Chapter 5.5

6 7 0
                                    

Myrille

“rangko ng pagka-pantas, estado’t kapangyariha’y ‘di mahalaga; pagkat ang hanap ng tadhana’y pawang teknik, agap at pasensya”

Myrille’s P.O.V.
“Sige bes, salamat! Maasahan ka talaga sa oras ng pangangailangan” dinig ko sa aking isipan.

Ang tinig ni Xylie na nanghihingi ng tulong sa akin. I told my self to give my all para maging success ang mission kong ito. So I did a plethora of research para lang malaman kung ano ang involvement ni Miko sa kung ano man ang meron siya.

As I stumble over articles upon articles, I heard my Pa on the doorway, knocking on my open door trying to catch my attention.

“masyado ka atang busy sweetie, for what? I thought sem break niyo ngayon?” he asked.

I hurriedly closed the tab ng tinitignan kong news article and put my gadget on sleep para ‘di niya makita ang pinagkaka-abalahan ko.

“wala ‘to Pa, advance reading lang” I answered habang kinakamot ang batok ko.

“well okay, you haven’t eaten your breakfast. bumaba ka na lang once your done okay?” sabi niya while I respond only with a nod.

After niyang bumaba ay nagpatuloy ako sa aking research, mostly ang result ng searches ko ay nothing peculiar. Their family owns a clothing company, ang description nila is just normal, and especially their products are of good quality, nothing suspicious.

I looked up Miko’s info on the website at tinignan ang details—all clean. All in all wala namang issue ang company nila.

Sinubukan kong maghanap pa ng articles sa news section ng results at umaasang may makitang something na p’wede kong gawing lead. And just as I thought meron nga.

“business feud” pabulong kong turan sa sarili ko—how interesting.

“Giovanni Reyes, owner of the GoFashion Industry, caused a major dispute athwart the owner of Clothesline Industry, Louis Ramirez” wait, Louis Ramirez? Familiar ang name niya, saan ko naman kaya iyon narinig?

“Aha!” I got it, it just took me several seconds to think. And to my surprise, this isn’t just a piece of information, kailangan kong masabi agad kay Xylie na nagkaroon na ng away sa business ang family niya to the Reyes!

Nang malaman ko na ang business ni Miko ay somehow connected sa business ng parents ni Xylie ay agad akong umalis ng bahay para sabihin kay Xylie ang nalalaman ko.

“good morning sweetie, eat your breakfast. It’s on the table” ani Ma nang mapadaan ako sa sala. She was sitting upon the mattress placed on the rear left side of the doorway to the kitchen.

“I’ll come back na lang Ma and eat it, pupuntahan ko muna si Xylie sa bayan I won’t be long. Bye!” sambit ko bago umalis ng bahay.

Pagdating ko sa bayan ay dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng snack, it’s nine o’clock in the morning at medyo nagugutom na rin ako. Dapat talaga kumain muna ako sa bahay bago pumunta huhu.

After kong bumili ng snack ay naglakad na ako papalabas ng store, yet to my surprise—a lady bumped me on my way out!

“aray!” I reacted, “miss, ‘di ka ba tumitingin ang laki ng daanan oh!” galit kong sermon sa kan’ya.

She just looked at me as if ako ang may kasalanan. I admit I wasn’t looking pero I know na hindi ‘yon aksidente. She did it on purpose. But for what reason?

“kung tumitingin ka rin sana edi you could’ve just dodged.” turan nito sa’kin bago nagpatuloy sa paglalakad na tila ba nagmamadali. Aba! Anong ugaling meron ‘yon?

Anxious LoveWhere stories live. Discover now