NAGISING ako sa malakas na ingay mula sa itaas ng higaan ko. What's that noise? Dahan-dahan kong itinayo ang aking katawan at nagkusot pa ng mata. Asan na sila?
"Hey, where are you, guys?!" I shouted.
Kaagad na bumukas ang pinto ng kwarto at isinuka nito si Louise na bitbit ang kanyang maleta. "Gising ka na pala. Let's go?" he smiled.
Nagugulahan akong tumingin sa kanya. "Asan na sila? At bakit... Ikaw na lang nandito?" I asked, he immediately put down his baggage.
"Ah, nasa baba na sila. Kanina pa huminto ang barko at narito na tayo sa lugar." sabi niya na tila excited na makita ang kabuuan ng lugar.
"O-okay." Iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.
Lumabas na muna siya ng kwarto atsaka ako nagpalit ng damit. Mabilis na pagpapalit ang ginawa ko at nag re touch ng make up. Kinuha ko na din ang bagahe ko na katabi ng hinigaan ko. Hindi ako hinintay! Nahh
"Ellaine? Tara na. Nag-aantay na sila sa baba." Sigaw ni Louise sa labas. Mabilis na kumilos ang katawan ko at binuksan ang pintuan. "Oo na." reklamo ko sa kanya. Naubusan ng pasensiya.
Naglakad na kami pababa ng barko. Tanaw ko pa ang karagatan mula rito pero wala na ang pakiramdam na kakaiba katulad ng kanina na nasa gitna pa kami ng dagat.
Nakita ko na sila na nag-aantay sa ilalim ng puno ng niyog na ginawa nilang silungan. Matapos makalapit sa kanila ay nagtuloy na kami sa hotel na tutuluyan naming lima. Kasama din namin si Kuya Alberto na siyang nagpakilala sa amin. Nagulat ako dahil isa-isa nila kaming binati ngunit naagaw ko ang atensyon ng lahat nang ipinakilala akong anak ni Mommy. Anong meron? Kanina pa kasi sila nagbubulungan na nakatingin pa sa'kin.
"Good afternoon po, mam, tuloy po kayo." magalang nitong pagbati.
Bumati rin ako sa kanya.
Nagtuloy na kami sa information desk para magpa-book ng schedule kung hanggang kailan kami rito. Matapos makapag schedule ay kaagad kaming dinala ng receptionist sa aming kwarto. Hindi na kami nagtaka kung bakit sa iisang kwarto lang kami magsasama-sama dahil wala na raw silang ibang room na available.
"Subukan niyo lang mambuso!, lagot talaga kayo sa'kin!!" reklamo ni Joan sa kanilang dalawa. "Makakatikim kayo ng sikmura sa akin!" Masamang tingin niya kina Louise at Lomon.
"A-Anong hoy! Hindi ah. Kapal." mabilis na kumilos si Joan para pingutin ang tainga ni Lomon.
"Sasagot ka pa, ah."
"HAHAHHA!" Natawa lang si Louise sa kanila pero pinandilatan rin siya ni Joan kaya napatahimik siya bigla.
"Tara na. Subukan lang talaga nila kung ayaw nilang mamatay ng maaga."
Pumasok na kami sa loob. Maluwag ang kwarto at mas malaki pa ito sa classroom namen sa school. Mayroon din itong kusina, bathroom, balcony na tanaw ang malawak na sakop ng dagat sa lugar at may dalawang kwarto.
"Woah. Sobrang ganda." I know. Hindi lang ako ang namangha sa kwartong ito pa rin sila. Mas mabilis pa sa kidlat na naglikot ang dalawang babae na nagtatalon-talon sa sala.
Napagdesyunan namin na sa isang kwarto na kami magsasama-sama, kaming mga babae. At sa isang kwarto naman ang mga lalaki. Pagkapasok ng kwarto ay kaagad akong sumalampak sa aking higaan. Sa isang kwarto may tatlong bedroom kaya hindi na kailangan pang magtabi-tabi.
Nahiga kaagad ako sa higaan ko. Sa bandang kaliwa ang napili kong pwesto.
"Matutulog ka uli?" Joan asked.
YOU ARE READING
Our Summer (Completed)
Teen FictionEllaine Relzt Saurez, a dedicated and passionate woman, lived in New York City due to car accidents and trauma with her past. After studying abroad, her family decided to go back to their hometown, Philippines. Living in faraway places, is to heal h...