CHAPTER -13:ULTIMATE WARRIOR PRINCESS

2 0 0
                                    

"Kuya Ariel, ikaw nga ba?" salubong na ani Archie.

"Ako nga ganda." saad naman ng lalaki.

"Bakit ngayon lang kayo, nagtsismis pa kayo noh!" sabat naman ni Buchoy.

"Hindi may ginawa lang kami at tsaka bakit napakadungis mo?" wika naman ni Edward.

"Ikaw ba naman ang laging ngudngod sa lupa sa mga pag-atake ng pangit na Satanas na yan eh, hindi ka ba magiging madungis!" sambit naman ng binatilyo.

"Palusot pa, dati naman talaga siyang madungis, mabantot pa." sabi naman ni Desn na nakisali sa usapan.

"Tumahimik ka nga diyan, asong halimaw! Pasabugin kita dyan eh!" maangas na sagot ni Buchoy kay Dean.

"Hoy, ilag kayo!" sigaw naman ni Junifer nang makita niya ang pagpukol ni Satanas ng kanyang inipon  na enerhiya sa kanyang mga kamay patungo sa direksyon ng nagtatalong magkakaibigan. Buti na lamang at mabilis silang sabay-sabay na nakailag sa pag-atakeng iyon ng panginoon ng kadiliman kundi ay baka naging katapusan na ng kanilang buhay.

"Tara na, pagtulungan natin yang pangit na 'yan!" ani Buchoy. Sabay-sabay muli silang humakbang para sa gagawing pag-atake kay Satanas maliban kay Ariel na iniunat ang kamay para pigilan ang mga kasama.

"Pahinga na muna kayo, ako na muna ang bahala sa isang yan nang nakabawi man lang sa huli kong pagdating." wika ni Ariel sa mga kasama.

"Alam mo ba ang sinasabi mo ha, mortal?"  sambit naman ni reyna Junifer na medyo  tumaas ang boses.

"Alam ko po, pagbigyan niyo na lang ako, alam ko kung ano ginagawa ko." seryoso namang sambit ni Ariel kasabay non ang mabilis na paglapit sa kinaroroonan ni Satanas.

"Nahihibang na yata 'to!" sambit naman ni Dean.

"Hayaan niyo siya, baka may binabalak siyang kakaiba." turan naman ng amaranhig nq si Edward.

"Ikaw, isang mortal! Hibang!" pang-iinsulto ni Satanas kay Ariel subalit nginisian lang siya ng doctor.

"Sige tumawa ka lang, baka sa huli pagsisihan mo ang kayabangan mo at baka yan ang maging mitsa ng iyong kabiguan at ikaw mismo ang malagay sa alanganing sitwasyon." mapang-insulto ring tugon ni Ariel.

"Nababaliw kana nga talaga. Isang tao, isang simpleng tao na wala pa sa kalingkingan ng lakas ng aking taglay na kapangyarihan ang siya pang hahamon sa akin!" Mga kaibigan mo nga kahit nagsama-sama sila, wala silang magawa, ikaw pa kaya!" at muling humalakhak ang panginoon ng kadiliman.

"Ang dami mong satsat, para kang  manok na putak ng putak!" pang-aasar lalo ni Ariel.

"Aba't talagang hinahamon mo ako ah!" asar namang ani Satanas kaya mabilis siyang nagpakawala ng isang may kalakasang bolanh itim na enerhiya. Sapul naman si Ariel na hindi man lang nagawang makailag tsaka bumagsak sa lupa.

"Iyan ang bagay sayo, tangang mortal!" sambit ni Satanas.

"Iyan lang ba kaya mo!" sambit naman ni Ariel na mula sa pagkakahandusay ay dahan-dahang tumayo na parang walang nangyari.

"Magpapakamatay ba siya?" nag-aalala namang ani Archie.

"Hayaan mo siya, ginusto niya yan eh!" tugon naman ni Buchoy.

"Hmm, wala ka na ngang  magawa mayabang kapa. Oh heto pa, nang natapos na ang iyong walang saysay na buhay."  muli ay nagpakawala ng malakas na kapangyarihan si Satanas mula sa mga palad at gaya ng nangyari sa una, muling tinamaan si Ariel at  mabilis na bumagsak sa lupa. Muling napahalakhak ang masamang panginoon dahil alam niyang hindi na kakayanin pa ng katawan ni Ariel ang malakas niyang binitawang pag atake.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now