He will know the truth
After two days. Nakauwi na kami mama sa bahay. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari sa amin sa Central Resort. Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa tuwing makakasalubong namin silang dalawa ni mama sa resort. Impossible talaga na hindi, kasi iisa lang naman ang resorts. Since na enjoy si mama sa kanyang paglilibot, ako naman na puro tingin sa paligid namin para hanapin sila. Ang weird lang.
Flashback
"Where are we going now, mom?" Tinatamad na tanong ko matapos maupo sa bamboo chair.
"Wait. Let's go around there." Turo niya sa kumpulan na mga tao.
Anong meron? Omg! Why he wear like that? Patungkol ko doon kay Ellaine na sobrang sexy sa kanyang suot na bikini. I'm sure it's gonna make a trouble for the gaze of boys.
Hindi makakaligtas ng tingin ang kanyang suot. Kahit ako na babae ay naaakit sa napaka-sexy niyang katawan. Ngunit ang ipinagtataka ko, bakit parang namumutla siya, may nangyari ba?
Lumapit na rin ako kay mama para malaman kung ano ang nangyayari. May tinitingnan siya na lalaki na nakahiga sa buhanginan. May kumabog sa dibdib ko. Parang pamilyar sa akin yung suot niyang bracelet... Hindi ako puwedeng magkamali. Ito yung heart symbol na nakita ko sa kamay ni Garret. Omg! Nalunod ba siya? Kaagad akong kumilos para lapitan siya. Tinabig ko ang mga tao na nanonood lang sa nangyayari. Mga walang silbi! "Tabi!" Sigaw ko sa mga nakaharang. "Wait lang. Papunta na ang rescue." Nagtiimbagang ako sa sinabi ng isang babae.
"Anong wait lang?? E mamatay na siya kung hihintayin pa natin ang rescue." Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Ellaine sa balikat ko.
I looked at her with disbelief. How?
Paano nangyari ito?
I deeply let out my sigh.
Walang kung ano-ano na inilapit ko ang aking mukha sa kanya. Gamit ang aking bibig para i-mouth to mouth siya. Naramdaman ko ang malambit niyang labi, ang malamig, at basa niyang labi. Huminga ulit ako ng malalim tsaka ko siya ulit ni mouth to mouth. Hindi pa din siya gumagalaw kaya ginawa ko naman ang CPR sa kanya para bigyan ng pulso ang kanyang puso. Wala pa rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko hanggang sa bigla siyang napatayo at sumuka ng tubig. Nagulat ako nung una pero kaagad din akong napatayo at namalayan ko na lang na yakap na ako ni mama.
"You did a great job sweetheart." She said while hugging me with my tears are flowing..
Akala ko wala ng pag-asa na mabuhay siya. Salamat. Salamat.
"Salamat mom.." hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari.
Para akong binuhasan ng malamig na tubig matapos ko siyang tulungan. Tanaw ko na ang kanyang mukha na umiiyak din habang yakap yakap ni Ellaine. Umiiyak na rin siya mula pa kanina nang makita namin silang dalawa. I don't know the reason why..
Sandali... Parang may kakaiba sa nangyari. Bakit ang tagal dumating ng mga rescuers tapos hindi masyadong nag-aalala yung mga tao na nakikinood lang. Ang weird.
"Let's go."
Hinila na ako ni mama hanggang sa nakarating kami sa hotel nang hindi ko namamalayan. Para akong napagod ng buong araw kahit pamamasyal lang naman ang ginawa naming dalawa. Siguro dahil na rin sa nangyari kanina. I hope he's getting better now. Kung ano man ang napansin ko na kakaiba. Baka isip ko lang iyon. But one thing I'm sure is, he's a totally a gay. And really one hundred percent sure with that.
End of flashback
"Ayos ka na ba, anak?" Pag-aalala ni mama,
I smiled. "Kailangan ko lang po muna siguro magpahinga."
YOU ARE READING
Our Summer (Completed)
Teen FictionEllaine Relzt Saurez, a dedicated and passionate woman, lived in New York City due to car accidents and trauma with her past. After studying abroad, her family decided to go back to their hometown, Philippines. Living in faraway places, is to heal h...