CHAPTER-3:Ang perpektong imbensyon ni Soy

2 0 0
                                    

"S-salamat ginoo p-pero sino ka nga pala!" nauutal na tanong ni Ariel sa lalaking nagligtas sa kanya sa tiyak na kapahamakan.

"Ipahinga mo muna ang sarili mo, kami na muna ang bahala. Kailangan natin iligtas ang mundo kaya dapat ay manumbalik agad ang iyong lakas." saad naman ng lalake habang marahang naglalakad. " Siyanga pala, ang pangalan ko ay Edward."dagdag pa nito kasabay ng kanyang mabilis na paglaho.

*****

"At sino kang lapastangan ang nakikialam sa akin, gusto mo bang mapahamak ha!" galit na sigaw ni Soy sa babaeng kaharap.

"Matalino ka nga at mahusay, pero bulok naman ang pagkatao mo! Galit ako sa mga taong sakim sa kapangyarihan na katulad mo!" galit na tugon ng babaeng kaharap ng masamang doctor.

Natawa lang si Soy sa sinabi sa kanya ng babae. "Para namang kaya mong gampanan ang mga sinasabi mo, nakakaawa at nakakatawa ka, kung umasta ka akala-," hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Soy ng ilabas ng babae ang kalahati ng kanyang lakas kasabay ng pagbabago nito ng anyo.

Nanlaki naman ang mga mata ng masamang doctor dahil sa nasaksihan at naramdaman.

"Siyanga pala, ako nga pala si prinsesa Amaya, anak ng magigiting ng mga mandirigmang aswang na sina prinsesa Amy at ka-Banong." pagpapakilala ng dalagang prinsesa sa sarili.

"A-aswang ka p-pero i-iba ang i-itsura mo!" nauutal habang naguguluhang ani Soy.

"Tama ka, ibang iba ang itsura ko sa mga aswang dahil, dalawa ang lahing aking pinanggalingan, ang lahi ng aswang at engkanto." dagdag pa ni Amaya.

"W-wow, i-ibang klase!" puri pa ni Soy sa dalaga.

"Oh ano, handa kana ba?" ani Amaya sa syentipikong doctor subalit humingi ito ng kaunting oras tsaka dumukot sa kanyang bulsa.

Mula doon ay inilabas niya ang isang ringgilya na may laman na pulang likido. Sinabi ni Soy sa prinsesa na iyon ang pinaka espesyal sa lahat at pinakamakapangyarihang imbensyon nyang gamot na kapag napunta sa katawan ng tao ay magkakaroon ito ng walang katumbas na kapangyarihan.

Hindi naman umiimik at kumikilos si prinsesa Amaya kanyang kinatatayuan. Pinapakinggan lamang niya ang mga pagmamayabang ni Soy. Subalit ng magsawa siya ay sinabihan niya ito ng tumigil na sa kakaputak at itarak na niya sa sarili ang sarili niyang imbensyon. Nainsulto naman ang doctor kaya mabilis nya itong itinarak sa braso tsaka dahan-dahang ipinasok sa katawan niya ang laman ng ringgilya.

Ilang sandali pa lamang ay unti-unti na ngang nagbabago ang katauhan ni Soy. Dahan-dahan ding tumataas ang kanyang awra ng kanyang lakas hanggang sa maging isa na siyang ganap na CYBORG ZOMBIE.

Humalakhak pa ito ng malakas ng matapos ng matagumpay ang kanyang pagtatransform.

"Oh ano, dka makaimik diyan, natatakot kana ba!" pang-iinsulto ni Soy kay Amaya.

"Tsk, 'yan na ba 'yon, mahina, akala ko pa naman pagpapawisan ako sayo, mas magaling pa rin sayo ang kaklase mo." kantyaw nito kay Soy na siyang ikanagalit nito at ikinainit ng ulo kaya mabilis siyang gumawa ng pagsugod laban sa prinsesa.

"Relax!" saad ni Amaya na sinangga ang malakas na pag-atake ng doctor ng walang kahirap-hirap.

