabi niya saakin.

"Hmmm ok, mag ayos kana din para maka alis na tayo agad pag natapos ako. Mabilis lang naman ako maligo." Tumango lang siya at pumasok sa loob ng kwarto niya.

Nag hugas na ako hanggang sa natapos ako. Hindi na ako nag paalam na aalis na ako, dahil busy ata siya mag make up.

Pag pasok ko sa loob ng condo ko agad ako naligo. Binilisan ko lang, dahil ayoko pag antayin si Nat.

Pag tapos ko maligo ay nag ayos na ako staka ako lumabas at nilock ng mabuti ang condo.

Kakatok na sana ako ng maka rinig ako na nag tatalo.

"I said get out of my condo! Hindi ka ba nakaka intindi Enrico?" Rinig ko sigaw ni Nat.

"No, hindi ako aalis hanggang hindi mo sinasabi saakin na mahal mo pa rin ako." Napa taas ang kilay ko.

"Ilang bases ko ba sasabihin sa'yo, hindi na kita mahal. Now leave, kung ayaw mo tumawag ako ng security guard para paalisin ka dito." Bago pa mag salita iyong Enrico, pumasok na ako.

Hindi naman naka lock ang pinto, kaya naka pasok ako.

"Narinig mo naman sinabi ng girlfriend ko diba?" Nakita ko nag salubong ang kilay ni Enrico, siguro nag tataka bakit nandito ako.

"Why are you here?" Tanong niya saakin.

"And why not. She's my girlfriend." Sabat ni Nat.

"So, sineryoso mo talaga siya akala ko flavor of the month mo siya dahil sinaktan kita." Tsk flavor of the month ka dyaan. Fake girlfriend kamo, para pag selosan ka.

Sabi ko sa isip ko.

"You hindi pa tayo tapos. Sa ngayon hahayaan ko lang kayo, hahayaan ko lang na pag sawaan ka ni Audri. Saakin pa din naman siya babalik." Naka ngising sabi niya at mukhang confident ang gago. Well mangyayari naman 'yan since halata naman na mahal pa din ni Nat si Enrico.

Pag labas ni Enrico ay tinignan ko si Nat, ang lalim ng iniisip niya.

"Hey are you ok?" Tanong ko sa kaniya.

"Thank you for asking, yes I'm ok, I'm fine. Let's go." Aya niya saakin.

Tumango nalang ako. Kinuha ko na ang bag niya at ako na ang bitbit.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon