CHAPTER-15':THE FINALE

4 0 0
                                    

Subalit hindi pa tuluyang nakakalapit si Satanas ay may bumaon nang isang matalas na bagay sa kanyang likuran at 'yon ay ang espasa ni prinsesa Amaya na ginawa niyang Boomerang.

"Argh!" hiyaw ng panginoon ng kadiliman ng maramdaman ang kirot at sakit ng kanyang natamong sugat sa likuran.

"H-hindi ako papayag na matalo, isasama ko kayo sa impyerno!" matapang pa ring ani Satanas dahilan para muli siyang atakehin ni prinsesa Amy na siyang ikinaputol muli ng kanyang kamay.

"Paulit-ulit mang babalik ang iyong naputol na kamay ay paulit-ulit ko pa rin iyang tatagpasin!" napangiti pero seryosong ani prinsesa ng mga Aswang.

"Sumuko ka na lang at tanggapin ang katotohanang hindi kailanman mananalo ang kasamaan sa kabutihan. Mas higit na mas malakas ang kapangyarihan ng aming kinikilalang panginoon kaysa sa'yo, Satanas!" sambit ni Amaya.

"Hindi, ako lang ang pinakamalakas sa lahat ng Diyos, ako lang!" muling sigaw ni  Satanas na punung-puno ng determinasyon subalit natigilan ito ng itarak ni prinsesa Amy ang kanyang espada sa kanyang puso.

Muli namang lumipad ang hawak nq boomerang ni Amaya tsaka pinuntirya ang leeg nito. Kitang-kita iyon ng panginoon ng kadiliman subalit bago pa siya maputulan ng ulo ay nakapag usal pa siya ng isang tila ba dasal.

"Hindi ko hahayaang mamatay na lamang ng hindi kayo lahat kasama! Tikman niyo ang ganti ng kalikasan!" nakangiting aniya kasabay non ang pagsabog ng mga bulkan at pagde lubyo ng mga ilog at karagatan bago ito napugutan ng  ulo at nawalan ng buhay.

Yumanig ang buong mundo sa mga sumunod na kaganapan. Nataranta ang magkakaibigan kung ano ang susunod nilang gagawin hanggang sa nakaisip ng paraan si Amaya.

"Isa lamang ang paraan subalit kahit nasa ganito na akong kaanyuan at nasa pinakamataas na ang aking antas ng kapangyarihan ay hindi ko pa rin ito magagawa. Kulang at hindi pa rin sapat." turan nito sa lahat ng kanyang kasama subalit paglingon niya sa mga ito ay nakatapat na sa kanya ang kanilang mga palad.

"Amaya, iligtas mo ang mundo." ani Dean na nauna ng nawalan ng malay.

"Ate Amaya, ito na ang tunay na laban, huwag mong hahayaang mawala ang lahat ng ating pinaghirapan." nakangiting ani Archie na sumunod na ring nawalan ng malay.

"Amaya, sa una nating pagtatagpo ay hindi maganda ang ating pinagdaanan, tayo ay magkalaban subalit ipinakita mo sa akin kung gaano kahalaga ang buhay. Salamat sa'yo." saad naman ni Reyna Junifer na unti-untin a ring pumipikit ang mga mata kasama ang kanyang mga natitirang kawal.

"Amaya, kung hindi mo man magawa, nais kong malaman mo na simula't sapul pa lamang ay minahal na kita. Kaya kong ibuwis ang buhay ko para sa'yo. Saa bigyan tayo ng diyos ng isang pagkakataon para maipadama sa'yo kung gaano kita kamahal." wika naman ni Edward na punung-puno ng pagmamahal. Napaluha naman si Prinsesa Amaya dahil sa wakas ay nagtapat na rin sa kanya ang lalaking lihim din niyang iniibig.

Nang matapos ang lahat na maisanib ang buong pwersa sa katawan ng prinsesa ay napailing ito dahil ramdam niyang hindi pa sapat ang kapangyarihan niyang taglay para pigilin ang pwera ng kalikasan na siyang ipanghaharang para hindi ito magpatuloy sa parte ng mundo kung saan maraming inosenteng tao ang madadamay.

"A-anong gagawin ko, hindi pa rin sapat. Magagawa ko itong harangan subalit kulang ang taglay nitong enerhiya para pigilan ang pwersa ng paparating na de lubyo at tyak na mababasag lang ito at mauuwi sa wala. Panginoong Diyos, tulungan mo po ako." ani Amaya sa sarili habang nakatingala sa langit.

Natigil ang pagluluksa ng kanyang damdamin ng bigla siyang makarinig ng alulong. Alulong na pamilyar sa kanyang pandinignat iyon ay walang iba kundi si Buchoy na nasa halimaw niyang katauhan. Nag-alala siyang hindi na naman ito makontrol ng binatilyo at baka magwala na naman ito subalit napawi ang kaba niyang iyon ng ngitian siya ni Buchoy na nasa anyong halimaw.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now