CHAPTER-5

3 0 0
                                    

AT muli ngang naging  mapayapa ang mundo sa tulong ng mga magkakaibiganna handang magdamayan at dumamay sa oras ng kahirapan at kagipitan.

Mabilis namang nalinis ng mga alagad ng batas ang mga bangkay ng mga nagkalat na mga zombie. Grabe ang pagluluksa ng mga pamilyang lumisan sa mundong ibabaw dahil sa pagkakahawa sa sakit na kumalat sa bansa subalit sa mga lumipas na panahon ay natutunan din nila itong natanggap sa kanilang mga puso't-isipan.

Gumawa naman ng paraan ang mahal na pangulo para agad makabangon ang mga mamamayan na nalugmok sa pinsalang iniwan ng pandemya. At si Ariel naman ay nagkaroon na ng sariling laboratoryo at ginawa siyang taga gawa at supply  ng gamot na mabisang panlaban sa ibat ibang sakit. Nakagawa rin siya ng paraan para manumbalik ang kanyang dating katauhan bilang isang normal na tao.

Isang dakilang bayani si Ariel sa isipan ng mga tao at naging idolo ng maraming kabataan para pagbutihin ang kanilang mga pag-aaral, Masayang-masaya ang kalooban ni Ariel subalit hindi niya makakalimutan ang mga tunay na bayani na minsan ay nakasama nya sa maikling panahon na nagligtas sa mundo.

"Maraming salamat sa inyo at nawa'y lagi kayong gabayan ng diyos sa inyong mga susunod pang paglalakbay." nasasambit na lamang ni Ariel kapag napapag-isa sya at naiisip sina Dean, Buchoy, Archie  at si prinsesa Amaya.

********

"Saan ang susunod nating paglalakbay ate Amaya?" tanong ni Buchoy sa prinsesa.

"Hindi ko pa alam Buchoy pero nararamdaman ko na malapit na naman nating makatuos ang mga masasamang nilalang na nagpapalakas lamang ng kanilang kapangyarihan. Tandaan niyo lang na sa anumang labanan, huwag nating kalimutan na tumawag sa amang nada itaas, hindi niya tayo pababayaan, siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat." paliwanag ni Amaya sa Tatlo.

"Opo ate." saad naman ni Archie samantalang si Edward ay hindi maalis ang pagkakatitig nito sa prinsesa.

"Ehem, Archie, ang init dito, tara doon muna tayo." pag-aaya ni Buchoy sa dalagita.

"Hindi naman ah! Ano na naman binabalak mo ha, gusto mo na naman bang makutusan, ha!"pagtataray ni Archie sa binatilyo.

"Ah wala, baka kasi may gusto nang magtapat at ng hindi na maunahan ng iba." saad naman nito na napasulyap pa sa lalaking amaranhig tsaka nya kinindatan at inginuso ang prinsesa. Subalit namula lang ang mukha ni Edward dahil sa hiya. "Ang torpe mo talaga, oo!" dagdag pa nito tsaka mabilis na inakay ang dalagita papalayo sa dalawa.Napapailing na lamang si Amaya habang nakangiti dahil sa makulit na inaasta ng binatilyo.

Napasulyap naman ito ng tingin kay Edward at mas lalong namula ang amaranhig dahil sa pagkakasalubong nila ng mga mata subalit nanginginig man sa hiya ay pinilit humakbang ni Edward papalapit sa kinaroroonan ni Amaya.

"Ayun dumada-moves na!" sigaw ni Buchoy na hindi makita kung saan nagtatago at tanging halakhak lamang ang naririnig. Napalamutak na lamang sa sariling mukha ang lalaking amaranhig dahil sa gulat sa sigaw ni Buchoy.

"Psst, ikaw talaga kahit kailan"pabulong naman na saway ni Archie sa binatilyo.

"Ninenerbyos na nga eh, nanggugulat pa 'to!" pabulong na lamang na nasambit ni Edward sa sarili na d naman sinasadyang marinig ng prinsesa.

"Pati bata sinisisi sa katorpehan!" pasaring ni Amaya habang nakatingin sa  kalawakan na siyang mas nagpapula sa mukha ng lalaking  amaranhig na animoy parang bagong lutong alimango dahil sa hiya.

