GUYS CHAPTER 2 NA HAHAHA ANG HIRAP PALA MAGISIP NG STORY NOH? HAHAHA ANYWAY ETO NA SISIMULAN KO NA
Clare's POV
Ilang araw na ang nakaraan since nung first day of classes, pinakilala ko si Yana sa classmate ko last school year na si Hansel Dela Vega.
Hansel is really kind and very helpful that's why when I first met her I know we'll be good friends. Her hair is long since bawal nga sa religion nila ang magpagupit, maganda siya (Mas maganda lang ako hahaha) Maaasahan siya, like her other friends na kaibigan ko rin.
*Sa Classroom*Lunch break
"Yana, ano kaya kung istalk natin si Clark araw araw? Tapos gawan natin siya ng page sa fb tapos post natin lahat ng ginagawa niya, iupdate natin lahat nung mga kagaya natin na gwapong gwapo din kay Clark." Sabi ko kay Yana sabay tumawa kami ng malakas.
Maya maya pa ay dumating si Hansel then tinanong niya kami kung ano ang pinaguusapan namin.
"Guys! Anong pinaguusapan niyo? Share niyo naman." Sabi niya na may tonong parang naeexcite na malaman ang aming pinaguusapan.
"Ah.. Eh... W-wala naman kaming pinaguusapan Hansel. Nagbibiruan lang kami ng beshy ko. Diba Yana???" Pagkasabi ko nun ay agad kong sinenyasan si Yana na sumakay na lamang sa sinabi ko, dahil sobrang nakakahiya talaga kung malaman iyon ni Hansel.
"Ahh oo, wala naman Hansel. Nagbiburuan LANG talaga kami nitong kaibigan ko." Sabi ni Yana na may pataas baba pa ng kilay effect.
"Weh? Wala ba talaga?? Narinig ko kaseng parang pinaguusapan niyo si Clark eh, yung classmate natin na gwapo. Yung bagong pasok lang dito sa school." Sabi niya na halatang hindi naniwala sa sinabi namin.
"Ha?! Hindi?! Ah ano... Ah wala wala, hindi hindi!!" Sabay naming sabi ni Yana na nauutal-utal pa.
"Really???" Sabi ni Hansel saamin at tinitigan kami sa mata para makita kung nagsasabi nga kami ng totoo.
Itong babaeng to, may lahi ba silang manghuhula? Oh may lie detector siyang tinatago kaya hindi siya naniniwala sa sinasabi namin.
"Sige na nga... Oo pinaguusapan namin siya, anoba ang gwapo kasi niya eh. " Sabi ko kay Hansel at agad naman ako siniko ni Yana.
"Hay nako Lois! Ang bilis mo naman umamin, pero yun nga Hansel fan kami ni Clark to sum it all up." Sabi ni Yana na parang nahihiya at tinatago ang ngiti sa labi.
Naging fan nadin ni Clark si Hansel dahil nga din sa mga naikkwento namin ni Yana sakanya. Wala kaming ibang pinaguusapan kundi si Clark lang. Crush na naming tatlo si Clark, crush na crush na nga namin siya. Araw araw naming binabantayan yung mga ginagawa niya, halos hindi maalis ang tingin namin sakanya. Then dumating na nga yung araw ng voting if class officers.
Inilista ng adviser namin yung positions na pagbobotohan at nagsimula nadin kaming magnominate.
Nainominate si Clark bilang Treasurer at yours truly ay nainomate bilang Public Info. Officer. Okay lang naman sakin dahil likas naman akong madaldal hahaha! Si Yana ay nainominate naman bilang Sexytary hahaha!
Anyway nagstart na nga ang botohan...
"Girls, sino iboboto niyong treasurer? Iboto niyo siya ha!! Siya iboboto ko!!" Sabi ko kay Yana at Hansel sabay tumawa ako kaya natawa narin sila.
"Oo hahaha siya iboboto ko ayaw ko si *toot* hahaha!" Sabi ni Yana na inis na inis sa kalaban ni Clark dahil mayabang daw ito at hindi naman responsable.
"Siya talaga iboboto ko, pag siya naningil sakin ibibigay ko lahat ng pera ko. Ganyan ba naman kagwapo maningil sayo kundi kaba naman magbigay. Hahahaha!" Sabi ni Hansel at umagree naman kami ni Yana sakanya dahil oo nga naman sino ba ang makakatangi kung ganon nga naman kagwapo ako maniningil sa iyo.
We write down he's name in a piece of paper at sa tabi ng pangalan niya ay nilagyan namin ng 'emoticon kuno'.
Dahil nga especial siya at crush namin siya. Ang nilagay ko saakin ay ":*" at si Hansel naman ay "<3". Wala namang nilagay si Yana dahil nakakahiya daw.
Nung binabanggit na ang tally at nalaman na ang panalo. Nanalo si Clark bilang treasurer at sigurado kaming dahil saamin iyon dahil 3 votes ang lamang niya sa kalaban.
Maya maya pa, special mention ang papel namin ni Hansel dahil nga sa nakasulat sa tabi ng pangalan ni Clark. Nanahimik kami at nagtinginan para walang makahalata na kami yon.
Anyway hindi nanalo si Yana at ako naman po ay nanalong PIO. Hahaha!
Nung pinapalista na kami sa circular/slip nung mga nanalong officers. Ilalagay dun yung email address at phone number katabi nung pangalan.
Lumapit na sakin yung class president sinulat ko na yung pangalan ko suddenly nakita ko nandun na pala yung pangalan ni Clark nakita ko din nilagay niya yung phone number niya.
Habang sinusulat ko yung info. about me tinitignan ko number niya mimemorize ko na HAHAHA! Nung tapos nako magsulat sinabi ko kina Yana at Hansel na nakita ko number niya tapos sinulat naman agad namin sa papel. Hahaha!! Parang baliw lang kami.
"Itetext ko siya mamayang gabi." Sabi ni Hansel.
"Gagamitin ko pagkaofficer ko para
makausap siya hahahaha kunwari may tatanong ako." Sabi ko at nagtawanan na kami.SANA NAGUSTUHAN NIYO GUYS MEDYO MAIIKSI BY CHAPTER EH SORRY BEGINNER PALANG PO :)

BINABASA MO ANG
Love Left Us
Roman d'amourPara sa mga umasa at pinagtulakan. Iniwan at nagmahal. Nageffort pero nabaliwala at sa mga patuloy na nagmamahal kahit nasaktan na. Eto ang para sainyo.