Chapter 14

9K 259 6
                                    

Yuki pov.


tatlong araw na nakakalipas simula nung nakipag landian si sky sa nurse na yun, hindi ko sya pinapansin kahit tawag sya ng tawag sakin. nakakainis kaya yung ganon ano sya chiks para patawarin ko kaagad at sa tatlong araw na yun nandito pa rin sila sa hospital binabantayan ko, lagi ako sinusubukan kausapin ni sky pero hindi  ko talaga sya pinapansin, nagsasawa na ako sa hospital :<




"baby girl nagugutom na ako pa deliver ka nga ng pizza para sa amin" sabi sakin ni kuya blake




"oo nga yuki gutom na kame advance salamat" singit naman ni ken




"hoy hindi ako pumupunta dito para lang maging utusan nyo, saka magagaling na kayo bukas nga pwede na kayo lumabas eh" mataray kong sabi sa kanila




"Dali na baby girl promise pag labas ko dito ililibre kita ng chocolate na imported" suhol sakin ni kuya blake, dahil wala naman din ako ginagawa sinunod ko na utos nila hehe sayang din yung chocolate na ibibigay nya.





"wait pag iisipan ko muna ...... sige na nga ano bang flavor ng pizza" sabi ko sa kanila kahit payag na payag naman talaga ako nagpakipot lang.



"kahit ano na lang baby girl" nakangiting sabi sakin ni kuya





nandito na ako sa school sa wakas nakapasok din, namis ko mag aral hahahaha kung itatanong nyo sila. nako pumapasok na din baka daw mamiss na sila ng mga chiks nila, nandito ako sa cafeteria kakatapos ko lang pumunta sa library para sulatin ang mga lecture namin.




"kakagutom naman san kaya si blezy namis ko din yun no" bulong ko sa sarili ko namimis ko din bonding namin




habang naghahanap ako ng pwesto may nakita ako nagtatakbuhan sa field. syempre dahil may pagka chismosa ako nilapag ko muna sa table yung bag ko pati yung food ko para malaman nila may nagkaupo na sa table na yun hihi, nakitakbo na rin ako sa mga tumatakbo hanggang sa narating ko na ang field, hindi ko makita yung tinitingnan nila ang daming tao eh saka ang liit ko kaya nag tanong na lang ako sa babae .




"Miss ano meron bat ang daming tao ?" curius kong tanong




"may binubully kase dun kilala mo sila angel? sikat na bully dito yun at feeling nila sila ang reyna dito kaya lakas ng loob mambully at walang sinisino yun kase gangster daw yung mga yun kaya kung sino yung kursunada nila binubully nila" mahabang paliwanag nya sakin. nako grabe pa lang ibang gangster dito ginagamit nila lakas nila para makapanakit ng tao, itotopic ko nga to pag nag meeting kame.





"hindi halatang chismosa ka ah hahahahaha hindi talaga" ngiting sabi ko na lang sa kanila




dahil nga na curius ako kung sino binubully nila kaya nakipag siksikan ako sa mga nandodoon at nanlaki mata ko kung sino ang binubully si blezy ang kaibigan kong nerd na may gusto kay kuya jake, may halong awa at galit nung nakita ko si blezy pano ba naman kase nakahiga na si blezzy dahil pinag sisipa sya tapos yung damit nya may mga spaghetti na halatang sinadyang tapunan tapos yung ulo naman nya may chocolate shake halatang shake kase may mga malilit pang yelo sa ulo nya dahil hindi na ako nakapag pigil lumapit ako kay blezy at tinayo ko sya para alisin sa lugar na yun .




"hoy babae san mo balak dalhin yang pangit na yan hindi pa kame tapos" sabi ng babae na parang leader sa kanila




"wala kang pake" sabi ko sa kanila with cold voice





Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon