CHAPTER-7

3 0 0
                                    

PAGDATING NINA ARCHIE AT BUCHOY sa hilaga ay hiyawan ng tao ang mga sumalubong sa kanila. Nagkalat ang mga bangkay ng mga inosenteng tao, may mangilan-ngilan ding mga demonyo ang nakahandusay at mga sundalo.

SI DEAN naman ay tahimik lang na nakamasid sa paligid. Wala naman masyadong sibilisasyon sa timog kaya konti lang ang taong nakatira doon subalit may mga mangilan-ngilan pa rin siyang nakikitang mga nakahandusay na sa kalsada at wala ng buhay.

Si EDWARD naman ay awa ang sumalubong sa kanya sa kanluran dahil sa  kalunos-lunos na sinapit ng mga kaawa-awang mamamayan sa kamay ng mga malulupit na alagad ng kadiliman. Agad niyang hinanap ang mga ito at mabilis naman niyang natunton ang kinaroroonan nila. Abala sila sa pagpaslang sa iba pang mga taong walang kalaban-laban kaya hindi na niya napigilan ang sarili at inumpisahan na niyang isa-isang pinagpapaslang ang mga demonyo.

Ganon din ang nadatnan ni reyna Junifer at ng kanyang mga kawal. Halos wala ng natirang mga gusali dahil sa pagwasak ni Soy gamit ang kanyang kapangyarihan. Pati mga pandigmaang mga sasakyan ng mga sundalo ay hindi nakaligtas. Napakaraming mga pulis at sundalo na ang namatay  para lamang iligtas ang kanilang nasasakupan laban sa mga kampon ng kadiliman.

*******

"ARCHIE, wala ka bang nahahalata!" tanong ni Buchoy na wala pa ring tigil sa pag-atake.

"KANINA ko pa nga napapansin eh, bakit parang hindi lumalaban ang mga demonyong iyan!" wika naman ng dalaga.

Gulung-gulo man ay ipinagkibit-balikat na lamang nila ito at ipinagpatuloy ang pagpuksa sa mga kalaban.

Maski sina Dean, Edward, Reyna juniper ay ganoon din ang sitwasyon.

Kay Dean ay walang sumasalakay sa kanya, para bang isinusubo pa ng mga ito ang sarili sa kamatayan.

Napatigil naman si Edward dahil sa kakaibang nangyayari sa mga kalaban hanggang sa bigla na  lamang sumagi sa isipan niya si Prinsesa Amaya.

"Parang may mali. Amaya, mag-iingat ka, baka may ibang pinaplano ang mga demonyong ito kaya hindi sila lumalaban." nasabi na lamang ni Edward sa sarili tsaka ipinagpatuloy ang pagpaslang sa mga demonyong kaharap.

******
"Anong nangyayari sa mga alagad mo, tila nabahag na ata ang mga buntot nyo sa mga kawal kong engkanto." nakangiting ank reyna Juniper sa masamang doctor na kaharap.

"Sige lang, magsaya ka lang!" sambit ni Soy sa isipan habang nakangiti.

"Ah eh kwan, masyado kasi kayong malakas eh kaya hindi na kami lumalaban." pagsisinungaling pa nito na kaagad natunugan ng Reyna.

NANG makita ng Reyna ang lihim na pagngiti ni Soy ay doon na niya naisip si Amaya. Mabilis niyang tinawag ang mga kawal na engkanto at ipinatigil ang pagpaslang sa mga demonyo.

"Kalahati sa inyo ay pumunta ng gitnang Luzon, madali kayo, kailangan ni Amaya ang tulong, alam kong isa itong PATIBONG!" utos ng Reyna sa ibang mga engkantong mandirigma.

"Oh, ano na nangyayari sa inyo. Bakit parang tarantang taranta kayo, ayaw niyo ba ng ganito, pabor sa inyo ang pagkakataon. Huwag niyo nang sayangin. Sige kaya, baka magkabaliktad ang sitwasyon!" nakakalokong boses na ani Soy na sinabayan pa ng malakas na pagtawa.

"Hindi kayo magtatagumpay sa maitim niyong binabalak, hindi!" seryoso namang ani Reyna Juniper.

"Oh talaga, tignan natin!" at muling humalakhak ang masamang doctor na mas lalong nagbigay ng pagkabahala sa Reyna para sa kaligtasan ni Amaya.

"Masama na ito Archie, hindi ko gusto ang nangyayari. Ang mabuti pa, bilisan na natin. Bigla akong nag-alala kay ate Amaya eh." wika nk Buchoy sa dalagita.

"Oo nga eh, maski ako rin kanina pa nasagi sa aking isipan si ate Amaya. Kanina pa ako nag-aalala. Tara, sabay nating bilisan ang pagpuksa sa mga salot na 'to!" saad naman ni Archie na dinoble ang bilis ng kanyang pag-atake ganon din si Buchoy kahit hindi lumalaban ang kanilang mga kalaban.

******
TAHIMIK na naglalakad si prinsesa Amaya sa gitna ng daan habang  pinipigil ang pag-agos ng luha sa mga mata dahil sa mga nagkalat na bangkay ng mga inosenteng mga tao na pinatay ng walang kalaban-laban. Maski mapa matanda  o bata ay hindi nila pinatawad.

"Napakawalang puso niyo, pagbabayaran niyo ito ng mahal!" mahinang sambit ng prinsesa habang nagngingitngit sa galit.

    "SIGE, lipulin niyo lahat ang mga mababang -uri, huwag kayong magtira ni isa, sugod! pasigaw na utos ni Satanas sa mga alagad nitong demonyo.

Nagdiriwang sa kasiyahan ang kalooban ng pinuno ng kadiliman dahil sa hiyawan at hinagpis ng mga taong naghihirap at nagmamakaawa. Tila ba napakagandang musika sa kanyang pandinig ang mga sigawang iyon.

Subalit natigil ang pagsasaya nito ng isa-isang magliparan ang kanyang mga alagad na demonyo. Pagbagsak ng mga ito sa lupa ay luray-luray na ang mga katawan. Halos maubos ang kalahati ng bilang ng mga demonyo sa isang iglap lamang.

"Amaya, mabuti naman at narito kana, gumagana ang aking plano." sambit ni Satanas sa kanyang isipan tsaka sinenyasan ang mga alagad.

Labis naman ang ipinagtaka ng prinsesa sa ginagawang pag-atras ng mga kalaban. Ngayon ay nakatindig na ito malapit  sa kinaroroonan ni Satanas. Matalim ang mga matang nakatingin ito sa panginoon ng kadiliman, galit na galit at nag-aapoy ang emosyon. Kung hindi lang niya ito magawang kontrolin ay kanina pa sana ito sumabog subalit dapat niyang labanan ang kanyang emosyon dahil baka ito pa ang sanhi ng kanyang kapahamakan.

MAS LABIS na ipinagtaka nina Buchoy, Archie, Dean, Edward at reyna Junifer  ang unti-unting paglaho ng kanilang mga kalaban.

DOON nila tuluyang napagtanto na pawang ang lahat ng nangyayaring iyon siguradong pinagplanuhan  at isang napakalaking

              PATIBONG.

"AMAYA!" sabay-sabay na lamang na sambit ng magkakaibigan ang pangalan ng prinsesa na nasa iba't ibang sulok ng mundo dahil sa labis na pag-aalala.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now