Yuki pov..
Nandito ako sa may kwarto nakahiga habang Nag mumuni muni, Habang nag mumuni muni ako may kumatok sa kwarto ko kaya dali dali ako tumayo at binuksan ang pinto.
Pag bukas ko ng pinto nakita ko nandun yung pamilya ko pati yung black gang .
"Ano problema?" Tanong ko sa kanila pero imbis na sumagot sila tuloy tuloy lang sila sa kwarto ko at isa isa umupo sa kama ko
"Baby girl bakit mo ginawa yun sa kanya" mahinahong sabi ni dad
"Because he's jerk" galit ko pa ding sabi
"Paliwanag mo baby girl" sabi naman ni kuya jake
"Oo nga grabe natakot kame sayo" sabi ni sky kaya napatingin ako sa kanya
"Oo na, oo na papaliwang ko na. sabi nya sakin pwede daw ba ako maging girlfriend nya itatago nya lang daw pag naging girlfriend nya ako kaya yun nag init ulo ko tapos binalaan ko sya na wag syang lalapit pero lumapit sya kaya ayun nagdilim paningin ko"
"Sabi ko na nga ba eh. May pag nanasa sayo yun kanina ko pa rin yun napapansin tingin ng tingin sayo" sabi ni kuya blake
"sorry ate pero hindi ko ginusto ipanganak na ma appeal bwahahahahha" malakas kong tawa pero pag tingin ko sa mga muka naka poker face
"Whoooo hangin" poker face na sabi ni kuya blake
"Grabe lamig" singit naman ni kuya jake
"Pakisara nga yung bintana may pumapasok na hangin" sabi naman ni ken
"May ipo ipo bang dumaan?" cj
"Grabe yabang hahaha" lerk
"kaya kita love eh" sky
Inambahan ko sila ng suntok kaya nagsitahimik na sila kaka angal hahaha
"Sa susunod baby girl control your emotion, hindi maganda ang ganyang ugali padalos dalos" mahinahong sabi ni mom
"okay po mom, sorry po" nakayuko kong sabi
"ate hanap ka na lang ng iba kalimutan mo na yung pagmamahal mo sa kanya" seryoso kong sabi pero bigla lang sya tumawa kaya lahat kame napatingin na sa kanya "ate nababaliw ka na ba?" Tanong ko
"pano kase hahahahahaha ano ahahahaha sinasabi mong mahal hahahahaha grabe best joke ever hahahahahah" sabi nya habang maglumpasay na sya sa kama kakatawa
"hindi ba ate mahal mo sya?"
"Hell no yung babaero na yun, mangarap sya, may taste ako sa lalake no"
"Bakit mo sya naging boyfried kong hindi mo sya mahal" tanong naman ni kuya blake
"Wala lang bored kase ako sa US kaya sinagot ko sya saka alam ko na din na, na love at first sight sayo yun akalain nyo ba naman tanong ng tanong tungkol sayo kaya naghinala na ako"
"Wahhhhh ate ang bad mo malungkot pa naman ako kase baka nasaktan kita ayun pala hindi tuwang tuwa ka pa pala sa mga nangyayari" sabi ko sa kanya at pinag babato ko sya ng unan
"Hahaha ayun naman pala sige alis na tayo sa kwarto ni baby girl masyado ng gabi at kayo boys dito na kayo matulog tutal wala naman kayong pasok, yung dad nyo na bahala sa maki na yun mukang buhay pa naman daw" sabi samin ni mom at nag si alisan na nga sila pero bago lumabas si sky may binulong muna sya sakin
"mahal tulog na good night i love you" omy wahhhh bakit kinikilig ako wahhhh as in MAHAL talaga i wanna scream pero baka mahalata ako kinilig kaya kinuha ko yung unan at tinakip ko sa muka ko saka ako tumili ng tumili nung napagod na ako umayos ako ng higa pero bakit nag fla-flashback pa rin.
Mahal tulog na good night i love you
Mahal tulog na good night i love you
Mahal tulog na good night i love you
Mahal tulog na good night i love you
Wahhhh bakit paulit ulit ko naririnig yung sinabi sakin ni sky nababaliw na yata ako hmmmp makatulog na nga lang...... pero makalipas ng 1 2 3 4 hrs hindi pa rin ako makatulog wahhhh time check 3:00 am na may naalala tuloy ako nung nakita ko yung oras may kinuwento kasi sakin si mom na naglalabasan yung mga masasamang espirito pag patak ng alas tressss huhuhuhu yuki mae fuentes tulog na tulog na
Kaso bigla akong nauhaw kaya naisipan kong pumunta ng kusina 3:02 na rin naman e. Ang sabi lang ni mom 3:00 am nagpapakita kaya wala ng multo dahan dahan kong binuksan ang pinto at patakbong bumaba ng hagdan,
nung makarating na ako ng kusina may narinig akong kaluskus wahhhh sino kaya yun, kaya dali dali ako nagsalin ng tubig sa baso at tinungga ko kaagad tatakbo sana ako papunta sa kwarto kaso may nakita akong parang korte ng tao sa harap ng kusina kaya napapikit ako huhuhu ayoko na talaga mag puyat T.T pero nagulat ako ng hawakan nya ako
"Wahhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko napaupo pa ako at pumikit para hindi ko makita yung muka ng multo
"bakit ka sumisigaw" nagulat ako nung nag salita yung mumu. nag sasalita pala yung mumu kaya binuksan ko yung isa kong mata at tiningnan kung sino yung nasa harap ko nagulat ako nung nakita ko si sky
"ikaw lang pala Hehe akala ko multo whooo natakot ako dun ah"
"Bakit gising ka pa?" Tanong nya sakin habang naglalagay sya ng tubig dun sa baso pinag inuman ko kanina. Hindi ba sya magtatanong kung kanino yung bigla nya na lang ininuman
"Kase nauhaw ako hehe"
"sige halika na akyat ka na sa kwarto mo hatid kita" at umakyat na nga kame sa taas nung nasa tapat na kame ng kwarto ko nag paalam na sya
"T-teka" sabi ko at huminto naman sya at bumalik sa harap ko
"G-good n-night" syeyt bat ba ako nauutal at kinakabahan hindi naman ako ganito pag kausap ko sya
"good night ulit mahal" sabi nya at pinitik nya ako sa noo.
"Mukang hindi ka pa natutulog ah kinilig ka ba sa bago kong tawag sayo?" hindi ko na sya pinansin at dali dali pumasok sa kwarto ko
Continueeee....
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)
ActieAno ba Expectation nyo sa isang Queen ng Gangster? Mature mag isip? tahimik? busy na tao? lagi may kaaway? Stressful dahil sa Responsibilidad? Bugnutin? madali uminit ang ulo? Well isa akong Queen ng Gangster pero isa sa mga nabanggit hindi ko ugal...