CHAPTER -12

2 0 0
                                    

"Mga hangal, sa tingin niyo ba ay matatalo ako sa kakarampot niyong kapangyarihan! Kahit magsama-sama pa kayo ay wala kayong laban kumpara ngayon sa aking taglay na kapangyarihan!" mapang-insultong ani Satanas na nagpakawala ng isang mabagsik na halakhak.

"Hindi kami natatakot sa'yo! Mga kawal, sugod!" pasigaw na utos ni reyna Junifer sa mga kawal at maski siya ay sumugod na rin.

"Tara na Archie." sambit naman ni Buchoy para sumama sa pagsugod ng mga engkanto.

"Ano pa nga ba kundi!" saad naman ni Dean na nakidamay na rin sa ginawang pag-atake ng mga kasama.

"A-anak ko!" nanghihinang sambit ni prinsesa Amy sa anak na dalaga.

"I-ina!" tipid namang tugin ng dalagang prinsesa.

"I-isa na lamang ang paraan p-para magkaroon t-tayo ng laban sa halimaw na 'yan!" wika ng prinsesa ng mga aswang.

"A-ano iyon ina?" kunot-noong tanong naman ni Amaya.

"A-ang akin binhi b-bilang isang engkantada at a-aswang." seryoso namang sagot ni Amy.

"H-ha!" namilog ang mga mata ni Amaya dahil sa sinabi ng ina.

"Pero prinsesa Amy, alam ko ang bagay na 'yan! Ginawa na sa akin dati 'yan ni aling Kerelle at tiyak na ibubuwis mo ang iyong-," hindi na natuloy pa ang sasabihin ni Edward ng magsalita si Amaya.

"H-hindi, hindi ako makakapayag!" nag-aalalang sambit ng dalagang prinsesa dahil alam na niya ang kahihinatnan ng suhestyon ng ina.

"P-pero anak, mas m-maraming buhay ang masasagip, h-huwag mo akong alalahanin, m-masaya akong gagawi ito." wika ni prinsesa Amy sa anak na may ngiti sa mga labi sabay labas ng kanyang binhi sa bunganga nito. Naluha naman si Edward lalo na si Amaya dahil sa nasasaksihang pagbubuwis ng buhay ng prinsesa.

Dahan-dahan at pikit matang inaabot naman ni Amaya ang nagsisilbing mitsa ng buhay ng kanyang ina.

"Wala na bang ibang paraan?" sabat naman ni Edward na hindi napigilang tumulo ang luha.
Alam niya kasi na kapag kinuha na iyon ni Amaya ay kasabay non ang pagkawala ng buhay ng pinakamamahal na ina ng dalagang prinsesa.

"Meron!" sabat naman ng isang boses ng isang lalaki. Sabay-sabay na napalingon ang tatlo sa kinaroroonan ng nagsalita at laking gulat nila ng agad nila itong makilala.

"Ariel!" sabay-sabay pa nilang nasabi.

"Oo ako nga, pasensya na ngayon lang ako dumating." saad naman ng doctor.

"Paano mo nalaman kung nasaan kami?" nagtatakang tanong naman ni Edward.

"Tingnan mo ang iyong baluti bandang kaliwa." utos naman ni Ariel sa amaranhig. Agad ngang tinignan ni Edward ang sinasabi ni Ariel at doon ay may nakita siyang isang maliit na parang chips.

"Paanong?" takang tanong ng binata.

"Naalala mo ba nung nagpaalaman tayo sa isat-isa pagkatapos ng laban? Sinimplehan kitang dinikitan niyang chips detector. Hindi ko kasi alam kung paano ko kayo mapapasalamatan kaya gumawa ako ng paraan para malaman ko kung nasaan kayo at kung nasa peligro kayo. Una pa lang ay kinutuban na ako kaya gumawa ako ng bago kong imbensyon na eepekto sa mga ibang nilalang at hindi lang sa mga tao." paliwanag ni Ariel.

"Anong imbensyon?" muling tanong ng amaranhig. Tahimik namang nakikinig ang mag-inang prinsesa.

"Tinawag ko itong POWER BANK CAPSULE. Kapag ininom ito ni Amaya ay magiging katulad siya sa ginawang imbensyon ni Soy subalit mas ligtas ito dahil walang magbubuwis ng buhay."dagdag pa ng syentipikong doktor.

"POWER BANK CAPSULE? Parang sa cellphone yan ah, ambantot naman ng pangalan." natatawa namang ani Edward.

"Never mind the name, ang mahalaga ay ang kayang gawin nito.Hala sige, ipaupo mo si Amaya at ipainom natin sakanya tong capsule." saad naman ni Ariel na agad ginawa ng binatang amaranhig.

"A-ano ba yan, s-sigurado ba 'yan?" nanghihina pa ring ani Amaya.

"Ahh!" sabay-sabay na sigaw ng mga magkakaibigang lumalaban kay Satanas na  sabay-sabay tumilapon.

"Mga walang silbi!" sigaw ni Satanas kasabay ng isang halakhak.

"Bilisan mo Amaya, wala na tayong oras!" sambit naman ni Ariel. Agad namang ibinuka ni Amaya ang bunganga tsaka kinuha ang capsule at agad nitong sinubo. Paglunok pa lamang niya ay kakaibang pakiramdam na ang kanyang nararamdaman. Subalit parang kulang ang kanyang taglay na lakas para panlabanan ang kirot na dala ng gamot na dumadaloy sa kanyang mga ugat.

"Ah Ate, Ale, Ginang, ah nanay ni Amaya, i-itapat po ninyo ang iyong mga palad sa anak ninyo madali ho, baka po hindi kayanin ni Amaya ang pagkalat ng gamot sa kanyang dugo at mga ugat." natatarantang ani Ariel. Agad namang sinunod ni Amy ang sinabi ng doktor at doon ay unti-unti ngang lumalabas ang enerhiya ng prinsesa ng mga Aswang at dumadaloy ito papunta kay Amaya.

"Yes, tagumpay!" pagbubunyi naman ni Ariel.

NANG MATAPOS ang pagsasalin ng kapangyarihan ay nawalan ng malay si Amaya.

"Prinsesa Amy, ok lang po ba kayo?" tanong ni Edward.

"O-ok lang ako, p-pero pwede na bang m-mawalan ng m-malay? T-tpos na ba ang p-pagsasalin?" nauutal dahil sa pagkaubos ng lakas na tanong ni prinsesa Amy.

"Sige lang po, matulog na po.muna kayo sa tabi ni Amaya. Ako na muna ang bahala dito. Pakisabi na lamang po sa anak ninyo pagkagising na MAHAL NA MAHAL KO SIYA." seryosong sambit ni Edward na huminga pa ng malalim pagkatapos niyang magtapat ng saloobin sa ina ng pinakamamahal niyang babae. Nginitian naman si prinsesa Amy bago  ito pumikit at nawalan ng malay.

"Ariel, sasama kaba sa labanan? " tanong ni Edward sa doktor.

"Oo naman, laban niyo, laban ko rin." sagot maman ni Ariel.

"Teka nga pala,bakit nga pala hindi sa sarili mo ginamit ung power bank capsule mo?" mulimg tanong ni Edward.

"Sira ka ba, halos hindi nga kayanin ni Amaya ang bisa nito sa katawan, ako pa kaya? At huwag kang mag-alala, dahil meron din ako non, tignan mo." wika ni Ariel tsaka itinapat ang mga palad sa mga nasawing mga engkantong kawal ni reyna Junifer.

"Hindi mawawalan ng saysay ang kanilang pagkamatay dahi kahit sila'y nasawi na ay lalaban pa rin sila, gamit ang aking katawan." dagdag pa nito.

"Ayos ah, tumataas ang antas ng iyong abilidad. Kung ganon, tara na!" ani Edward kay Ariel na sabay na matapang na naglakad para saklolohan ang mga kasamang lumalaban para sa kaligtasan ng buong mundo.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now