CHAPTER 17

8.2K 329 164
                                    

Maaga ako nagising tinignan ko muna 'yung katabi ko, sarap na sarap ang tulog habang naka patong pa 'yung paa niya sa binti ko.

Dahan-dahan ko ibinaba ang paa niya at nag unat-unat muna ako bago ako, dumeretso sa cr para mag hilamos at toothbrush. Nang matapos ang morning routine ko ay bumaba na ako, bago ako bumaba tinignan ko muna si Nat na mahimbing pa din ang tulog.

Pag baba ko ay naabutan ko sila lola at lolo na masayang nag kakape ang sweet naman nila tignan nakaka inggit.

"Good morning po lola, lolo." Bati ko sa kanila "Good morning iha, ang aga mo naman ata. Tulog pa ba si Natasha?" Tanong ni lola kaya umupo muna ako sa harap nila.

"Opo himbing ng tulog niya naka patong pa po 'yung paa niya sa binti ko." Natatawang kwento ko sa kanila, natawa na din sila.

"Oh siya gisingin mo na si Natasha, para makapag gala kayo ng maaga. Maraming tourist spot dito I'm sure mag eenjoy kayo." Sabi naman ng lolo niya kaya tumango ako at nag paalam muna sa kanila.

Nasa kwarto na ako at nakikita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Nat, kaya pinag masdan ko muna siya. Ang amo tignan ng mukha akala mo hindi maldita.

Maya-maya ginising ko na siya.

"Nat, wake up maaga daw tayo aalis sabi ng lolo mo." Pag gising ko sa kaniya. "Hmmm I'm sleepy." Inaantok na sabi niya. Ghad sexy ng boses niya.

"Wake up na bubuhatin kita jan kapag hindi ka pa gumising." Panakot ko sa kaniya, inangat naman niya dalawang kamay niya.

"Come here I want to hug you first." Voice bedroom niyang sabi kaya wala na ako nagawa kundi lapitan siya.

Naka lapit na ako at umupo sa kama niya. Yumakap ako sa kaniya at inangat siya para maka upo.

"Tara na baba na tayo naka handa na ang almusal sa ibaba." Malambing na sabi ko sa kaniya, idinilat niya ang mata niya at ngumiti.

"Goodmorning gorgeous." Bati ko sa kaniya.

Nakita ko naman namula ang pisnge niya kaya palihim akong napa ngiti..

"Good morning too, why are you so maaga?" Conyo niyang tanong.

"Kase maaga daw tayo mamasyal eh, staka sayang naman punta natin dito kung hindi tayo mamasyal. Sabi ko sa kaniya.

Yumakap ulit siya kaya wala na ako nagawa kundi buhatin siya hanggang sa maka baba kami, nakita naman kami ng lolo at lola niya naka ngiti sila habang pinag mamasdan kami.

"Bagay na bagay kayo ng apo ko iha, para kayong mag asawa tignan." Sabi ng lola niya kaya nahiya ako narinig ko pa ang mabini na tawa ni Nat, kaya tinignan ko siya.

"Ang cute mong mahiya akala ko makapal mukha mo." Nakangising sabi niya sabay pisil sa pisnge ko, kaya napa ngiwi ako. Parang may kasamang galit 'yung pisil niya ah parang kurot na.

"Grabe ka naman saakin, Natasha hindi naman makapal mukha ko, sakto lang hawakan mo pa eh." Naka pout na sabi ko kaya hinawakan at hinalikan niya ang pisnge ko. Na kinagulat ko.

Kinindatan niya ako, kaya bigla akong nahiya. Feeling ko namumula pisnge ko.

Napag desisyonan ko na siyang ibaba. Pag baba ko sa kaniya, agad niyang inabot ang choco niya.

Napag desisyonan na namin kumain habang nakikipag kwentuhan. Nang matapos kami kumain ay nag pahinga muna kami ng ilang minuto, bago napag desisyonan na maligo na para makapag ayos na din kami at maka alis na kami.

Pagtapos namin mag pahinga ay umakyat na kami sa kwarto niya.

"Mauna kana maligo susunod nalang ako." Sabi ko sa kaniya, alam ko kase matagal siya maligo kaya siya nalang muna paunahin ko.

𝙸'𝚖 𝙷𝚎𝚛 𝚂𝚕𝚊𝚟𝚎 (Under Revision) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon