Chapter 6

5 7 0
                                    

Drein

“Within this hypocritical society, does love solely reign or does it coexist comfort, full of lies?”

Isang linggo na mula nang mag-usap kami ni Miko at Myrille at ang dalawa ay parehong hindi na nagpakita sa’kin eversince. Along with Hailey na hindi na sa’kin nagpakita pagkatapos ng insidente.

Tapos na ang sem break at nagsibalikan na ang mga mag-aaral sa unibersidad. Maliban na lang sa dalawang iyon na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung anong nangyari. Si Miko ay kinailangang mag-tago dahil nahanap na siya ng mga magulang niya, pero tinatawagan niya pa rin ako from time to time. Ngunit si Myrille ay hindi ko pa rin alam ang dahilan.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Myrille ay hindi na siya tumawag ulit. She didn't even answer my calls and until now, I'm worried about her. Sinubukan kong tawagan sina mister at missis Alvidarez within the week pero pati sila ay hindi ko ma-reach. The last time I’ve heard about them is the call I made the day that Hailey disappeared.

“Hello po tita, nandiyan na po ba si Myrille sa bahay niyo? Hindi na po kasi siya tumawag nung sinabi niyang tatawagan niya ulit ako” pambungad kong tanong sa telepono noong araw na iyon.

“Wala pa Xylie, maaga siyang umalis at hindi nga kumain ng agahan kanina.” sagot ni tita sa’kin.

“Akala ko pupuntahan ka niya kanina kaya di ko na siya pinahatid sa driver namin” dagdag pa niya.

“pumunta na po siya dito pero umalis lang din po agad, hindi pa po ba nakakauwi sainyo?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Anoo?! Hindi pa siya umuuwi Xylie, nag aalala na kami. Sigurado ka bang wala siya d’yan sa bayan?”

“hala, ganon po ba tita?” agaran kong tugon nang may ‘di maipintang ekspresyon sa aking mukha. “Wala na po talaga dito si Myrille, nag-aalala na nga rin po ako sa kanya eh” dagdag ko pang saad.

“Oh sige Xylie, kami na ang bahala sa paghahanap sa kaniya. Thank you for letting me know.” huling sambit niya bago ibaba ang telepono.

Simula noon ay hindi ko na sila nakausap at parati nang out of reach ang telepono nila.

At that moment, napaisip ako kung ano ba talaga ang nangyari kay Myrille na nagbigay sa’kin ng pangamba. Sigurado akong involved si Hailey dito, siguro ay may na-diskubre si Myrille na impormasyong tungkol kay Hailey dahil si Hailey ang huling binanggit sa akin ni Myrille bago niya ibaba ang tawag. At ngayon ay maaaring nasa panganib na ang buhay niya.

“Kasalanan ko to eh, kung ‘di ko sana pinakilala kay Myrille si Hailey, okay lang sana ang lahat ngayon!” sambit ko sa aking sarili habang bakas ang pagsisisi sa aking mukha.

“I hope na okay ka lang bes, hahanapin kita sa abot ng aking makakaya kahit ikapahamak ko pa” dagdag ko pang saad sa aking sarili.

Labis akong naguguluhan sa mga pangyayaring ito dahil kaunti lang alam ko rito at alam kong delikado ang pinapasok ko. Ni hindi ko nga alam ang buong nangyari at parang palaisipan pa rin sa akin kung bakit nagkaka-ganito.

Misteryoso ang naging presensya ni Hailey at hindi ko ito agad napag-isipan. Akala ko ayos lang ang lahat pero bakit parang mali ang naging desisyon kong kaibiganin siya?

Bigla akong napa-balik sa reyalidad nang marinig ang malakas na tunog ng bell, hudyat na mag-sisimula na ang klase. Agad akong napatakbo sa silid namin para makahabol sa oras. At sa oras na marating ko na ito ay agad na bumungad sa akin ang upuan ni Myrille at Miko na walang nakaupo.

Bigla akong nakaramdam ng pagka-lungkot at pag-aalala dahil sa nakita ko. ngunit kinailangan kong tatagan ang sarili ko at magpatuloy.

Mabilis ang naging daloy ng oras, ngunit narito ako’t hindi mapigilang matulala sa kaiisip kung ano ang nangyayari kay Myrille at Miko ngayon. Bawat saglit ay napapalingon ako sa kanilang upuan na tanging hangin lang ang naroon. At nag-aalala kung may masama na bang nangyari sa kanila. Lalo na kay Myrille na hindi ko talaga alam kung nasaan.

Anxious LoveWhere stories live. Discover now