Yuki pov.
Nandito ako sa kwarto kakatapos ko lang gumawa ng assignment, kahit biyernes ngayon ginawa ko na lahat ng assignment ko para hayahay ako sa weekend
"hindi ko alam kung ano gagawin ko I'm so fucking bored" bulong ko sa sarili ko habang nakahiga ako
"manggulo na lang kaya ako kila kuya oo tama tama" at tumayo na nga ako para pumunta sa kwarto ng mga kuya ko.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng narinig ko silang nag uusap
"Hoy jake magbihis ka tumawag sakin si ken kita kita daw tayo sa bar" sabi ni kuya blake
"Oo na, Ilang bwan na din ako hindi nakakapunta ng bar" sabi naman ni kuya jake. Binuksan ko na yung pinto at pumasok sa kwarto nila
"Kuya sama ako" sabi ko sa kanila
"Oh nandito ka pala" gulat na sabi ni kuya blake habang nagbibihis sya
"Bawal bata dun" sabi naman ni kuya jake
"Hindi na ako bata 18 na ako" sigaw ko sa kanila
"Pero hindi ka nga pwede sumama kasi pang adult lang yun marami kang makikitang kalaswaan dun" paliwanag naman ni kuya blake
"Alam ko! pero gusto ko pa rin sumama sa ayaw at sa gusto nyo"
"Bakit pag hindi ka ba namin sinama magsusumbong ka kila dad and mom" sagot ni kuya jake
"wala kaya sila dito remember tatlong araw sila sa california tapos si ate nasa japan para sa photo shoot kaya tayo lang tatlo ang nandito" sabi ko sa kanila
"Yun naman pala eh, Hindi ka sasama at kami masusunod dito kase kame ang kuya mo" sabi ni kuya jake. As if naman na susunod ako sa kanila
"Hindi ako susunod!!! pag hindi nyo ako sinama hindi rin kayo aalis" pasigaw kong sabi
"Stop being childish or brat" Sabi ni kuya blake
"aalis kame at maiiwan ka dito ayun yung final" sabi ni kuya jake
"Hindeeee! Hindi kayo aalis, remember lang mga kuya Queen ako, Prince lang kayo sa tingin nyo mapapahamak ako sa bar" Mataray kong sagot
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)
ActionAno ba Expectation nyo sa isang Queen ng Gangster? Mature mag isip? tahimik? busy na tao? lagi may kaaway? Stressful dahil sa Responsibilidad? Bugnutin? madali uminit ang ulo? Well isa akong Queen ng Gangster pero isa sa mga nabanggit hindi ko ugal...