Chapter 19: Concert

109 4 0
                                    


Ellaine's POV

Nagsama-sama kaming lahat sa stage at sabay sabay na yumuko.

*Round of applause*

Nagpalakpakan ang mga manonood sa amin, masayang tumingin sa amin ang aming adviser na si Miss Vivian. "Mahusay." Namalikmata ba ako? Pinuri niya kami. Hindi rin
makapaniwala sa nakita nila na ngumiti si Miss, for the first time.

"Maraming salamat po" nagsimula na kaming harangan ng kurtina na kulay pula. "Congratulations to all of you, especially with the two of you." Papuri ni sir sa dalawang bida ng kwento na sina Ally at Jeff. "Mahusay ang ipinakita ninyong dalawa na emosyon na mas lalong nakuha ang atensyon ng manonood. Ganoon din, maayos ang paglalahad ng tema, daloy ng kwento at ang buong kaisipan nito. Congratulations.." the professor said,

Kung nagulat ang iba naming mga kaklase mas nagulat kami sa ginawa niya, napa-wow na lang kami sa backstage. Pwede siyang maging isang artista dahil may angking talento siya rito. 

Napatingin ako sa kanya, si Rylen. Nakasalubong ko siyang pumasok kanina sa gate, sa may parking area at saktong walang tao ay kaagad ko siyang kinompronta, susunggaban niya sana ako ng kamao niya nang bigla kong hatakin ang braso niya dahilan para masubsob siya sa sahig.

"Anong karapatan mong saktan ako!" Nanggagalaiti sa galit. I smirked.

"You deserve what you get." Ngayon na  nakaganti na ako, pwede ko nang simulan ang mga katanungan ko sa kanya. "Bakit mo ginawa 'yon?" Seryuso ko na tanong sa kanya. Napaismid naman siya. "Pangalawa, anong ginagawa mo nung gabi na iyon doon?" Nakitang kong parang kinabahan siya.

May tumunog na pito malapit sa amin. Binitawan ko na siya, masama pa rin ang tingin niya sa akin. "I know you!" Sigaw niya na kaagad tumakbo sa loob ng campus. Anak ng!

Napabuntong hininga naman ako. Inabot din pala ng dalawamput minuto ang nasayang ko na oras sa kanya. Hindi man lang nagsalita ang loko.

*Prooot*

Napatingin ako sa tunog na nilikha nito. May isang guard na Ang palapit sa pwesto ko. "Miss may away daw dito?" Tanong niya, luminga sa paligid ko. "Wala naman po akong napansin." sagot ko na lang sa kanya, kaagad din naman siyang umalis at bumalik sa entrance.

Tiningnan niya ako ng masama at bumalik din siya sa pagiging isang inosenteng tao-- ordinary people. Tila parang isang muslit na bata siya kung makatingin sa buong paligid.

"Anong problema niya?" Napatingin ako kay Gwen, nag-angat naman siya ng tingin. "I have no clue." naisagot ko na lang sa tanong niya.

"Uy, ang galing mong um-acting, Ally. Napahanga mo ako!" Masayang ngumiti si Ally kay Joan. Hindi matawaran ang mga ngiti nito. Patuloy siyang pinupuri ng mga kaklase namin, kada oras at minuto siya ang bukangbibig ng mga tao dito sa auditorium room.

"Ally, you're so talented pala." Papuri rin sa kanya ng iba pa naming guro na nakapanood. "T-thank you po, Miss." Nailang na tumingin kay Miss.

"Good job, Ally, kyahhh!" Nakipag-apir siya sa kay Angel.

"May tinatago ka pa lang talento Ally." bulyaw pa ni Lomon sa kanya na natawa.

"Ikaw nga eh! Ang galing mo sumayaw." Pang-aasar naman sa kanya ni Angel.

"Oo nga! Saan mo nakuha yan." Si Hannah,

"Sa tabi-tabi lang po."

"Ah." Sabay kaming natawa sa asaran nilang dalawa.

"Elle, ang ganda pala ng boses mo, bawat bigkas mo ng salita tumatagos sa dibdib ko."

Our Summer (Completed)Where stories live. Discover now