Nasaan Ka?
“Sa kalbaryong nakaatang sa ating mga kapalaran, tibayan mo ang iyong kalooban upang maiwaksi ang kalungkutang maaari mong sapitin.”
“Salazar Public Park, Galvada Street”
Ikinintal ko sa isipan ang lugar na patutunguhan ko ngayon. Ang address na ibinigay sa akin ng anonymous caller na nag-tip sa akin kanina. Pasimple akong lumabas ng bahay, trying my best na hindi mahuli ni mom dahil alam kong hindi ako n’on papayagan.
Nakasuot ako ng sumbrero’t salamin para hindi ako makilala ng mga napapadaan sa kalye. Mahirap na.
It’s already nighttime at alam kong delikado ang ginagawa kong pagtakas most especially dahil na rin sa hindi ko kilala ang nag-uutos sa’kin na pumunta sa address na ibinigay niya. It’s not wise at aware ako roon pero this is the only thing I’ve got,
Kailangan kong mahanap si Myrille.
Nangangatal man ang mga paa’t kamay ay wala kong atubiling tinahak ang daan patungo sa liwasang-bayan na sinabi niya. Halos nabalot na ng karimlan ang mga lansangan kung hindi lamang sa mga street lights na nagbibigay liwanag dito. Wala na ring katao-taong naglalakad sa may sa’min kaya nakararamdam ako ng kaba sa t’wing naiisip ko iyon.
“Show up alone, Xylie. No one has to know” dinig ko pa sa aking isipan.
At narito ako’t naglalakad ng walang kasama, hindi ako mahirap kausap. Wala rin naman na akong mapag-sasabihan dahil may kan’ya kan’yang problema rin ang mga tao sa paligid ko.
Hindi ko mapigilang matakot dahil hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko. Paano kung isa itong patibong na naka-set up para patumbahin ako? Lalo na’t isa ako sa mga kinikilalang tao rito sa amin. Not to mention na may-ari ng business ang family ko and no doubt na may mga taong gustong umagaw nito.
Pero paano naman kung hindi? Pa’no kung makakatulong nga ito sa imbestigasyon ko? Kung hindi ko ito pupuntahan ay parang nagtapon lang ako ng pagkakataong makumpleto ang puzzle na pilit kong binubuo.
Mariin akong napahawak sa visor ng sombrero ko at inalis ito nang makarating na ako sa entrance ng Salazar Park. Ito ang mismong park kung saan kami nagkatuluyan ni Miko. Sa lahat ng lugar na p’wedeng gawing meet-up spot, bakit dito pa?
Pinasok ko ito at napahawak sa cellphone na nakalagay sa aking bulsa. Inilabas ko ito at binuksan ang flashlight habang patuloy ako sa paglalakad—papalayo sa entrance ng park.
“Once na nandoon ka na, pumunta ka sa fountain sa gitna ng park. Maghihintay ako sa’yo roon.” biglang sumulpot ang diyalogong iyan sa aking isipan. Oo nga pala, ‘yon ang sinabi sa akin ng lalaki sa telepono.
Agad akong pumunta doon para magpakita. At tulad ng sinabi niya’y may naghihintay na nga sa’kin. Nakita ko ang silweta ng isang lalaki na nakatayo malapit sa fountain at agad ko itong nilapitan.
“excuse me, ikaw ba yung tumawag sa’kin?” bungad kong tanong nang makalapit na ako sa kan’ya. Parang kaedaran ko lang din naman pala. Nilingon niya naman ako at tumango nang walang sinasabi.
“may nalalaman ka ba tungkol sa kaibigan ko?” dagdag na tanong ko. Wala siyang tugon sa akin ngunit itinungo niya ang kaniyang daliri sa fountain. At nang tignan ko ito ay bigla kong nakita ang pigura ng isa pang lalaki na pamilyar na pamilyar ang mukha.
“M-Miko?”
Ngumiti siya sa’kin. Agad niya akong niyakap habang ako naman ay nakatulala pa rin at nagtataka kung ano ang nangyayari. Totoo ba talagang si Miko ito? Sino yung lalaking kasama niya?
YOU ARE READING
Anxious Love
RomanceIn the midst of her great forlornness, Xylie Ramirez finally gave up in life. Burdened with everything that happens to her despite of being the unica hija of a rich family that provides her with everything that she needs. Yet as she was about to suc...