Chapter 11

21 1 0
                                    

Clare's POV

Masaya lang si Hansel, walang ibang binubuka bibig niya kundi puro si Clark lang. Birthday ni Hansel ngayon, binati namin siyang lahat. Invited din ako kasama ng group of friends niya sa bahay nila.

"Happy birthday Hansel!!" Sabi namin sakanya.

"Thank you, tara pasok na kayo."

Kumain na kami ng handa niya tapos onting biruan at tawanan. Maya maya dumating na yung kuya ni Hansel, kasama yung girlfriend niya na pinsan ni Clark.

"Happy birthday Ate!" Sabi nung kuya niya.

"Happy birthday be!" Sabi naman nung gf nung kuya niya si ate Ella Garcia.

Close na close ni Hansel si ate Ella. Lahat ng baby pictures ni Clark sinesend ni ate Ella kay Hansel. Kasabwat ni Hansel si ate Ella sa pangiistalk kay Clark. Sa katunayan, botong boto nga si ate Ella kay Hansel at Clark eh. Syempre bias.

"Wala si ano... Si ano..." Sabi ni Erika, with matching taas baba ng kilay effect.

"Uy wag ka maingay te, marinig ka ni mama." Sabi ni Hansel.

"Yan si Hansel, alam niyo ba napupuyat yan sa gabi kakachat, kakaskype. Diko alam jan sa batang yan kung sino kausap niyan." Sabi ng mama niya, nagtinginan naman kaming lahat. Tapos tinawanan namin si Hansel.

"Nako tita, hahahaha!" Sabi ni ate Ella.

"Sus si Clark lang yun mama! Hahaha!" Sabi ng kuya Joseph yung kuya ni Hansel.

"Sinong Clark yan?" Sabi ng mama ni Hansel. Si tita Evelyn.

"Nako tita, yung pinsan ko po. Hahaha! Puyat din yun lagi eh, ang hirap nga daw gisingin eh sabi ni Tita." Sabi ni ate Ella.

Tumawa kaming lahat, nahiya naman si Hansel.

"Bakit wala siya dito?" Sabi ni tita Evelyn.

"Tita, malayo po bahay nun. Maaga pa umuuwi yun eh. Goodboy hahaha!" Ate Ella said. Goodboy huh.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Napansin ko yung nakalagay sa wall nila na "Joseph uminom ng gamot."

"Te, ano yun?" As I was pointing the note.

"Ahh, para kay kuya yan. Lagi kasi nakakalimutan uminom ng gamot eh. Kaya nilagay yan ni mama para pag tingin niya maaalala niya kaagad uminom ng gamot." She said.

"....pero parang dina kailangan kasi lagi naman siyang pinaaalalahan ni ate Ella eh. Kahit sa umaga tinatawagan pa siya ni ate Ella para magising ng umaga. Ang sweet diba??" Sweet nga naman, you know #RelationshipGoals. Fan din ako ng love team nitong si Kuya Joseph pati ate Ella eh.

Pag nagaaway sila pinagtutulungan pa silang pagbatiin ng mama at papa si Hansel. Since pastor ang papa ni Hansel. Like one time, nagaway sila and muntik pa nga silang maghiwalay. Buti nalang si ate Ella maintindihin, buti nalang si ate Ella marunong umamin sa mali niya, buti nalang si ate Ella marunong makipagusap ng maayos.

Pumumta siya sa bahay nila Hansel, hinahanap niya si Kuya Joseph para pagusapan nila at ayusin. Ayaw siyang harapin ni kuya Joseph pero pinagayos sila ng mama at papa ni Hansel.

"Mga anak, hindi solusyon ang paghihiwalay. Kung pede pang ayusin, ayusin natin. Maliit lang na bagay yan, ikaw Joseph lawakan mo pagunawa at pagintindi mong bata ka." Sabi ni Pastor kina ate Ella at kuya Joseph.

"Magbati na kayoooo!! Wieeee pakipot pato si kuya pero kagabi may paiyak-iyak kapa. Hahaha!"

Nagbati na sila, tapos umorder at nagpadeliver pa si kuya Joseph ng makakakain sa McDo.

Gusto ni Hansel na maging kagaya din sa relasyon ni kuya Joseph at ate Ella yung magiging relationship nila ni Clark someday.

Pero ako ayoko ng ganong relasyon, basta gusto ko maintindihin yung lalaki, di ako iiwan kahit moody ako, di ako pababayaan, mamahalin ako kahit na minsan sinasaktan ko siya. And me as a girlfriend or someone you love magiging mabait ako iintindihin ko hanggat kaya ko kasi mahal ko.

That's my kind of thing.

Pero you know what, kung ano naman ibigay satin tanggapin natin. Minsan din di maiiwasan mainggit sa #relationship goals chorva nayan.

Kasi totoo nga naman talagang nakakainggit lalo na kung wala tayo nun, diba? Pero kung tutuusin mung may nagmamahal saatin malaking dahilan yun para magpasalamat diba? Ipagpasalamat natin na hindi tayo nanlilimos ng pagmamahal, kasi maraming iba jan na walang nagmamahal so they're looking for affection.

Swerte kana kung may nagmamahal sayo eh, tapos ikaw naman binabaliwala mo lang. Diba? So be thankful kung ano yung sayo wag ka mainggit sa ano yung meron sa iba.

Love Left UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon