CHAPTER-11

2 0 0
                                    

Nayanig ang buong mundo sa ipinamalas na lakas ni Satanas sa mga oras na iyon. Ngayon lang nakadama ng ganong kaba si prinsesa Amaya. Alam niya kasi at nararamdaman na mas malakas na ngayon ang taglay na kapangyarihan ni Satanas kumpara sa kanyang kakayahan. Subalit hindi niya ito ipinahalata  bagkus tinapangan pa niya ang pagkakatitig nito sa panginoon ng kadiliman.

"Diyos ama, ikaw na po ang bahala sa akin." mahinang sambit nito sa sarili tsaka gumawa ng isang pgsugod.

Sapul sa panga si Satanas sa pag-atakeng suntok na iyon ng dalagang prinsesa. Halos mabuwal naman ang mga kahoy at maubos ang mg dahon ng natamaan ang mga ito ng napakalakas na impact ng pag-atakeng iyon ng prinsesa. Hindi makapaniwala sina Dean, Amy at ang pangkat ni Reyna Junifer sa nangyayari. Wala man lang kahirap-hirap na napatamaan ni Amaya si Satanas kaya napangiti ang mga ito subalit kaagaran din napawi ang saya sa kanilang mukha ng mapagmasdan nila ang ekspresyon ng mukha ng pinuno ng kadiliman.

Nakaainsultong ngiti ang makikita sa mga labi  nito na tila ba hindi man lang naramdaman ang pag-atakeng iyon ni Amaya.

"Hmmm, pwede na, para sa mga pipitsugin mong kaaway." pang-iinsulto ni Satanas sa ginawang pag-atake ng dalagang prinsesa. Nainis naman si Amaya kaya sinunud-sunod niya ang pagpapakawala ng malalakas na suntok sa mukha ni Satanas. Hindi pa ito nakontento at inilagay niya ang buo nitong lakas ng kapangyarihan sa kanyang mga kamao. Wala namang magawa si Satanas para pigilan ang mga pag-atakeng iyon sa kanya ni Amaya. Tila ba sinasalubong na lamang niya ang mabibigat na suntok ng prinsesa.

Sa tindi ng bilis at lakas na ipinamalas din ni Amaya sa kanyang mga ginawang suntok, nakaramdam din siya ng pagod. Subalit si Satanas ay nananatiling matindig ang pagkakatayo sa kabila ng mga pag-atakeng natanggap at puro pa sa mukha.

Nang pagmasdan nila ang mukha ng panginoon ng kadiliman ay ni isang galos ay walang makikitang bakas rito.

Nanlaki ang mga mata habang humihingal dahil hindi man lang niya nagalusan ang kanyang kalaban.

"Oh ano, hanggang diyan na lamang ba ang kaya mo?" natatawang ani Satanas.

"Nakakaawa ka naman, para kang batang paslit na walang magawa kundi ang maglaro lamang." dagdag pa nito na may nakakaunsultong halakhak.

"Asar!" wika naman ni prinsesa Amy dahil sa  sitwasyon  ngayon ng kanyang anak na prinsesa na nasa alanganin.

"G-grabe,h-hindi man lang siya nasaktan?" saad naman ni reyna Junifer.

"Amaya." ani naman ni Dean na may labis na pag-aalala.

Muli ay biglang nawala si Amaya sa paningin ng lahat at ng lumitaw ito ay nasa likuran na siya ni Satanas na may naipong awra sa mga kamay.

"Tapos kana-," subalit hindi naituloy ni Amaya ang sasabihin dahil sa labis na gulat at hindi na rin  niya nagawang pakawalan ang kanyang mga ginawang pag- atake dahil bigla ding nawala si Satanas sa kanyang mga paningin at sa ilang segundo lamang ay nasa likuran na niya ito na agad gumawa ng isang pag-atakeng paghampas. Tinamaan sa kanang braso ang prinsesa kasabay non ang pagtilapon nito ng napakalakas at umararo pa sa lupa.

"Amaya!" sabay-sabay na sigaw nina Dean, Amy, reyna Junifer at ang mga kawal nitong engkanto.

Ininda iyon ni Amaya subalit pinilit pa rin niyang tumayo. Pero halata sa dalagang aswang ang pagkapinsala ng kanyang kanang kamay. Mabilis namang lumitaw si Satanas sa harapan nito tsaka siya binitbit kasabay non ay inihagis siya ng malakas.

