CHAPTER-6:PANGINOONG SATANAS

5 0 0
                                    

Ilang araw din ang nakalipas na tahimik ang mundo. Ang magkakaibigan ay panay lang sa kanilang mga ensayo para palakasin pa ang kapangyarihan at mapag-aralan ang mga abilidad at kakayahan na naipataw sa kanila.

Hindi pa rin nawawala ang kulitan,asaran at bangayan ng dalawang magkasama na sina Buchoy at Edward, nandyan  din lagi ang kutos ng dalagitang si Archie sa ulo ng binatilyo at ang tila ba mapangkunsinting tawa at halakhak ni prinsesa Amaya sa kapilyuhan ni Buchoy.

Sobrang saya nila sa mga nakalipas na mga araw subalit iyon ay muling mapuputol dahil sa muling pagdating  ng isang malaking pagsubok sa kanilang mga buhay.

Isang balita ang  nasagap ng magkakaibigan na sa iba't ibang partes ng bansa ay nagkalat ang pamemerwisyo ng mga masasamang nilalang. Sa silangang luzon ay isang nilalang na nagngangalang Soy ang tumatayo at namumuno sa mga demonyo sa pag-atake sa mga tao, sa kanluran naman ay mga pangkat ng mga demonyong nadagdagan ng antas ng kapangyarihan gayundin ang hilaga at timog. Sa gitna naman ay ang pinakapangulo nilang si Satanas na syang tumatayong lider ng pulu-pulutong na mga alagad nitong demonyo.

Dahil don, agad na pinatawag ni prinsesa Amaya si Dean sa pamamagitan ng hangin at kaagaran naman itong dumating.

"Buchoy, Archie, kayo nang bahala sa hilaga, Edward ikaw sa kanluran, Dean iwasan mo muna  si Soy dahil tiyak hindi na siya gaya ng dati kaya sa timog ka muna, ako naman sa gitna, kailangan na naming tapusin ni Satanas ang aming laban!" utos ni Amaya sa mga kasama. Tumango naman ang lahat maliban kay Archie.

"Paano naman ang silangan ate Amaya, pababayaan na lamang ba nating maghasik ng lagim si Soy at ng kanyang mga alagad na demonyo? Kung maaari ay ako na lamang ang pahintulutan nyong pumunta doon!" suhestyon ng dalagita.

"Hindi maaari, masyadong mapanganib si Soy para sa'yo, ako na lang!" tutol naman ni Buchoy sa nais ni Archie.

"Hindi rin ako papayag na mag-isa ka lang  pupunta doon!" pagpipigil din ng dalagita kay Buchoy.

"Eh kung pipigilan mo ako, sino ang lalaban doon at magliligtas sa mga tao?" tanong ng binatilyo.

"Ako!" isang boses ng babae ang narinig ng mga magkakaibigan.

"I-ikaw!" nauutal at sabay-sabay na ani Edward, Archie at Buchoy sa babae.

"At sino ka naman!" sambit naman ni Dean.

"Huwag kang mag-alala Dean, isa siyang Reyna, Reyna mundo ng Biringan ng mga engkanto, si Reyna Junifer." pagpapakilala ni prinsesa Amaya sa engkantada.

"Ako nga, prinsesa Amaya." saad naman nito.

"Sigurado ka bang tutulong ka sa labanan?" tanong ng prinsesa sa Reyna.

"Oo, bilang pasasalamat na rin sa'yo sa pagmulat sa akin sa katotohanan, at para na rin makaganti ako sa kasamahan kong nagawa dati sa mga tao. Masyado ng mataas ang antas ng kapangyarihan ni Soy, hindi din basta-basta ang mga alagad niyang mga demonyo kaya nararapat lang na ako, sampu ng aking mandirigmang angkanto ang siyang sasagupa sa pangkat sa silangan." paliwanag at salaysay ni reyna Junifer.

"Kung ganon, mag-iingat ka kaibigan. Tara na, at umpisahan na natin ang ating misyon. Tandaan nyo, mag-iingay kayong lahat, wag padadaig sa galit." paalala ni prinsesa Amaya sa mga kaibigan bago naghiwa-hiwalay qt tinahak ang landas patungo sa mga lugar kung saan nila sasagupain ang mga pangkat ng kadiliman na sumasalakay sa mga inosenteng tao sa iba't ibang parte ng bansa.

Buchoy at Archie, sa hilaga, Edward sa kanluran kung saan may mataas na antas ng kapangyarihan ang mga demonyo, Dean, sa Timog, si Prinsesa Jinufer at ang kanyang mga mandirigmang engkanto sa Silangan  laban kay Soy at sa pangkat nitong mga malalakas na demonyo, at si Amaya sa gitnang luzon kung nasaan ang pinaka-pangulo ng kadiliman na si Satanas.

"Hindi ko papayagang magwagi ang kasamaan sa kabutihan, maski ibuwis ko pa ang sarili kong buhay. Humanda ka Satanas ,ito na ang iyong katapusan!" nanlilisik at nag-aapoy ang mga matang ani prinsesa Amaya habang tinatahak ng mabilis ang direksyon  papuntang gitnang luzon.

********
"Ganyan nga, magaling! Tagumpay ang planong paghiwa-hiwalayin ang magkakaibigan, tagumpay!" wika naman ni Satanas na para bang  nakakamit na niya ang isang malaking tagumpay dahil sa paggana ng kanyang mga plano.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now