CHAPTER-14:ULTIMATE DARK PRINCESS

2 0 0
                                    

"H-hindi ito maaari, p-paano kang lumakas ng ganyan!" nagtatakang ani Satanas kay Amaya na nagbigay sa kanya ng malaking palaisipan.

"Huwag ka ng magtaka pa Satanas, ito ang kanina ko pa sinasabi sa'yo,  ang tunay na kapangyarihan ng pagkakaibigan!" sagot naman ng dalagang prinsesa.

"I-imposible! I-isa akong panginoon, w-walang makakapantay sa aking kapangyarihan, maging ang diyos niyong sinasamba, wala!" galit na galit na turan ni Satanas.

"Kahit anong gawin mo ay talo ka na sa labang ito, Satanas!" wika naman ng isa pang boses ng isang babae.

"I-ikaw! B-buhay ka!" mas lalong nagimbal si Satanas ng makitang buhay si prinsesa Amy.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka! Hindi ka ba makapaniwala?" nakangiting ani Amaya na mas nagpainsulto pa sa panginoon ng kadiliman.

Tinignan naman ni prinsesa Amaya ang sina Ariel at Buchoy ngunit parehas na silang nakahandusay at wala ng malay. Alam na ni Amaya kung bakit nagkaroon na muli ng malay at lakas ang kanyang ina.

"Salamat Ariel, salamat!" pabulong na sambit na lamang ng dalagang prinsesa.

Nagulat man, nabuhayan din ng pag-asa ang mga nanghihinang sina Archie, Dean at Edward dahil sa muling panunumbalik ng lakas ng mag-inang prinsesa.

"Anak, pwede bang ako muna ang maunang lumaban sa halimaw na 'yan!" pakiusap ni prinsesa Amy sa anak nito.

"Sigurado ka ba ina, kaya mo na ba!" may pag-aalalang ani Amaya sa ina.

"Oo anak, huwag kang mag-alala." sagot naman ng prinsesa ng mga aswang.

"Sige ina, ikaw po ang bahala." tugon naman ng dalagang prinsesa

"Agad na gumawa ng mabilis na pag-atake si prinsesa Amy. Pawala-wala ito sa paningin ni Satanas. Masugid namang sinusundan ng masamang panginoon ang mga galaw ng kalabang prinsesa habang nag-iipon ng isang malakas na pag-atake sa isa nitong kamay at sinisiguro niya na sa pagkakataong iyon ay tuluyan ng mabubura sa kanyang landas ang prinsesa ng mga aswang na naging mortal din na kaaway ng kanyang anak na si Lucifer.

Paglitaw ni prinsesa Amy sa harapan ni Satanas ay mabilis niyang iwinasiwas ang kanyang hawak na espada. Subalit hindi inaasahan ng prinsesa ang sumunod na nangyari.

Harap-harapan at malapitang naipatama ni Satanas ang napakalakas na kapangyarihan sa katawan ni ng prinsesa ng mga Aswang.

"Ahh!" sigaw ni prinsesa Amy kasabay ng pagtilapon niya ng may kalayuan tsaka bumagsak sa lupa. Sa pagkakataong iyon ay hindi na makakilos pa si prinsesa Amy.

"Yan ang bagay sa'yo. Masyado ka kasing ambisyoso!" sa puntong iyon ay muling nagawa ni Satanas ang humalakhak subalit sa panandalian lamang dahil mas malakas ang pinakawalang tawa ng unti-unting tumatayong si prinsesa Amy.

"A-ano! Imposible ito!" sobrang naguguluhang ani Satanas dahil hindi niya lubos maisip kung paano ito nangyayari sa kanya.

Kasabay ng pagtayo ng prinsesa ay ang pagbabago rin nito ng anyo. Lumitaw ang napakaganda niyang itsura, napakaamong mukha at mas tumalas ang kanyang espada.

"Wow, mas malakas na ako kaysa sa dati. Magandang laban ang magaganap na ito ano Satanas?" mapang-insultong tanong ni Amaya sa natatarantang panginoon ng kadiliman.

Nararamdaman na rin ni Satanas ang mataas na pagbaba ng kanyang awra. Tila ba kada pag-atake niya ay nababawasan ito.  Doon niya naisip na isa palang doctor si Ariel na minsang nakalaban ng alagad niyang si Soy na isa ring SCIENTIST.

"H-Hindi kaya!" wika ni Satanas sa sarili  habang napapaisip.

"Tama ka sa iniisip mo Satanas, parehas kami ni ina na may taglay ng gamot na imbensyon ni Ariel kagaya ng kay Soy. Ang pagkakaiba nga lang, puros kasamaan ang kaya mong higupin  samantalang kami, kaya naming higupin ang lahat ng iyong kapangyarihan maging masamang awra man ito dahil alalahanin mo, may lahi rin kaming aswang." nakangiting paliwanag ni prinsesa Amaya.

"Tama ang aking anak at sa sitwasyong ito, kaya na naming makipagsabayan sayo at kunin ang iyong buhay!" matapang namang dagdag ni prinsesa Amy.

"H-hindi ako makakapayag, hindi ako matatalo sa isang labanan! Hindi niyo ako kaya, isa akong panginoon!" sigaw nito na may matinding galit subalit muling nanlaki ang kanyang mga mata ng magawa ni Amy na maputol ang kaliwa nitong braso.

"Oh hayan, wala na ang pagkapanginoon mo. Alam kong kaya mong patubuing muli ang iyong kamay subalit hindi iyan ang punto ko, pinaramdam ko lang sayo na kaya ka na naming saktan!" nanggagalaiting ani prinsesa Amy sa kalaban.

"H-hindi ito totoo, hindi ito maari, h-hindi, hindi!" isang malakas na sigaw ni Satanas na siyang nagpakawala ng natitira niyang lakas subalit muling naputol ang pag-aamok nito ng  isang rumaragsang boomerang ang tumapyas sa kanyang tagiliran.

"Wala ka ng magagawa pa Satanas, katapusan mo na!" sigaw naman ni prinsesa Amaya na ngayon ay nasa tabi na ng kanyang inang prinsesa.

Nananatili namang nakatayo si Satanas sa kanyang kinaroroonan na hindi makapaniwala sa nangyayari. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakadama ng matinding takot at kaba, at ang masakit, sa dalawang mag inang pangkaraniwang prinsesa lamang ng lahing aswang at engkanto siya matatalo. Hindi niya matanggap sa sarili ang katotohanan. Lalaban siya hanggat may natitira siyang lakas, lalaban siya hanggang kamatayan. Kaya mabilis siyang gumawa ng pag-atake laban sa mag-ina.

"Tatapusin ko kayong dalawa!"  sigaw ni Satanas na nagsimula ng gumawa ng kanyang mga pag-atake.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now