Pasan
“Sa mapanakit na kapalaran‚ handa ka bang sumugal kung pag-ibig ang nakalaan?”
Maaga akong gumising dahil may pasok pa ako. Nang marinig ko ang aking alarm ay agaran akong bumangon at iginayak ang sarili bago lumabas ng kuwarto. I didn't bother myself to think that my mom made a breakfast for me dahil wala naman silang oras para sa akin.
Lagi namang ganito ang set up, gigising na parang hangin lang sa bahay dahil busy sila sa kanilang business. Lagi nalang business, nakalimutan na nila ako, na anak nila.
At dahil nawala na ako sa mood, naisipan ko nalang na maglakad tungong paaralan para makapag isip-isip na rin kung pano ko maiibsan ang kalungkutan na aking nadarama.
Naglakad ako nang naglakad na tila wala sa sarili. Hindi ko nabibigyang atensyon ang aking dinadaanan at alam kong nagbabadya ang kapahamakan sa akin. Ngunit hindi na iyon mahalaga, sapagkat aligaga ako sa maraming bagay na tumatakbo sa aking isip.
“Miss! Tigil!” rinig kong bulyaw ng isang lalaki mula sa likod. Hindi ko sana papansinin ngunit natigil ako nang biglang hinila nito ang aking braso sanhi ng pagkatumba ko.
“Miss okay ka lang ba?” aniya habang tinitignan ang natamo kong sugat mula sa pagkakatumba.
“Ha?” wala sa sarili kong sagot
“Miss, anong ha? May sugat ka oh, samahan na lang kita sa clinic para magamot ‘yang sugat mo.”
Bigla akong napabalik sa realidad at napagtanto na nasa gilid pala ako ng kalsada at muntik na akong masagasaan. Sayang naman at hindi pa nangyari.
“Miss naririnig mo ba ako?” dugtong niya pa. Tsaka ko lang naalala na may lalaki palang kanina pa salita nang salita sa harap ko.
“Alam mo ang ingay mo, dapat ‘di mo na ako tinulungan para mawala na ako sa mundong ‘to!” naiinis na sambit ko sa kan’ya.
Padabog akong tumayo at nilisan ang lugar na tila walang nangyari.
Paglipas ng ilang oras ay nakarating na ako sa aming paaralan na kilala sa pangalang “Dream Institute”. isang unibersidad na tanyag dahil pawang mayayaman ang mga mag-aaral at nakatugon sa usapin ng pangarap.
At isa pa, ang pamilya ko ang may-ari ng unibersidad na ito kaya nakakapag-aral ako rito ng libre. Mismong pangalan nga ng unibersidad ay ako ang gumawa, imbis na Reyes University na lang ang ipangalan dito.
Sa pagpasok ko pa lamang ng campus ay bumungad agad sa akin ang kaibigan kong si Myrille na nakakunot ang noo.
“Xylie‚ pinapatawag ka daw ni prof Suarez” turan niya. Na bakas ang pagtatakha’t pag-aalala sa kaniyang mukha.
Hindi na ako nagpatagal at tumungo na agad doon. Gusto sanang sumama ni Myrille pero sinabi ko na ako na lang ang pupuntang mag-isa. Kaya nama’y nauna na ito sa silid-aralan.
Pagdating ko sa tanggapan ay naghihintay na sa akin ang aming propesor na nakaupo sa kaniyang likmuan. Napalingon ito sa akin at sumenyas sa akin na maupo.
“Ms. Xylie Ramirez” panimula niya. “bakit ganito ang naging performance mo these past few days? bumaba rin ang mga exam mo at naging pabaya ka na sa pagsubmit ng mga activities” sambit niya sa’kin habang pinakikinggan ko ang mapang hamong salita nito.
“Kung magpapatuloy ito‚ I will call on Mr. and Mrs. Ramirez para malaman nila ang mga pinag-gagagawa mo” dagdag pa nito. “Please take care of it‚ we expect better from you.”
Pagkatapos niyao’y nilisan ko na ang silid. Habang ako ay naglalakad sa corridor ng unibersidad, napapansin ko na ang mga nakapaligid sa akin ay puwang masasaya at may galak sa kanilang mga mukha na kung susuriin ay tila isang nakalulunod na ligaya.
YOU ARE READING
Anxious Love
RomanceIn the midst of her great forlornness, Xylie Ramirez finally gave up in life. Burdened with everything that happens to her despite of being the unica hija of a rich family that provides her with everything that she needs. Yet as she was about to suc...