Prologue

21 7 1
                                    

ang problema ika nga’y hindi hadlang upang magpatuloy sa buhay,

maaari mong gawing sandata ang lumbay na magagamit mo upang matapos ang iyong paglalakbay.

ngunit pa’no na lang kung ang mismong suliranin ay nagsisimula sa sarili, kasabay ng tadhanang nakasulat para sa’yo?

kaya pa bang malampasan ang problemang kusang sumusunod at awtomatikong gumagalaw sa kada yapak na tinatahak mo?

posible bang makamit ang kasiyahan sa gitna ng karimlan na ikaw mismo ang pinagmumulan?

kaya mo bang takasan ang pagsubok na pilit ibinibigay sa iyo ng kapalaran?

marahil ay hindi, ngunit sa lahat ng problema’y mayroong solusyon.

at ang tanging lunas dito ay nagmumula rin sa sarili mo.

sapagkat hindi nagbibigay ng pagsubok ang kapalaran na hindi mo kayang malampasan.

tanging ang iyong pasensya’t tiyaga lang ang sumusukat sa kung hanggang saan ang aabutin mo sa laban.

Ako si Xylie Ramirez.

isang dalagitang labing-walong taon ang gulang.

tunghayan mo ang aking istorya, kung pa’no magbigay ng reyalisasyon sa akin ang tadhana,

kung saa’y makakamit lamang sa mga pagkakataong parati kong inaalintana.

sa pagmamahal na nagsimula sa pagiging estranghero. na siyang mag-uudyok upang mabaliktad ang aking mundo.

sa mundo na puno ng hindi kasiguraduhan.

ang mundo ng pag-ibig, na aking tinatawag na

Anxious Love.

Anxious LoveWhere stories live. Discover now