Chapter 16 " Pangarap Lang"

81 6 0
                                        

A/N:
What's up Guys?? Haha.. I can't help na magtagal ng update ehh... haha...
Here it goes... sana magustuhan nyo kahit medyo magulo... hahaha...
Don't forget to Vote. Comment. Share. Read. Enjoy.!!!
God bless... *^▁^*

-----
Cristine's POV
(Friday, 2:00pm)
(Cristine's Bedroom)
Half-day lang ngayon kaya nandito kami sa bahay.. at ako nandito sa kwarto ko walang magawa... hayy... nangangarap na may magawa...

Kaasar naman kasi ehh... ang gulo... nung nag-usap kami ni Geryanne nung araw na nagtanong sila kay Kambal at nalaman na nila kung sino... nung iniwan nila kami dun ni Geryanne, parang umatras yung dila ko kasi nakatitig sakin si Geryanne nung araw na yun...

(Flashback)
Naiwan na kami nila Kambal dito sa garden at nung balak ko ng magsalita napansin kong nakatitig sakin si Geryanne at bigla tuloy umatras ang dila ko.. hayy.. kaasar naman ehh..

"Uhm... a-ano ba ang ibig sabihin ng kakambal mo?"

Tanong nya naman bigla... tapos naramdaman kong parang waste of time nya lang na nagtanong pa sya sakin kasi paalis na sana sya... kaso pinigilan ko naman...

"Uhmm... a-ano... k-kasi... (*gulp*) uhmm... t-totoo yung sinabi ni Kambal na may...uhmm.. n-nag-mamahal sayo at n-nasa tabi mo lang yung babaeng yun...>\\\\<"

Kaasar... namumula na ako dahil sa nakakahiya at kinakabahan ako... bwisit talaga... confession day daw kasi ehh.. tsk...

"O.O! S-so... ano ang ibig nyang sabihin na merong nagmamahal sakin? Sino yun?"

Tanong nya naman bigla at pansin kong nakatingin sya sakin... tapos ramdam kong unti-unti nyang inaangat yung ulo ko... gosh... makikita nyang pulang pula ang mukha ko.. >\\\\<

"(*gasp*)O.O!(*chuckle*)^_^ sabihin mo nga, bakit namumula yang mukha mo?"

(*dug.. dug.. dug.. dug.. *)

Oh my gosh... ang lakas ng tibok ng puso ko... >\\\< kyaaahh... kinakabahan ako na nahihiya kay Geryanne... napansin pa niya tuloy ang pagkapula ng mukha ko... >\\\< aish...

"Uhm.. a-ano k-kasi... m-may ----"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi nagsalita ulit sya...

"May gusto ka sakin? Yun ba ang ibig sabihin ng kakambal mo kanina?^_^"

Tanong nya naman habang nakangiti...

"O-oo... >\\\\< uhmm... h-hindi ka naman mag-iiba ng pakikitungo mo sakin, diba? "

Sabi ko habang nakatungo... nahihiya talaga ako... kaasar...

"Hmm.. tara na nga... uhm... mag-date tayo? Gusto ko kasing mawala itong nararamdaman ko kay Trixia ehh.. saka huwag kang mag-alala... hindi kita gagawing panakip butas... baka mabugbog ako ng kakambal mo ehh.. saka... to be honest.. crush kita dati pa... "

Sabi nya naman habang hawak ang kamay ko... at napakalakas ng tibok mg puso ko nung narinig ko ang huli nyang sinabi... at dun ko din naramdaman na mahal ko na nga itong lalaking hawak ang kamay ko... saka hindi ko naman iisipin na gagamitin nya lang ako para lang makalimutan nya si Trixia... pero kung crush nya naman ako... siguro... magbabago yun at mamahalin nya din ako... pangarap ko yun dati pa...

(Flashback ends)

Hayy... mag-de-date daw kami pero ewan ko kung kailan pa... haist... pero pangarap ko talagang mapasaya sya sa pagkakataong nasa tabi ko pa sya at baka balang-araw mawala ako sa tabi nya...

Trixia's POV
Nakwento na din sakin ni Kambal ang napag-usapan nila ni Geryanne at so far... mukhang nagpaplano na si Geryanne sa first date nila bukas... and speaking about tomorrow, bukas na nga pala ang Surprise Event ng Grey Ash Gang... nakapaghanda na naman kami nila Ate at okay naman ang naging improvement namin...

Sa ngayon talaga, gusto kong matupad ang pangarap ni Kambal na ibigin din sya ng tapat ni Geryanne.. at sana matupad din ang hinihiling ni Geryanne na pag-ibig na walang katumbas...

Sa akin naman... hindi pa ako handa kahit na alam kong may alam na sya na posibleng sya yung tinutukoy ko... hayy...

Habang nagmumuni-muni ako dito sa kwarto ko at half-day naman... biglang may kumatok at bumukas ang pinto.. at nakita ko si Ate na medyo nag-aalinlangan...

"Sis, can I talk to you for a sec? Uhm.. pwedeng dito na lang sa kwarto mo?"

"Sure Ate, uhm... what's with your medyo-nag-aalinlangan-face?may sasabihin ka ba na medyo...uhm.. nalilito ka kung sasabihin mo ba o hindi? "

Sabi ko naman habang nakaupo parin sa higaan ko na nakatingin kay Ate na nakaiwas ng tingin... hmm...seems like my guess is right? Hayy...

"Hayy... kahit kelan talaga Trixia... lakas ng sense mo... anyway..."

Sabi ni Ate sabay upo sa tabi ko... at saka nya tinuloy ang sinasabi nya...

"Natatandaan mo ba yung time na iniwan nyo kami ni James dun sa Green House?"

Tanong ni Ate, tahimik lang ako at saka tumango... tapos nagpatuloy ulit si Ate
..

"So, yun nga at alam mo naman na may gusto ako dun diba?sabi nya sakin bakit ko daw sya iiwan at isasama ka sa America... "

Tumango ako sa unang tanong ni Ate na may gusto sya kay Kuya James at nung narinig ko na pupunta daw kaming America... napatayo ako bigla dahil sa gulat...kala nyo alam ko yun? Nagkakamali kayo... hindi pinagsasasabi ni Ate na pupunta kaming America? Para saan? At hanggang kailan kami dun?

"Anong gagawin natin dun? At kailan tayo pupunta? Hanggang kailan tayo dun?para saan?"

"Trixia, calm down... umupo ka muna... pagkagraduate nyo ng high school, kinabukasan nun aalis na tayo, dun ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ng college at ikaw din dun ka na din mag-aaral, sina Tin-tin naman dito sila maiiwan, hindi pa nila alam ang tungkol dito, pero mamaya sasabihin ko sa kanila, akala ni James na kaya ako pupunta ng America ay dahil sa pag-iwas ko sa kanya dahil sabi nya sakin na hindi nya ako magugustuhan...but, I already explained it to him... at ang sabi ko huwag munang ipa-alam sa mga kapatid nya... ikaw ang magsasabi sa kanila... okay?"

Dahil sa mahabang linya ni Ate, wala na akong magagawa kung talagang mapilit si Mama at Papa na dun kami mag-aral ng college ni Ate at iwan yung dalawa dito... hayy.. pero kailangan ko talaga makahanap ng paraan para hindi matuloy yun... gusto ko kasi dito ako sa Pilipinas magtapos ng pag-aaral at makapagtrabaho... hayy...

"I know what your thinking Trixia, at tutulungan kita sa pagpigil nila Mama... ayokong mag-aral sa ibang bansa, gusto dito ako magtatapos..."

Napatingin naman ako kay Ate nung sinabi nya yun... nakangiti sya at napayakap naman ako kay Ate...

"Thank you Ate, at sana maging okay na din kayo ni Kuya James... ^_^"

Sabi ko habang nakayakap kay Ate... naramdaman kong tumawa ng bahagya si Ate at hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin...

"Hayy... sana nga... medyo naguguluhan ako dun ehh.. "

"Pero Ate, may sinabi ba sya sayo na iba pa bukod dun?"

Tanong ko naman...at saka kumalas na sa pagkakayakap namin... ramdam ko kasi ang kalituhan ni Ate sa nararamdaman nya...

"Uhm.. meron... sabi nya ayaw daw nyang mawala ang babaeng nagpapasaya ng buhay nya kahit daw sya pa ang may kasalanan ng pagiging badtrip nun.. but I don't want to assume that it was me... ayokong umasa.. "

Sabi nya naman... hmm...

"Hayy... sige Trixia... pag-iisipan ko muna kung paano ko sasabihin kina Tin-tin yung pag-alis natin ha... saka sana hindi na matuloy yung pag-alis natin... sige sis.. nasa kwarto ko lang ako ha...kapag may kailangan ka tawagin mo ako... sige.."

Sabi ulit ni Ate at saka lumabas ng kwarto ko...

Hmm... matawagan nga si Kuya James...
Pangarap siguro ni Ate na mapansin din sya ni Kuya James... pero sa narinig ko kay Ate at sa pagkakaalam kong laging bina-badtrip ni Kuya James si Ate, masasabi kong may pagtingin din si Kuya kay Ate...

-----
A/N:
Hmm? Ano kaya ang sasabihin ni Trixia kay Kuya James?
Paki intay ulit ang next update...
God bless... *^▁^*

Pangarap LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon