Chapter 31: Beautiful Goodbye

104 3 2
                                    

Joan's POV

MASAYA kaming nagpaalam sa pamilya ni kuya Alberto sa isla. Malapit na kami sa hotel ilang minuto na lang ay nakarating na kami. Alas sais na ng gabi nang makarating kami. Walang sinayang na oras ang bawat isa at kaagad na umakyat sa kwarto para makapag pahinga.

Nagpapahangin ako ngayon sa veranda. The place is so beautiful and I can't imagine to be here, it so amazing, I wish I can brought them all here. Na-miss ko na din sila. Then suddenly my eyes dropped a little bit of tears.

"Are you okay? Is there anything wrong? Problem?" Umiling lang ako ng umiling sa tanong niya.

Napasinghap ako ng hangin. "Tears of joy lang kasi ngayon ko lang ulit maramdaman ang ganitong klaseng kasiyahan."

"Me too, sis." I smiled while looking at the beautiful night sky. "This will be the precious moment together with friends. Sa tanang buhay ko ngayon lang ata ako ulit nakipagkaibigan dahil sa America puro spoiled brat ang mga bata, napaka seryuso kaya nakakatamad."

Natatawa ko siyang nilingon. "Parang hindi ka na nasanay sa mga 'yon." Patungkol sa mga kaklase niyang naikwento niya sa'kin sa New York university.

"As usual, walang kausap dahil hindi naman nila ako maintindihan kahit gumamit pa 'ko ng wika nila."

Sabay kaming natawa. "Do you like him?" I suddenly asked, out of the topic.

She's not look nervous or something startled. "I remembered him to my childhood friend because of the way he care for me, annoyed me and even his aura. Alam mo 'yon? Parang matagal ko na siyang kilala." Hindi na 'ko nagulat dahil ang tinutukoy niyang kababata niya ay nakakasama niya na ngayon, nakakausap, nakipag-asaran at higit sa lahat ay masyadong dikit sa isa't isa.

"Oo nga pala, diba sabi mo sa'kin sasabihin mo na kung sino yung kababata ko at kung sino yung may-ari ng umbrella na nasa bahay?" Naalala niya pa.

"Hey, speak up, I want to know who is he because it feels like na malapit lang siya sa'kin." Malapit lang siya talaga sa'yo, sis. Baka nga na sa tabi mo na eh hindi mo lang ramdam ang presensiya niya.

"I will tell you later after we go home."

"Eh, ngayon na. Bilis." Hays ang kulit.

"Malapit lang siya." Iyon lang ang sinabi ko pero Todo ngiti naman siya na animo'y kinikilig na inimagine ang mangyayari. Aish, love cannot found in magic. Napaka hopeless ko pagdating sa ganyang usapin. Sorry pero I don't believe in love for teenager like us.

I just want to finish study have a stable job. That's it.

I looked at my one glass of cold water. "Siguro gising na 'yon sila. Sabi idlip lang daw pero natulog." I stand and faced her. "Let's wake them up para makapag libot pa tayo dito isla, may alam akong bilihan ng souvenir." She chuckled as if na kinilig siya.

Ellaine nga naman, mahilig siya sa mga minimalist na item, I mean mga cute na produkto katulad ng notebook, pen, books, all necessary item found in study table. Lahat 'yon simple at cute dahil hindi siya mahilig sa masyadong ma-dark na kulay but she likes it too sometimes. She's different from what she is, sa personality niya, sa aura niya tuwing lalabas ng kanilang bahay. Mukhang masungit, maldita at weirdo na tao. Pero lahat ng 'yon ay kabaliktaran sa kung ano siya ngayon.

Dati pa man hindi na talaga siya mahilig sa mga bagay na nakapagsasakit sa ulo niya, minsan nga nahirapan siya magdesisyon sa gagawin niya kaya masyado siyang nag-ooverthink. Noon 'yon pero iba na siya ngayon, naging mas maingat na siyang magdesisyon, pinag-iisipan ng mabuti, kung hindi ko nga lang siya kilala ay baka napagkamalan ko na siyang spy sa kilos niya. Malayo sa batang nakilala ko sa ospital na masigla, palangiti at masayang bata.

Our Summer (Completed)Where stories live. Discover now