********

"Magsaya lang muna kayo dahil malapit na muli ang ating muling magtutuos at tinitiyak kong hindi na kayo muling ngingiti pa kapag nawala ko na sa landas ko ang Amayang 'yan!" wika ni Satanas na nasa impyerno habang pinapanood ang magkakaibigan.

"Ipag-utos nyo lang panginoon, tatapusin ko na ang mga 'yan!" wika naman ng kanyang bagong tauhan na walang ibang kung hindi ang bagong silang na si Soy.

"Huwag kang mag-alala, relax ka lang diyan at magpalakas, malapit na tayong makipag-tuos at pagdaring ng takdang panahon,sa atin naman ang huling halakhak!" tugon ni Satanas dahilan para umugong sa buong kaharian ng impyerno ang kanilang malalakas na halakhak.

*****

"Anak ko Amaya, nararamdaman ko ang mas lumalakas pang kapangyarihan ng mga alagad ng dilim. Huwag kang papatinag anak, kaya mo 'yan, alam kong higit na mas may ilalakas pa ang iyong kapangyarihan, nasa likod mo lang ako anak, huwag kang mag-alala dahil kaya kong isakripisyo ang sarili kong buhay maprtotektahan lang kita, mahal na mahal kita anak." seryosong sambit ni Prinsesa Amy mula sa malayo habang pinagmamasdan si Amaya.

********

"Kung kailangan mong muli ang aking tulong prinsesa Amaya, magpadala ka lang muli ng mensahe mula sa hangin, hindi kami magdadalawang isip na tulungan ka sampu ng aking nasasakupan dito sa Dasma." saad naman ni Dean na nakatingala sa buwan.

*******

"Nakalaban na kita subalit iba ang nakita ko sa'yo. Dati walang halaga sa akin ang buhay pero ipinakita mo sa akin na may saysay ito kaya naman nabago ko ang aking pagkatao. Salamat sa'yo prinsesa Amaya at dahil sa'yo ay mas minahal ako ng aking nasasakupan. Balang araw ay makakaganti rin ako sa'yo, utang ko sa'yo ang pangalawa kong buhay,kapag kailangan mo ng tulong ay magsabi ka lang , aasahan mo hindi ka magdadalawang salita at agad kaming lulusob." wika naman ng isang babae habang nakatanaw sa malayo.

*****

"Amaya, nararamdaman ko na nalalapit tayo sa isang seryosong digmaan, ngunit tandaan mo ito, hindi ko man masabi ang tunay na nararamdaman ko sayo pero kaya ko naman ibuwis ang aking buhay para lamang maprotektahan ka. Tandaan mo,.mahal na mahal kita kahit sa patago ko nalang ito sasabihin." sambit ni Edward sa isipan habang nakatingin sa maamong mukha ng prinsesa.

******
"Ate Amaya, sandali lang tayong nagkakilala pero hindi na iba ang turing mo sa akin. Kaya naman, tutumbasan ko ang kabutih an mo ng nararapat na sukli, lalaban ako hanggang kaya ko, matulungan lang kita." ani Archie .

*******
"Ate Amaya, sa kabila ng kakulitan ko, napagtyatyagaan mo pa rin ako. Halos ibuwis mo ang sarili mong buhay maprotektahan mo lang ako. Hindi man tayo magkaano-ano pero tinuring mo akong kapatid, sana ay makaganti rin ako sayo balang araw at kahit buhay kopa ang kapalit maprotektahan lang kita sa mga kalaban ay masaya kong tatanggapin. Mahal na mahal kita, ate Amaya." seryoso namang ani Buchoy.

*******
"Mga kasama, alam kong mas lalong lumalakas ang kapangyarihan at pwersa ng kadiliman, pero kakayanin natin muli ito ng sama-sama. Alam kong iniisip niyo rin ang aking kapakanan pero tulad niyo, hindi ko kayo hahayaang magalaw ng nino man sa abot ng aking makakaya, kaya kong ibuwis ang sarili kong buhay, maprotektahan ko lang kayo, aking mga KAIBIGAN." saad naman ni Amaya sa isipan habang pinagmamasdan isa-isa at iniisip ang mga natulungan at nakasama na niyang mga itinuring na mga kaibigan at kasama sa pakikipaglaban hanggang wakas.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now