Chapter 8

6 7 0
                                    

Tears of Love

“By the moment that you feel down, just close your eyes and let your tears fall to feel the comfort in the swamp of darkness, because it is never cowardice to show weakness to the world.”

Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mga kamay habang bakas ang pagkadismaya sa aking mukha na siya lalong nagpa-baga sa conversation naming dal’wa.

“All this time Miko, minahal kita nang mahal na mahal, I sacrificed everything for you pero hindi pa rin pala enough? Niloko mo pa rin ako at ginisa sa sariling kong mantika. You made me feel like a fool!” sumbat ko sa kanya nang may luhang dumarausdos mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang poot at galit na namumuo sa akin dahil sa pagkagulat sa nalaman ko.

“Xylie.. I-I’m s-sorry” nauutal niyang sambit sa’kin Miko habang paunti-unti na ring bumubuhos ang kan’yang mga luha sa sahig.

“Akala mo ba madali lang sa akin ang nangyari? Akala mo ba na  sa isang ‘sorry’ mo lang, maayos at maiibalik pa natin ang lahat?” Ikinalas ko ang aking mga kamay sa kaniyang pagkakahawak.

“Ang sakit-sakit Miko, dahil sa pagkakataong nakilala kita, akala ko ikaw na ang magiging hero ko, para iligtas ako sa pagkakalugmok pero nagkamali pala ako” dugtong ko pa.

naiinis ako, sobrang inis. parang gusto kong mag-wala at sumigaw sa kaniya upang maramdaman talaga niya na nasasaktan ako.

“Oo Xylie, nasaktan kita—pero hindi ibig sabihin n’on na hindi kita minahal” sambit niya sa’kin.

“Mahal? Anong alam mo sa pagmamahal Miko ha! ginamit mo lang ako, hindi ba? Tapos ngayon sasabihin mo sa akin na mahal mo ako? oh come on, ‘wag na tayong maglokohan Miko, alam ko na ang lahat!” sambit ko pa sa kan’ya.

“Give me a second chance Xylie, patutunayan ko sayong mahal kita”

“Para ano pa Miko? Para paikutin mo na naman ako sa matatamis mong salita? Para gamitin sa business? Paglaruan? O baka naman para gawin mo ulit akong uhaw sa pagmamahal mo, at iiwan kung kelan mo gusto?” I clenched my fist habang pinipigilan ang sarili sa kung ano ang maaari kong magawa sa kan’ya.

“Am I a fool, Miko?” dagdag ko pa.

“Hindi Xylie!”

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na para bang nagsisisi sa mga ginawa niya. Ayoko mang kumalas sa pagkakayakap ngunit sawa na akong mag-mukhang uto-uto. Ramdam kong namamayani ang aking poot dahil sa ginawa niya sa’kin kaya agad akong bumitiw.

“Huwag na huwag mo akong hahawakan Miko! Naaawa man ako, pero galit na galit pa rin ako sa’yo, hindi mo ba naiintindihan?” umiiyak kong bulyaw na bakas ang pagmamakaawa sa aking tinig.

“Minahal kita, ‘yon naman ang mahalaga diba?”

“Talaga ba? isang malaking kasinungalingan ‘yan Miko” saad ko pa habang patuloy na bumubuhos ang aking mga luha. Sa sandaling iyon ay hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari.

Naumid ako ng saglit sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. I never thought na ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat. Sa bawat segundong lumilipas ay kini’westyon ko kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya sa’kin.

He played it all too real, hindi ako makapaniwala na magagawa niya ‘yon sa akin. As I watch him in front of me, hindi ko mawari na kayang gawin ng isang lalaking ganito ang mga pagta-traydor na nangyari sa’kin. Am I dreaming? Ano ba talaga ang totoo? Napakaraming tanong ang umiikot sa isip ko.

I want to know the truth.

“Mahal na Mahal Kita” sambit niya.

“Gagawin ko ang lahat Xylie para mapatawad mo lang ako, please” saad niya pa sa akin.

Anxious LoveWhere stories live. Discover now