Chapter 19

8.7K 218 6
                                    


Yuki pov...



Nako nako, late na naman ako lagi na lang!!! kasalanan to nila kuya. Hindi na naman ako ginising. 


Pagpasok ng pagpasok ko ng gate naririnig ko mga tilian ng mga babae, hay nako bakit kase ang tagal ni ate bumalik edi sana walang tumitili ngayon, takot lang nila kay ate hahaha ayaw na ayaw pa naman nun ng maingay. 



Habang nag lalakad ako palakas ng palakas yung tili nila, it's means malapit lang ako sa mga babae kaya  Na curius ako kung ano tinitilian nila, pag tingin ko kung ano...Nak ng teteng talaga akala ko naman may kpop na dito, yun pala yung black gang lang kaya umalis na ako sa mga babae nagkukumpulan at dumirecho ng room.



Pagkaupo ng pagkaupo ko sa upuan ko naririnig ko mga katabi ko nag uusap..



"Guys alam nyo na ba na may bago tayong classmate"



"Oo alam namin"



"Sino kaya yung bago nating classmate sabi nila lalake daw"



"Oo boy daw sana pogi para may pogi naman sa section na to"



Napapaisip tuloy ako sa kanila pumapasok ba sila para mag aral o para makakita ng gwapo -,- maya maya lang  pumasok na yung prof. namin buti naman hindi sya late. 



"Class alam nyo na ba may bago kayong classmate?" Tanong samin ng prof.




"Opo sir lalake daw?" sabi ni hanna. Kilala nyo pa ba si hanna? Kung nakalimutan nyo basahin nyo sa chapter 1 hehe



"Oo lalake, kayo talaga girls alam na alam nyo agad o sige pasok ka na charles " pagkasabi ni sir na pasok na. may pumasok na lalaki na matangkad malaki katawan  ang ganda ng buhok parang kpop tapos gwapo O.O


"I'm charles kim " sabay ngiti na pang killer smile 0.0



muka syang koreano, pero ang pure nya magsalita ng tagalog



Pagkasabi ng pangalan nya nag tilian yung mga girls, grabe talaga tong mga to kung makatili.




"Sige charles dun ka sa tabi ni Ms. Fuentes" omg omg talagang itatabi sya sakin ni sir may gwapo na din akong katabi huhu, mag aaral talaga ako sa subject mo

Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon