CHAPTER-10

3 0 0
                                    

SUBALIT laking gulat ni prinsesa Amy ng maramdamang hindi itinuloy ng demonyo ang pag-atake nito mula sa likuran niya bagkus umiwas pa ito at napunta da direksyon ng kanyang mga kasamang demonyo.

"Anong nangyayari, bakit tila nag-aaway away na kayo mga alagad!" ani Satanas dahil sa nasasaksihan.

Ngumiti lang ang demonyong nakatitig sa kanyang panginoon tsaka binalingan ng tingin ang mag-inang Amy At Amaya kasabay ng unti-unti nitong pagbabalik sa tunay na katauhan.

"Dean, pilyo ka talaga." nasabi na lamang ni Amaya na may ngiti sa mga labi.

"Namis mo agad ako? Nanay Amy oh, anak niyo nakakainlove tumingin." saad naman ni Dean na nakabalik na sa tunay na katauhan.

"Salamat iho, sakto ang pagdating mo. Akala ko tutuluyan mo na ako kanina." saad naman ng prinsesa ng mga aswang.

"Hindi maari iyon nanay Amy, baka mabasted pa ako ng anak niyo eh." pilosopo namang ani Dean na siyang nagbigay ngiti kay prinsesa Amy.

"Pilyo ka nga. Oh sige, tara na, ubusin na natin ang mga iyan!" wika ni Amy kaya bumalik muli si Dean sa katauhan niya bilang isang halimaw.

Subalit natigilan ang dalawa sa pag-atake pati na ang ibang mga demonyo ng bigla na lamang maghiyawan ang ibang mga pangkat ng mga denonyo sa may hindi kalayuan.

"Narito na kami!" sigaw ng isang boses ng babae na kasama ang mga kawal na engkanto.

"Reyna Junifer!" natutuwang sambit naman ni Amaya ng mapagsino ang isang pangkat na dumating.

"Mas magaling! Ayos lang kahit magsama-sama na kayong lahat dahil navawasan  na ang iyong lakas at ako naman ,habang namamatay na aming mga alagad ay mas lalo pa akong lumalakas." pagpuputol ni Soy sa kasiyahan ng kalooban ni Amaya.

"Tignan natin!" seryoso namang turan ng dalagang prinsesa.

"Ubusin niyo ang mga salot na 'yan, sugod!" sigaw na utos ng Reyna sa kanyang mga kawal na engkanto na mabilis namang sumugod at iniisa-isang nililipol ang mga demonyo. Kaagaran namang humihiwalay ang mga kaluluwa ng mga napapaslang na demonyo sa kanilang katawan at dumidiretso ito sa bunganga ni Soy.

"Ibang klase talaga ang nagagawa ng syentipiko, mas lalo tuloy akong lumalakas. Pa'no ba 'yan, malapit na kitang mapantayan ng abilidad!" ani Soy na muling nagpakawala ng isang halakhak.

"Reyna Junifer, paatrasin mo muna ang mga kawal mo, Dean, hanggat maaari eh iwasan mo muna ang pumatay ng demonyo, iwas-iwas ka muna sa mga pag-atake nila!"  pasigaw na utos ni prinsesa Amy sa mga kasama na siya namang ipinagtaka ng mga ito subalit sumunod na lamang sila ng walang pag-aalinlangan dahil hindi iyon iuutos ng prinsesa ng mga aswang kung walang sapat na dahilan.

"Anak, bago pa pumantay ang kapangyarihan ng mokong na 'yan sa taglay mong kapangyarihan, tapusin mo na siya!" sigaw na utos ni Amy sa anak na prinsesa. Tumango naman si Amaya tanda ng pagtugon sa ina tsaka muling binalingan ng tingin si Soy.

"Anong-! H-hindi ito maaari!" ani Soy subalit huli na ng dumapo ang kamao ng dalagang prinsesa sa kanyang mukha.

Tumilapon ang masamang Doctor sa kakayuhan at lahat ng kahoy na kinahampasan niya ay pawang nabale dahil sa tindi ng lakas na pinakawalan ni Amaya sa isang suntok lamang.

Muling tumayo si Soy na hawak-hawak ang kaliwang braso na halatang nabalian dahil sa lumupaypay ito.

"Pagbabayaran mo 'to ng mahal, papatayin kita!" sigaw ni Soy at sa puntong iyon ay siya naman ang gumawa ng isang pag-atake.

