Chapter 2

13 7 0
                                    

Destiny?

“Bitui’y nagliliwanag sa sansinukuban, tuwing ating damdami’y nagagalak, na mistulang gabay upang maibsan ang kalumbayan”

Sa araw-araw naming pag-uusap ni Miko, naramdaman ko na ‘di na ako nag-iisa sa buhay, parati siyang nakaalalay para sa akin at nar’yan upang pakinggan ang aking mga hinaing, na kung susuriin ay tila isa siyang liwanag na mapag-kalinga sa dilim.

“Di ko alam kung umiibig na ba ako o naghahanap lang ng mapaglilibangan?” tanong ko sa aking sarili habang paunti-unting ikinukurbang pataas ang mga labi.

Sa t’wing nakakausap ko siya, gumagaan  ang pakiramdam ko na para bang sa panandaliang panahon na iyon ay pansamantalang nawawala sa isipan ko ang mga dinadala kong problema at mga pasanin.

Pagkatapos ng lahat ay nagkaroon na rin ako ng pagkakataong sumaya, kahit panandalian lamang. Tumungo agad ako kay mom, para bigyan sana ng maayos na solusyon ang naging alitan namin nitong mga nakaraang araw.

I am aware na para sa akin naman talaga ang mga ginagawa nila, masyado lang talaga akong nagpalamon sa sarili kong emosyon noon kaya napagbuntungan ko siya ng sama ng loob.

Eversince kasi ng away naming dalawa ay madalang na lang din kami mag-kita. Umaga aalis ng bahay at gabi na rin naman umuuwi.

Hindi man ako sigurado na nasa bahay pa sila, since halos buong maghapon nilang inaasikaso ang business namin, ay umaasa ako na makita ko siya at ma-settle na namin ang problema.

Pero sa ‘di ko inaasahang pagkakataon ay may narinig akong nag-uusap sa telepono sa sala. Nilapitan ko ito sa pag-aakalang naroon si mom ngunit ang natagpuan ko ay si dad na may ‘di maintindihang ekspresyon sa mukha.

“I’m a rich and a successful businesswoman in this place, I have a lot of connections and I know everything about you, Mr. Ramirez!” bulyaw ng isang babaeng galit na galit sa kabilang linya.

“If this is about the business, do what you want. I don’t care, I have my staffs that are more competent than yours.” tugon ni dad. “but once na pakialaman mo ang pamilya ko, I will make sure na pababagsakin ko kayo” dagdag niya sabay baba ng telepono.

Hindi ko mapigilang magtaka kung sino ang kausap niya na maging ang personal naming buhay ay nadadamay na. Ano ba ang mayroon doon at parang nag-aalala siya?

“I want to know more about this, ito ba ang dahilan kung bakit laging nakatutok sila sa business nila? Ang dahilan ba kung bakit lagi silang abala ay dahil may kumakalaban sa aming pamilya?” tahimik kong tanong sa sarili habang bakas ang ‘di maipintang ekspresyon ng aking mukha.

Bumalik ako sa aking silid at sinimulan kong maglikom ng impormasyon tungkol sa aming business. Nag-kolekta ako ng mga datos at impormasyon sa internet para kilalanin ang misteryosong babaeng nasa telepono.

“sigurado ba ako sa ginagawa ko?”

Marahil ay hindi, pero bahala na! Ayoko nang tumunganga lang sa tabi at manahimik, for once gusto ko ring makatulong sa pamilya. I want them to at least be proud of me dahil sawa na ako sa pagiging walang silbi.

Lumabas ako ng kuwarto, at pasimpleng pumasok sa opisina ni dad na nasa kabilang room, upang gawin ang pag iimbistiga na ito.

Tahimik kong binuksan ang mga drawer at naghanap ng mga maaaring magbigay sa akin ng impormasyon.

Sa paghahalungkat ko ng mga dokumento, may isang papel na nagpa-agaw ng aking atensiyon at dali dali ko itong kinunan ng larawan.
Nakasulat doon ang mga recent transactions ng business namin at mga pangalan nito.

Anxious LoveWhere stories live. Discover now