Confession
“pag-ibig ay ‘di mataas abutin, subalit mahirap masungkit ng tulirong damdamin”
Sa gitna ng kawalan at said na pag-asa, ang sitwasyon ko’y tila daplis ng isang bala. Na sa maling pagkakatao’y maaaring humantong sa mas mabigat na problema.
Walang katao-tao sa daan at binabalot na ng dilim ang bawat sulok ng lugar. Samantalang narito ako’t iniisip kung sino ang tumatakip sa aking bibig, at kinakabahan sa kung ano ang maaaring mangyari sa’kin.
Pa’no na lang kung masamang tao ang nasa likod ko? Ito na ba ang katapusan ng lahat? Matapos ang lahat ng pagpipigil sa’kin ng tadhana ay hahantong lang ang lahat sa ganito?
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag-hintay sa kung ano man ang posibleng mangyari.
Ngunit sa segundong iyon lamang ay nakaramdam ako ng puwersang umudyok sa akin upang lumingon. At siyang sa aking harapa’y bumungad ang isang lalaking hindi ko inaasahan.
“Miko!” mahina kong sigaw sabay yakap na siya namang ikinagulat niya.
hinawakan niya ang aking balikat at pabulong na sinabing “‘wag kang maingay, nandito na ako, ‘wag ka nang mag-alala.” pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang aking likod na tila ba’y nagpapatahan.
“ginulat mo ‘ko ha, akala ko kung sino na yung tumatakip ng bibig ko eh” naiinis kong sabi na tinugunan niya lamang ng isang ngisi.
“mamaya na tayo mag-usap at madilim na, ihahatid muna kita palabas dito” iginawad niya ang kan’yang kamay at sumenyas na sumunod.
Naglakad kami nang walang imik na tila naumid nang walang dahilan. Kung kaya nama’y pinagmasdan ko na lamang ang paligid at kinabisado ang bawat sulok ng dinadaanan namin. Siguro naman sa susunod ay magagamit ko na ‘to para ‘di na ko maligaw dito.
At sa oras nang makita ko na ang kalsada na dinaanan ko kanina ay napuno ako ng kapanatagan at dali dali ko itong tinungo habang hila hila ko ang braso ni Miko.
“Salamat Miko at nandito ka” turan ko nang marating na namin ang kalsada. Inaya ko naman siyang magpahinga muna sa ice cream shop na dati naming pinuntahan noong una kaming nagkita bilang pasasalamat ko. Pumayag naman siya na sumama sa’kin at naglakad na kami patungo roon.
“Ngayon naman, it’s my treat. Pili ka lang ng kung anong flavor gusto mo” sambit ko. Ngumiti naman siya ng malaki bilang tugon.
Nang makapili na kaming dalawa ay kinuha na namin ang order at pum’westo na sa table namin. Dito ko na sinimulan ang interogasyon sa kung sino ang mga taong pinagtataguan niya kanina.
“Sino yung mga ‘yon Miko? Bakit ka nga ba nila hinahanap?” tanong ko. “don’t tell me may ginawa kang labag sa batas ha, nako ‘wag naman sana” dagdag ko pa sabay subo ng ice cream na hawak ko.
“Mga tauhan ‘yon ng parents ko” ani Miko. “pinapahanap nila ako kaya ngayon ay pinagtataguan ko na sila.” seryoso niyang tugon.
“ha, bakit daw?” gulat na tanong ko.
Sinundan ito ng saglit na katahimikan ngunit nag-aabang pa rin ako ng sagot galing sa kan’ya. Kitang kita ko sa mukha niya ang bakas ng pag-aalala at halata talagang pinag-iisipan niya ang kaniyang isasagot.
“tumakas ako”
Kumunot ang noo ko sa gulat at pagtataka dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Bakit naman siya tatakas sa parents niya?
“Ano ba ang dahilan ng pagtakas mo Miko? Ba’t ngayon mo lang sa’kin sinabi ‘yan?” tanong ko.
“Family problem, ‘di naman gaanong malala kaya ‘di ko na sinabi sa’yo.” nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at ngayo’y nakangiti na siya. “for now nakikitira ako sa kakilala ko dito, ako rin ang nag-asikaso ng mga papeles ko para makalipat ng school nang hindi nalalaman ng mga magulang ko” dagdag niya pa.
YOU ARE READING
Anxious Love
RomanceIn the midst of her great forlornness, Xylie Ramirez finally gave up in life. Burdened with everything that happens to her despite of being the unica hija of a rich family that provides her with everything that she needs. Yet as she was about to suc...