Chapter 14 "Confession"

127 6 0
                                        

A/N:
Hey guys... sorry talaga kung magulo 'to... haha... but thanks for reading it...*^▁^*
Hope you will Vote. Comment. Read. Share. Enjoy!
God Bless...! *^▁^*

-----
Kervy's POV
(1 month later)
(LR International University)
(Room 4-A)

Hayy... isang buwan na ang nakalipas... at nalaman na din nila na may gusto ako kay Trixia... at simula nun... hindi na kami nagkakasama ni Geryanne... bakit? Nagalit siya sakin dahil hindi ko daw agad sinabi sa kanya nung gusto ko pa si Trixia at ngayon ay mahal ko na siya... muntik na nga niya akong bugbogin dahil sa galit at sakit na nararamdaman niya dahil nga ang kakambal niya ay minahal ang mahal niya...

Hindi ko naman ginusto yun ehh... itong puso ko ang nagsasabing mahalin ko si Trixia at alagaan siya sa sinumang manakit sa kanya...

Alam na din naman ni Trixia na mahal namin siya ng kakambal ko... sina Ross at Alyssa naman... sila na bago pa nila nalaman ang totoo... si Tintin? Ayun medyo hindi nagpapansinan sila ni Trixia... at si Trixia balik sa dati... sobrang tahimik... at medyo nagiging malamig siya samin... lahat ng estudyante dito natatakot sa kanya dahil naging malala ang kalagayan niya... okay na daw na tahimik siya hindi yung sobrang lamig ng pakikitungo niya samin...

"Hayy... sana naman maging maayos na silang apat noh?"

Narinig kong bulong ni Alyssa kay Ross...

"Tsk.. oo nga ehh... sana hindi na ganun si Trixia... "

Sabi naman ni Ross...

Hayy... bulong ba talaga yun o sadyang pinariringgan ako? Hayy.. ewan... tsk...
Dahil wala akong magawa at hindi pa nadating ang adviser namin tiningnan ko muna sina Geryanne, Tintin at Trixia... yung dalawa, si Geryanne at Tintin nakatingin lang sa board at si Trixia naman ayun tahimik at medyo naiinis na sa mga kaklase naming maiingay...

Balak ko sanang matulog muna kaso saktong pagdating naman ng adviser namin kaya nakinig na lang ako...

(Breaktime)
(At the Cafeteria)

Dahil wala akong kasama, ako lang mag-isa ngayon na pumunta sa cafeteria at nagulat ako sa nadatnan ko...

O_O

"Alam mo!? Dahil sayo hindi kami pinapansin ng Kambal! Napakalandi mo!"
"Oo nga! Anak ka lang ng may ari ng school na 'to at pamangkin ka lang ng principal kaya nagagawa mo lahat ng gusto mo!tahimik ka lang pala pero napakalandi mo-- (*gasp*) O_O"

Sh*t! Sorry kung nakakapagmura ako pero kasi nakakagulat ang ginawa ni Trixia dun sa babaeng nakaside ang ponytail... sinikmuraan lang naman ni Trixia yung babaeng yun kaya naman bumagsak siya sa sahig at napaluhod bigla yung kasama nung babae... tapos biglang nagsalita si Trixia...

"Hindi nyo alam kung bakit ako ganito katahimik! kaya huwag na huwag niyo akong pagsasalitaan ng ganyan dahil sa simula pa lang kayo na ang malandi! At sa susunod na sasabihan nyo ako nyan, make sure na hindi ko kayo masasaktan!!"

Grabe... napakalamig ng boses niya... p-parang si... Ice Princess...

Geryanne's POV
Nakita ko ang nangyari kanina... tsk.. parang si Ice Princess lang ahh.. tsk.. pero... kailangan ko ng malaman kung sino samin ang gusto nya...

(Lunch break)
(At the Garben)

Kami lang tatlo ni Kambal at ni Trixia ang nandito... alam na ni Trixia na mahal namin siya ng kakambal ko pero halata sa kanya ang pagkalito dahil ata may nagugustuhan na sya...

"Anong ginagawa natin dito?"

Cold na tanong ni Trixia...

"Papapiliin ka namin... sino samin ang mas karapat-dapat para sa pagmamahal mo?"

Pangarap LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon