CHAPTER-1

7 0 0
                                    

Muling bumalik ang sigla ng magkakaibigang Edward, Buchoy, Archie at Amaya. Subalit sa kabila ng kanilang kasiyahan ay hindi pa rin maalis ang pangamba sa isipan ng dalagang prinsesa sa mga nagbabadyang mga panganib na kanilang kakaharapin. Pinapanalangin na lamang niya nq sana ay makayanan nila ang mga pagsubok na mga darating pa mga paglalakbay nilang tatahakin.

Samantala......

Dalawang magkaibigan ang nakapagtapos ng kanilang kursong SCIENTIST.

Halos pareho sila ng average, lahat ng mga aktibidad na ipinapagawa sa kanila ng kanilang mga professor ay madali lang nila itong nagagawa at nasasagutan. Ngunit kahit gaano pa ang pagkakapareho ng kanilang abilidad ay hindi maitatangging mayroon pa rin silang pagkakaiba, ito ay ang kanilang UGALI.

Si Aries ay isang mahiyain, mabait at pala-kaibigan samantalang si Soy naman ay suplado, may pagkatuso at higit sa lahat, mainggitin at gusto nya ay sya lagi ang nangunguna.

Mabait din naman si Soy subalit parang nilamon ang utak niya ng kanyang karunungan. Kaya nung nakapagtapos sila ng pag-aaral ay agad itong lumipad patungong ibang bansa para doon niya hasain at para madagdagan pa ang kaalaman sa SIYENSYA para mas mahigitan ang kanyang kaklase.

Si Ariel naman ay nanatili pa rin sa Pilipinas. Dito siya gumagawa ng mga epektibong gamot para sa mga may karamdaman. Unti-unti ay hindi niya namamalayang mas tumataas pa ang kanyang abilidad sa pag-eeksperimento ng ibat ibang uri ng mga gamot.

Subalit sadyang mapagbiro ang tadhana. Isang araw, bigla na lamang may  lumaganap na pandemya sa pilipinas at ito ay ang sakit na
CORONA VIRUS

Lahat ay nabahala sa paglaganap ng pandemya. Wala itong pinapatawad, mapa bata man o matanda agad na namamatay kaoag dinapuan ng sakit na ito.

Hanggang sa ipinamalita na ng pangulong Marcos sa mga radyo at telebisyon na may pandemyang kumakalat  sa bansa subalit wala silang dapat ikabahala dahil may dumating nang mga gamot na galing sa  ibang bansa at ito lamang ang tanging lunas para labanan ang nakakahawang sakit at ang gamot na ito ay tinawag na Pfizer capsule.

Subalit ilang araw lang ang lumipas at wala pang isang linggo ay imbes na mabawasan ang bilang ng mga nangamamatay ay mas nadadagdagan pa ang mga ito.

Dahil don, gumawa na ng hakbang si Ariel para pigilan ang pagdami ng napipinsalang mga tao. Lihim siyang kumuha  ng isang Pfizer capsule para pag-aralan kung anong sangkap ang mga ginamit rito subalit nagimbal siya sa kanyang nasaksihan.

Nakitaan niya ito ng mga iba't ibang uri ng  karne at ang kanyang ipinagtataka, bakit may mga partes na karne ng tao sa nasabing gamot.  Patuloy pa siyang nagsaliksik hanggang sa nadiskubre niyang "muling mabubuhay ang mga namatay na gumamit ng pfizer capsule at magiging agresibo makakain lang ng sariwang laman ng mga tao ".

" Hi-hindi ito maaari, kailangan ko tong pigilan kundi mauubos ang mga tao sa PILIPINAS!" ani Ariel sa sarili habang pinagpapawisan ng malagkit.

Agad na gumawa ng gamot si Ariel pangontra sa gamot na kumalat sa bansa.

Lahat ng  sangkap ng nasabing gamot ay kanyang kinontra. Tumagal ng ilang araw bago niya napagtagumpayang magawa ang gamot na siyang ipantatapat niya sa gamot na galing sa ibang bansa.

Ang gamot na ito ay ginawa lamang niya dito sa Pilipinas at dahil moderno ito ay kanyang tinawag na,

                   Moderna capsule.

Agad na ipinaalam ni Ariel ang nalikha nyang gamot at gusto agad niya itong ipalaganap sa bansa subalit tinutulan ito ng mga opisyales ng pamahalaan.

Tama din naman sila, dahil hindi pa nila ito nasubukan kung epektibo ba ang tinatawag niyang Moderna Capsule o hindi kaya nagboluntaryo si Ariel na siya ang unang gumamit nito pero ang gusto ng pamahalaan ay sa harapan mismo ng publiko para makita ng lahat kung anuman ang magiging resulta nito sa kanya.

Agad nagpatawag  ng mga press si Pangulong  Marcos para isagawa ang naturang plano. Nang nakaayos na ang lahat para sa live coverage na gaganapin at mapapanood  sa iba't-ibang channel ng telebisyon ay nag-salita na ang pangulo. Pagktapos niyang ihayag ang kanyang salaysay at ipakilala si Ariel sa publiko kasama ng kanyang imbensyong gamot ay idineklara na niya ang personal o lantarang makikita ng publiko ang epekto sa katawan ng tao ang pag-inom ng nasabing gamot at makikita nila mismo sa Syentipiko na siyang gumawa nito.

Nakatuon na lahat sa kanya ang mga videos at cameras  ng biglang tumunog ang cellphone ng isa sa mga reporter ng  sikat na channel.

" Ha, totoo ba ang lahat ng sinabi mo!" halata sa mukha ng reporter ang labis na pagkagulat at pangamba." M-mr. President, mawalang galang na po but i think na dapat malaman niyo ang mga nangyayari sa ating bansa sa ngayon." dagdag pa nito.

" Ano 'yon!" ani ng Presidente .

" 'Yu-yung mga nangamatay daw po dahil sa pag-inom ng Pfizer capsule, mu-muling nabuhay!"  natatarantang saad ng babaeng reporter.

" Ha, imposible! Paano sila nakakasiguro na mga nakainom nga iyon ng PFIZER CAPSULE at hindi sa sakit na kumakalat? tumaas ang boses na wika ng Presidente. Halata sa itsura nito ang labis na pagtataka.

" Ang mga patay na nasa morgue po  na mula ngayon ay hindi pa kinukumpiska ng mga kamag-anak, mga namatay po iyon dahil sa PFIZER CAPSULE, sila po ang unang nabuhay at ilan po sa mga embalsamador ng nasabing morgue ay patay na, at agad ding nabuhay." pagbabalita ng reporter sa Presidente.

" Heto na ang kinatatakutan kong mangyari, kaya pakiusap mahal na presidente, ikalat at ibigay nyo sa mga tao ang nagawa kong gamot para maprotektahan ang sangkatauhan laban sa hinaharap nilang peligro." pagmamakaawa ni Ariel sa pangulo.

" At sa palagay mo may maniniwala pa ba sa 'yo! Isang  klase  din ng gamot ang dahilan ng isa na namang napakalaking kaguluhan, at sino pa ang magtatangkang uminom ng mga gamot mo ha, sino!" histerikal na sigaw ng presidente dahil sa pagkabahala.

Wala ng nagawa pa si Ariel kundi ang tumahimik. Nag-iisip ng ibang paraan para matulungan ang kanyang mga kababayan na nahaharap ngayon sa matinding krisis na pwedeng magdulot ng kamatayan.

Nasa taimtim na pag-iisip ang lalaki ng magakaroon siya ng isang ideya. Ilang beses pa niya itong paulit-ulit na iniisip hanggang sa naging buo na ang kanyang desisyon.

Dahil sa pagkataranta, agad nagsipulasan ang mga reporter pati na rin ang presidente sampu ng kanyang mga alalay at mga ibang opisyal ng pamahalaan.

Siya na lamang ang pawang natitira sa nasabing palasyo. Agad niyang tiningnan ang capsule na nasa kanyang kamay na hindi naituloy kanina. Pinagmasdan muna niya ito. Napalunok siya ng bahayga tsaka tumingala sa taas." Ikaw na po sana ang bahala sa akin!" aniya sabay subo ng Moderna Capsule sa kanyang bunganga at nilunok.

" A-Ahhhhh!!" sigaw ni Ariel ng maramdaman nito ang unti-unting pagbabago ng kanyang sarili at ng hindi na  niya ito nakayanan at paglabanan ang kakaibang naramdaman ay  dahan-dahan na itong napapikit ng mata  hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng malay.

*******

"Ate Amaya, nabalitaan  niyo na po ba ang nangyayari sa ating bansa?" tanong ni Archie sa dalagang aswang.

"Oo Archie, t'yak na malaking laban na naman ang ating  kakaharapin. Kailangan ihanda niyo ang inyong mga sarili para tumulong sa pagliligtas ng mga tao at ng bansa." seryosong ani Amaya sa mga kasama.

"Lagi kaming nakahanda Amaya, hudyat mo lang ang lagi naming hinihintay." saad naman ng amaranhig na si Edward.

"Labanan na naman ito, ayos! Kinakalawang na ang tirador ko eh!" at nagawa pang magbiro ni Buchoy.

"Pwes, humanda kayo, maglalakbay tayo bukas na bukas din at para na rin mapag-aralan ang sitwasyon." sambit ng prinsesa sa mga kasama na sabay-sabay na tumango tanda ng kanilang pagsang-ayon.

******

Nang magising ang syentipikong Doktor na si Ariel ay malayo na ang kanyang itsura sa dati. Bagong pagkatao na hindi niya lubos maisip na ganito ang naging resulta ng kanyang sariling eksperimento.

AMAYA ( Season #3 )Where stories live. Discover now