"I-imposible!" sambit ni Soy habang gulat na gulat sa tila ba pambabalewala ng dalaga sa kanyang taglay na lakas.

Sinabi ng prinsesa na hindi siya ang dapat niyang makalaban dahil malayo ang agwat ng kanilang abilidad subalit may alam ang prinsesa na kapantay nya ng kanyang abilidad at ng tanungin ni Soy kung sino iyon ay isang lalaki ang nagsalita.

"Nang-iinsulto ka ba Ariel, ni hindi ka makaporma kanina sa mahina kong imbensyon eh, ngayon pa kaya!" natatawang ani Soy sa lalake.

"Subukan natin!" seryoso namang ani Aries sa dating kaklase.

Iniwan naman sila ni Amaya para puntahan sina Buchoy at Archie na abala sa pagpuksa sa mga infected na mga tao at naging mga zombie. Hindi naman maka patay-patay ang binatilyo ng kanyang mga kalaban dahil simpleng bato lamang ang kanyang mga gamit kaya patago-tago na lamang ito sa likuran ng dalagita.

"Buchoy, halika." ani Amaya sa binatilyo.

"Mag-iingat ka Archie, puntahan ko lang si ate Amaya, may sasabihin ata." saad naman ni Buchoy sa dalagita na mabilis namang tumango.

Paglapit pa lang ni Buchoy sa dalaga ay hinawakan na siya agad sa ulo.
Ibinalik niya ang binawi niyang kapangyarihan noong naging halimaw siya at may karagdagan pa itong ibang abilidad. Nagkaroon siya ng mata sa likod na gumagana lamang kapag may umaatake sa kanyang ng patraydor na mga kalaban at ang kanyang tirador ay naging isang kulay ginto na hindi basta mababali. Nag-iiba din ang hugis o anyo nito gaya ng isang baril.

"Woah, astig! Salamat ate Amaya." aniya sabay balik sa tabi ni Archie tsaka ginamit ang kanyang bagong abilidad. Natigilan naman ang dalagita st napangiti dahil sa bagong abilidad na taglay ni Buchoy.

"Nararapat lang sayo yan Buchoy, kasi mabuti kang tao kahit ano pa ang iyong pinanggalingan." saad naman ni Archie sa kanyang isipan.

Napansin naman ni Buchoy ang pagkakatitig sa kanya ng dalagita kaya pinunasan nito ang sariling mukha na sa akala niya ay may dumi ito kaya ganon na lang siya tignan ni Archie.

Napailing na lamang muli habang nakangiti ang dalagita dahil sa ikinikilos ng binatilyo.

********

Mabilis ang ginagawang mga pag-atake sa isa't-isa ng dalawang doctor na dating magkaklase. Walang gustong magpatalo, lahat ay ibinubuhos ang lahat ng kanilang lakas at abilidad.

Hanggang sa makahanap ng maganda g tyempo si Soy ng magandang pagkakataon kaya tagumpay niyang nalusutan ng suntok ang tagiliran ni Ariel. Dahil sa determinasyong manalo, hindi inalintana ni lalake ang suntok na natamo bagkus gumanti agad ito at napagtagumpayan naman niyang mabawian ng isang suntok si Soy sa panga dahilan para dumugo ang kanyang bunganga.

Hindi makapaniwala ang masamang doctor dahil nasasabayan siya ng isang Ariel na ang mga sangkap lamang sa paggamit ng mga gamot ay mga mabababang klase hindi tulad sa kanya na puros mamahalin at imported.

"Tapusin mo na 'yan, huwag ka ng maglaro!" sigaw ng isang lalaki na abala din sa pakikipaglaban kasama ang isang lalaking pamilyar sa kanyang mga mata.

"A-ariel, i-ikaw!" hindi makapaniwalang ani Soy sa sarili ng makilala niya kung sino ang lalaking abala sa pakikipaglaban sa kanyang mga alagad na zombie.." S-sino ka bang talaga ha!" baling ni Soy sa Ariel na kaharap.

"Gusto mo ba talaga malaman kung sino ako? Pwes, pagbibigyan kita." wika ng nilalang na nagpapapanggap na Ariel habang nakangiti.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now