Clare's POV
Ewan ko lang ha, basta napapansin ko na nagkakalabuan na sina Clark pati Hansel. Simula nung nagiba na seating arrangement tapos isang MALANDING BABAE 'DAW' yung katabi ni Clark.
Pero pansin ko na lahat nalang ata pinagseselosan ni Hansel. There's this one time na nagusap lang yung katabi ni Clark pati si Clark tapos sabi ni Hansel na "higad" daw yung babae.
"Nako! Nako! Ang landi talaga nitong babaeng to!!!" Sabi ni Hansel.
"Chill," sabi ko.
"Oh oh! Didikit pa didikit pa! Oh oh! Ayun oh te, pasimple!!!! Ang landi!" Sabi niya tapos arang gustong gusto niya na talagang sigawan yung babae.
Nanahimik nalang ako. Di kaya ako makarelate sa mga babaeng ganon, yung nagseselos. Kasi diko alam talaga yung pakiramdam ng may pinagseselosan eh. Grabe parang wala pang nagmamahal saken ng SOLID para magselos para sakin at wala pakong minahal na sobrang nagselos ako at sobrang makakapatay ako. No way!
Dahil isang lalaki palang ang minahal ko sa buong buhay ko. Crush nagkakaron pero mahal?? Isa palang eh, kaso ayun iniwan tayo mga friend eh. Iniwan tayo ng wala man lang explanation, basta one day ayun nawala na lahat ng communication tas ayun wala na siya. NAGMAHAL NA NG IBA. Nung una nagselos pa, but what can I do? Di nako aasa pag may iba ng mahal. Pero kung wala pa siguro dun pede pa. Pero pag iba na yung mahal, we have to accept the fact na nakamove on na sila at ikaw hindi pa pero kailangan mo na siyang pakawalan.
Anyway mabalik kina Hansel at Clark.
After few days lang nabalitaan namin na wala na pala sila. Basta alam kong reason nagsawa daw si Clark ng kakaintindi sa pagiging makitid at pagiging mapanakal ni Hansel.
Kahit sino naman siguro diba? Kung ako din yun mapapagod ako.
"Ano ba nangyari sainyo?" Sabi ni Yana kay Hansel.
"Wala," Deny mo pa. Pabebe din.
"Ano nga? Bakit daw iniwan ka niya?" Sabi ko.
"Hindi ko alam," Hansel said so close to crying
"Pede bayun?" Yana and I said in unison.
Hindi lang sumagot si Hansel, basta siguro masakit lang.
Yana's POV
After nung tinanong namin si Hansel, sinabi agad sakin ni Hansel nung wala na si Lois.
"Nagalit siya sakin kasi daw ang selosa ko." Sabi ni Hansel sakin, hindi ko alam ang isasagot ko. Im so speechless rn.
Basta hindi ako sumagot I just comforted her.
eH¹ + C¹ - H¹ = eC¹
Nakalagay sa board namin yung equation na example ng teacher namin. Tapos bumulong sakin si Hansel.
"Te parang kami yung equation nayan." Sabi ni Hansel.
"Pano? Jusko pati yan naconnect mo."
"Yung C yan yung lumandi kay Clark kaya napalayo sakin si Clark. Yung 'E' si Clark H¹ ako, plus (+) kasi mula nung dumating yung babaeng malandi nayun sa buhay namin. Minus (-) H¹ kasi nawala nako sa buhay ni Clark tapos pumalit yung 'higad' at 'ahas' na babaeng yun." Ha? Ano daw? Hahahaha! Jk pero natatawa ako sakanya, ganon ba talaga pag nasasaktan? Pati lessons narrelate sa pinagdadaanan.
"Seriously?!! Hahahaha! Baliw kana! Magsulat kana nga lang jan."
"Hahahaha! eH¹ plus C¹ minus H¹ equals eC¹." Sinabi niya saken habang tumatawa kaming dalawa.
Hansel's POV
Pagtapos ko sabihin yun kay Yana nagpalam naman siya sa teacher namin para magcr.
Nagusap kami nung katabi kong lalaki, boyfriend ng class president namin si Russel and yung class pres. naman namin na si Anne.
"Nakakainis siya noh? Ang landi niya." Habang tinuturo si 'higad' na tuwang tuwang nilalandi si Clark.
"Oo nga eh," He said. Alam niyo guys seloso 'tong bf ng class pres namin. Ayaw niya din na may ibang lumalapit kay Anne.
"Nakakainis talaga Russel, ang sakit makita na naagaw siya ng iba."
"Para tayong nasa gubat," sabi niya. Pamysterious naman 'to.
"Anong gubat? Panong gubat?"
"Itong classroom kasi natin parang gubat eh, ang daming ahas. Ehh ahas siya. Kaya kailangan magingat." Woahhh!! Hahahaha! Yun pala yun.
"Hahahaha! Oo nga eh ahas na, higad pa. Ang hirap nga naman talaga maging makati at mangaagaw ng sabay."
Tumawa siya, tapos nagusap pa kami ng nagusap.
But I realized, tama nga siya. Pero hindi lang classroom namin ang parang gubat kahit saan gubat madaming ahas talaga. Pero wala eh ano pabang magagawa ko naagaw na ng ahas yung mahal ko.
Kahit di siya mahal ni Clark ang sakit padin makita kase dahil sa babaeng yun wala na kami ng lalaking mahal ko.
Kahit MU lang, nagmahal padin ako ng totoo.
BINABASA MO ANG
Love Left Us
RomancePara sa mga umasa at pinagtulakan. Iniwan at nagmahal. Nageffort pero nabaliwala at sa mga patuloy na nagmamahal kahit nasaktan na. Eto ang para sainyo.