Hansel's POVAs always, alam kong maasar to si Lois eh. Ayaw kasi niya sa lahat yung feeling na walang tiwala yung tao sakanya, she feels like "Damn! Kaibigan ko ba 'to? Bakit wala siyang tiwala sakin?" and as her friends we all know that. Sensitive nyan eh, mabilis mahurt onting salita nahhurt siya. Pero as much as possible she is trying to be more open minded.
"Oo eh, sorry. Hindi ko naman gustong itago sayo eh. Im just scared na baka mahusgahan ako ng iba if may makaalam man." Nakatalikod lang si Lois sakin. Pissed off.
Ayoko naman kasing itago, natatakot lang ako sa reaksyon ng iba. Kung malaman nila.
Kasi its like ang aga pa para maging MU kami, wala pa kaming masyadong alam sa isat isa and nafall ako agad agad. Parang slide na walang dinaanan na stages basta andun na agad ako sa baba, dire-diretso nakong nahulog.
"Okay lang, hahaha! Wala na tayong magagawa jan, ikaw nagustuhan eh. Haba ng buhok mo eh, ganda mo eh! Hahaha!" Really?! She said those words. Nakakagulat kala ko galit siya.
"Maganda naman talaga ko eh!! Hahahaha!" I said to break the awkwardness between us.
"Ay aba! Kala ko humble ka? Hahahaha!"
"Dina uso humble ngayon, pag may compliment aminin mo na agad hahahaha!"
Nagusap lang kami ng nagusap, nagtawanan ng nagtawanan. Hanggang sa di namin namalayan na unti-unti ng dumating mga classmate namin.
Time na pala napasarap yata usapan namin Lois. Dumating nadin teacher namin, CL ang next subject namin.
Pero yung diko alam kung nananadya ba itong teacher namin eh, yung mga sinasabi kasi niya parang sakto sa nangyayari.
"Alam niyo kasi mga anak, ang katotohanan lalabas at lalabas din yan. Kahit anong pilit natin na itago, sa huli may makakaalam padin. Mas maganda kung satin nalang manggaling, kasi minsan pag sa iba nanggaling baka mas lumala pa yung situation. Alam niyo yung tinatawag na "revised version"? Ganon yun. Pag sa iba nanggaling baka maiba na yung kwento, so its better na tayo na magsabi."
Iba ka maam, hugot fo. Malalim ata pinanggalingan niyan maam ah?
".....pero minsan talaga mahirap sabihin. Lalo na kung takot kayo sa sasabihin ng iba. Pero all i know is its better na satin manggaling. Kahit mahirap kahit natatakot kayo. Because the truth will set us free."
Tama nga siya, the truth will set us free. Kaya masaya nadin akong nasabi ko na kay Lois at hindi na kailangan pang manggaling sa iba.
Minsan kasi sarili lang natin ang karamay natin, bukod kay God.
God is always there for us, He loves us though we are imperfect. Kahit na ang hirap hirap hirap hirap hirap nating intindihin at walang makaintindi satin kundi sarili lang natin anjan si God para intindihin tayo.
Kahit na pakiramdam natin na walang maniniwala sa sinasabi natin, anjan si God para paniwalaan tayo. Anjan lang siya para saatin palagi.
God loves us no matter what, He will never forsake us.
Sarili lang natin ang malalapitan natin sa panahong walang makaintindi satin. Sarili lang natin ang magiging sandigan natin sarili lang natin ang iintindi saatin. But we need God, we always do. Without God we are nothing.
So if saying the truth will set us free, so be it. Anjan si God para support tayo sa kung anong desisyon ang gawin natin. Kahit na imperfect tayo o maling desisyon, God has better plans for us. So trust Him.
Ano naman kung mahusgahan ng iba diba? Paki ba nila? Atleast yun yung totoo.
BINABASA MO ANG
Love Left Us
RomancePara sa mga umasa at pinagtulakan. Iniwan at nagmahal. Nageffort pero nabaliwala at sa mga patuloy na nagmamahal kahit nasaktan na. Eto ang para sainyo.