CHAPTER 19

8.4K 374 196
                                    

"Oh my ghad ang laki." Lalo akong kinabahan dahil nakita niya, 'yung secreto na tinatago ko.

Kinuha ko agad 'yung twalya at ipinangtakip sa hubad kong katawan "Please nat lumabas ka muna." Pag mamakaawa ko sa kaniya.

"Bilisan mo mag uusap tayo ngayon din!" Sigaw na sabi niya kaya mas double or sabihin nating triple ang kaba ko ngayon.

Nag bihis ako agad para makapag explain kay Nat.

Pag labas na pag labas ko nakita ko siya naka upo sa kama, kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

"N-nat, p-please hayaan mo a-ako mag p-pliwanag." Kanda utal-utal kong sabi sa kaniya.

"Speak!" Huminga muna ako ng malalim bago umupo sa kabilang bahagi ng kama.

"I'm intersex kung saan babae akong pinanganak pero may ari ng lalaki, hindi ko ginusto ito Nat, dahil miski ako hindi ko tanggap sa sarili na meron ako nito at ito rin ang dahilan, kung bakit hindi ako matanggap tanggap ng pamilya ko. Dahil sa condition kong ito ang tingin saakin ng mga magulang ko, abnormal hindi daw ako karapat-dapat sa pamilya namin, dahil sa condition ko. Ito rin ang reason bakit hindi ko sianbi sa'yo kung anong meron ako, dahil ayaw kong malaman mo at kamuhian ako swerte lang ako sa kuya Arvin at dalawa kong kaibigan dahil tanggap nila ako. Tatanggapin ko kung hindi mo rin ako matatanggap at rerespetuhin ko ang desisyon mo. Bago ako umalis ay gusto ko lang mag pasalamat dahil, tinuring mo akong kaibigan siguro ito na rin 'yung oras para sabihin ko sa'yo 'to." Mahabang paliwanag ko. Huminga muna ako ng malalim bago ituloy ang sasabihin ko.

"Gusto ko lang malaman mo na ikaw 'yung babae na tinutukoy kong mahal ko, alam ko hindi mo ako matatanggap, dahil parehas tayo babae at straight ka alam ko 'yun, kaya nga tanggap ko kung ano ang desisyon mo. Bago ako umalis gusto ko sabihin sa'yo na mahal na mahal kita Nat, matagal ko na gustong sabihin sa'yo na sana maging masaya ka kapag nag kabalikan kayo ni Enrico. Promise tanggap ko kung anong meron tayo, ngayon aalis na ako ikaw na bahala kila lola mag sabi. Paalam Nat, ingat ka palagi mahal na mahal kita."

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo, bago ko kunin mga damit ko at tuluyan lisanin ang bahay na 'to.

Pag labas ko ng kwarto naabutan ko pa sila lolo at lola.

Inexplain ko lahat sa kanila kung anong nangyari, tanggap naman daw nila ako at pinipigilan din nila ako na umalis dahil gabi na.

Umiling lang ako at niyakap sila bago ako lumabas ng pinto ay ngumiti muna ako sa kanila.

Para iparating na okay lang ako at 'wag sila mag alala saakin. Tuluyan ko na nilisan ang lugar na 'to.


Nakabalik ako sa manila at dumeretso na ng condo. Pagod na pagod akong naka uwi ng condo, habang umiiyak kanina pa hindi tumitigil ang luha ko.

Hinayaan ko lang na mapagod ako sa pag iyak, nang matapos ako sa pag iyak ay pumunta ako sa bar area ng condong ito.

Sakto may mga alak dito, hindi ko alam mga to at hindi ako umiinom pero ngayon susubukan ko.

Nag bukas ako ng isa alfonso ang pangalan, sinalin ko to sa baso ko may yelo din ako na hinanda.

Nang mailagay ko na ang yelo at nasalin ko na yung alak sa baso, ay nilagok ko ito.

Nung una nasusuka pa ako sino bang hindi, lalo na kung first time mo diba.

Pinag pa tuloy ko ang pag inom kahit hindi ako sanay, habang tumatagal nagugustuhan ko na yung lasa ng alak.

Kaya pinag patuloy ko ang pag inom ko, nasa kalahati na yung alfonso at nahihilo na din ako.

Pero hindi pa ako lasing kaya ko pa sarili ko, at alam ko pa ginagawa ko mukhang malakas ata ang tolerance ko sa alak.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon