Chapter 13: Music Festival

118 4 0
                                    

Ellaine's POV

"Month of august start of music festival na gaganapin mismo dito sa ating paaralan." Nakikinig lang kami sa sinasabi ni Joan sa harapan.

"Miss said we are possible na mapili sa play na itatanghal sa araw ng fest."

Tahimik akong nakikinig sa kanya kahit na ayaw makinig ng iba. Medyo nakakainis lang dahil hindi sila nakikinig pero tahimik naman sila.

"Sino raw po isasasali?" Tanong ng concern naming kaklase na si Karen.

Napa-isip muna siya bago nagsalita muli. "Ang sabi ni miss lahat daw tayo kasali, ibigsabihin buong section natin." Sabi nya na pilit inaalala yung pinagmeetingan nila. 

Lumabas siya saglit para puntahan sa faculty room ang homeroom teacher namin para tanungin kung sino ang mga isasali sa play. Maya-maya ay bumalik siya dala ang isang papel na may nakasulat na mga pangalan ng section.

Tumingin muna siya saming lahat tsaka nagsalita. "Okay guys marami tayong gagawin ngayon." I sighed. Lagi naman tayong maraming ginagawa. "Malapit na ang Music Festival, isa ang section natin na napili para gumawa ng isang play."

"Anoooo?"

Violent reaction ng mga kaklase namin. Hindi ata nila gusto ang umacting samantala ang buhay natin ay parang isang pelikula, may drama, comedy at marami pang iba. "I mean musical play." Sabi niya.

Napatingin sa kanya sila Karen, mukang gusto nila sumali sa musical play. "Pres? Ano gagawin natin?" Tanong ni Lomon na nakatayo na.

Tumingin sa kanya si Class President.

"Kaya nga nagme-meeting tayo para makapag bigay kayo ng suhestiyon sa darating na Music Festival." Malumanay niyang sabi na maiintindihan nito. "Ah." Sagot niya.

Napabuntong hininga naman si Joan.
Mukang marami ang may ayaw sa musical play. "Sabihin niyo lang kung ayaw ninyo sumali!" Galit niya na talagang singhal. "Diba tutugtug naman sila Louise kasama ng banda niya?" Biglang sabat ni Augildo. Tumaas ang kilay ni Joan sa sinabi niya. "Banda ka ba?" Tanong niya dito. Nagkibit balikat naman siya.

"Ano?"

"Kami Pres. Sasali sa musical play."

"I really appreciate it. Thank you."

Tumingin sa iba. "Ano wala na ba? Sila lang ba ang may gusto?" Tanong niya sa buong klase. Nakayuko naman ang iba at nahihiya na sumagot.

Katahimikan.

*/Echhhk

Iniluwa si Miss Vivian sa pintuan. "Excuse me," putol niya sa'min. Tumingin sa bawat isa sa amin na sinuri ang bawat itsura, katawan, at  postura. "Okay, your section is the one who make the play." Sabi niya, kanya kanyang react ang mga kaklase namin. "Quite! I know all of you are members of Theater." Nanlaki ang mga mata nila. Nabunyag ang pinaka tatago nilang sikreto. Ang malala si Miss pa nakaalam. "Wala na kayong magagawa dahil napag-meetingan na namin kung sino ang mag perform sa Music Festival." Pagpapaliwanag niya sa aming lahat. "Bilang pakiki-isa na rin sa ating paaralan." Ngumiti si Miss at tumingin kay Joan. "Mauuna na 'ko, ikaw na bahala sa kanila" lumabas na ng room si Miss. May mga reaksiyon pa rin ang mga kaklase namin.

"Ano daw?" Kaklase naming lalaki na feeling pogi. "Manahimik ka nga Jefferson!" Saway sa kanya ni Angel.

"Sorry." Paumanhin nya.

"So, guys all of us are –" putol ng kaklase namin sa sasabihin niya. "Dead!" She took a deep breath. "Isa ka pa! Rylen." Napayuko naman ito tsaka muling humarap sa harapan.

Our Summer (Completed)Where stories live. Discover now