Subalit sa dami ng pinakawalan niyang maliliit na bolang itim ay hindi man lang niya magawang patamaan ang prinsesa.

"Dahil sa sarili mong kadaldalan ay nalaman ng ina ang iyong lihim. Ito na ang iyong katapusan!" sambit ni Amaya na muling nawala sa paningin ni Soy at ginawaran ulit ng isang suntok sa sikmura kasabay ng isa pang suntok sa kanyang mukha dahilan para muli siyang tumilapon.

"Ahh!" sigaw ng lalake ng maramdaman ang mga bali nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Sa kabila ng lahat ng sinasapit ni Soy ay nananatili pa ring kalmado at nakangiti ang kanyang panginoong si Satanas na tila ba mas nasisiyahan pa sa mga nangyayari.

"Pano ba 'yan, mukhang pinabayaan kana ng iyong panginoon." pang-iinsulto pa ni Amaya sa nakahandusay at hindi makatayong si Soy.

"Panginoon, tulungan mo ako!" sigaw nito na narinig naman ni Satanas. Umangat ang isang kamay nito tsaka pinuntiryang inatake ang mga natitirang mga demonyo. Isang malakas na pagsabog ang naganap na ikinatalsik pa ng  ibang mga kawal ni Reyna Junifer at ang iba naman ay prinotektahan siya. Nanatili namang matindig ang pagkakatayo nina prinsesa Amy at Dean sa kinatatayuan.

Sa isang iglap lang ay naubos ang natitirang mga pangkat ng mga demonyo at siya namang pagbabalik ng muling lakas ni Soy na ngayon ay nakatayo na at muling nakangiti.

"Ngayon Amaya, handang-handa na muli ako sa ating labanan." aniya na may taglay na ring pambihirang lakas.

"Masama ito." ani Dean

"Mali ka, mas masama ang binabalak ni Satanas. Alam kong may binabalak siyang mas ikakagulat nating lahat. Kailangang ihanda ni Amaya ang kanyang sarili dahil hindi pa nagsisimula ang tunay na laban, laban nila ng panginoon ng kadiliman." seryosong sambit ni Amaya na siyang nagpatindig ng balahibo ng halimaw na si Dean dahil sa kabila ng lahat ay hindi pa pala ito ang tunay na digmaan kundi nagsisimula pa lamang.

"Soy, itigil mo na muna iyan, halika may sasabihin ako sa'yo!" utos ni Satanas kay Soy. Tumalima naman  ang masamang doctor tsaka biglang naglaho. Paglitaw niya ay nasa harapan na siya ng kanyang panginoon ng patalikod.

"Ano 'yon  mahal kong panginoon." tanong ni Soy sa kanyang amo.

"Magpahinga ka na, Soy!" ani Satanas na mabilis na itinarak ang matatalas na kuko nito sa likod ng kanyang pinakamalakas na kampon  diretso sa kanyang puso.

"B-bakit pangino-,"hindi na natuloy pa ang sasabihin ng bunutin palabas ng kanyang kinikilalang panginoon ang kanyang puso. Bagsak si Soy sa lupa na tirik ang mata at wala ng buhay.

Labis namang ipinagtaka ng magkakasama ang nangyaring ginawa ni Satanas sa kanyang pinakamalakas na  alagad.

Pinulot naman ng panginoon ng kadiliman ang katawan ni Soy. Kusang lumaki ang bunganga ni Satanas tsaka linunok ng buo ang katawan ng masamang doctor.

Nang matapos ang nakakadiring ginagawa ni Satanas, nagpakawala ng ito ng nakakabinging halakhak kasabay ng pagpapalabas nya ng isang napakatinding pwersang pinagsanib mula sa kanyang kapangyarihan at ni Soy.

"Tagumpay ang aking plano, ako na ngayon ang pinakamalakas!" malakas na sambit ni Satanas habang patuloy sa paghalakhak.

"Ito na ang sinasabi ko. Ngayon, mag-uumpisa na ang tunay na laban, anak kaya mo 'yan!" mahina subalit matigas na sambit ni prinsesa Amy kasabay ng pagpukol niya ng tingin sa anak na nananatiling nakatayo habang pinagmamasdan ang nagsasayang si Satanas.

Hindi naman makaimik si Dean at ang pangkat ni Reyna Junifer dahil ngayon lang sila nakaramdam ng isang pambihirang lakas na ngayon lang nila naramdaman.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now