Muling bumagsak si Amaya sa lupa, nanginginig ang buong katawan. Hindi na rin nakatiis si prinsesa Amy na panoorin ang anak na nahihirapan kaya mabilis niya itong pinuntahan.

"Ok ka lang ba ha, anak!" ani Amy na labis na nag-alala sa anak na prinsesa.

"O-oo ayos lang ako ina." saad naman ni Amaya na halatang hindi maayos ang pakiramdam.

"Pahinga ka muna anak, ako muna lalaban." wika ng prinsesa ng mga Aswang sa anak nito.

"P-pero ina!" maiksing ani Amaya na gustong pigilan ang ina sa binabalak.

"Anak, walang silbi ang buhay ko kung hindi kita mapoprotektahan, tandaan mo, mahal na mahal ka ng inang Amy mo ha!" saad ni prinsesa Amy tsaka pinukulan ng ngiti ang anak sabay talikod para harapin ang panginoon ng kadiliman.

"Ikaw!" sambit ni Satanas na tinawanan pa ang prinsesa ng mga aswang. "Sa anak kong si Lucifer nga noon, wala kang magawa, sa akin pa kaya!"dagdag pa nito habang patuloy sa pagtawa.

"At least ako kaya kong isugal ang sarili kong buhay para sa anak ko, eh ikaw mas inuna mo pa ang sarili mong kapakanan kaysa sa anak mo at nagawa mo pang traydurin!" tugon naman ng prinsesa.

"Tumahimik ka!" sigaw ni Satanas na tila ba tinamaan sa sinabi ng prinsesa.

"Ang tunay na kapangyarihan ay ang wagas na pagmamahal, doon pa lang ay talo kana Satanas, isa kang talunan!" madiing sambit ni prinsesa Amy kay Satanas na mas ikinagalit nito kaya mabilis niyang sinugod ang prinsesa.

Panay pakawala naman ni prinsesa Amy  ng sunud-sunod nitong malalakas na pag-atake subalit hindi iyon iniinda ni Satanas na patuloy pa rin sa paglapit kay Amy na iniiwasan ang pagdakma sa kanya.

Hanggang sa nahawakan siya ni Satanas sa paa. Iwinasiwas siya ng panginoon ng kadiliman ng napakalakas tsaka niya inihampas sa lupa.

Halos lumagutok ang buong buto sa katawan ni Prinsesa Amy sa pagkakahampas niya sa lupa. Tinawanan lang  siya ni Satanas dahil sa hindi na ito maigalaw pa ang buo nyang katawan.

"Hmm, mukhang mauuna ka pang mamaalam sa anak mo ah!" nakangiting ani nito sa prinsesa  ng mga Aswang. Nagpalabas ito ng itim na enerhiya sa kanyang mga palad at nag-ipon ng sapat na lakas para wakasan ang buhay ni Amy subalit hindi niya din ito natuloy  may mga sunud-sunod na pagsabog ang tumama sa kanyang mukha. Hindi man siya nasaktan subalit nagulat siya sa mga pagsabog ng iyon dahil sa hindi niya ito inaasahan.

"Hoy Satanas, kami naman ang harapin mo,panget!" sigaw ng isng boses ng binatilyo na walang iba kundi si Buchoy. Mabilis namang pinuntahan ni Edward si prinsesa Amy tsaka nya ito binuhat para dalhin sa kinaroroonan ni Amaya.

"B-buchoy!" sambit naman ni Amaya na nanghihina habang nakangiti.

"Dumating na rin ang pasaway." saad naman ni Dean.

"Mga kawal, oras na siguro para iwaksi ang takot sa ating dibdib, ipaglaban ang kabutihan ñaban sa kasamaan!" sigaw ni reyna Junifer.

"Ipaglaban haggang kamatayan!" sabay-sabay namang sigaw ng mga kawal nitong mga engkanto na sabay-sabay ring itinataas ang mga espada.

"Buchoy alisto ka, napahirapan nga niya sina Ate Amaya, tayo pa kaya!" babala naman ni Archie sa binatilyo.

"Huwag kang mag-alala, kakayanin natin ang laban na 'to ng sama-sama." sumeryoso ang mukha ni Buchoy na ikinagulat ni Archie at alam niya sa mga sandaling iyon  na seryoso na ito sa mga sinasabi.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now