Blake pov."ano na kase name mo bakit ayaw mo sabihin sakin?" Tanong ko sa babaeng nakilala ko sa car racing yung babaeng masungit
"Bakit ang kulit mo" sabi nya sakin habang kumakain sa cafeteria
"Sabihin mo lang sakin ano pangalan mo aalis na ako" nakangiti kong sabi sa kanya
"I'm princess nasabi ko na umalis ka na"
"Full name" sabi ko sa kanya habang tinataas baba ko yung kilay ko
"Princess ventura"
"Huh? Talaga? Ventura ka kaano ano mo si sky?"
"Pinsan ko"
"Wow! Letcheng sky to hindi sinasabi na may pinsan na maganda yari sakin yun mamaya"
"Ikaw sino ka naman?"
"Nagpakilala na ako hindi mo natandaan pero btw. Ako si blake Fuentes ang pinaka gwapo sa school"
"So ikaw pala yung kambal ni jake?"
"Oo hindi nga lang halata kase mas gwapo ako sa ugok na yun! At kilala mo pala sya tapos ako hindi pucha ang sakit"
"Oa!"
"Wait pano mo naman sya nakilala don't tell me crush mo sya"
"Hahaha! Oo bakit may reklamo ka dun?"
"Lord bakit mo naman ginagawa sakin to karibal ko pa yung kakambal ko bakit lord mabait naman ako ah!" Bulong ko sa sarili ko
"alibadbaran ako sa muka lumayas ka na nga" sigaw nya sakin kaya lumayas na ako pupunta ako sa tambayan magtutuos kame ni jake
Pagpunta ko sa tambayan ang daming tao nandodun yung buong black gang tapos nandodun din sila yuki charles sofia at blezy.
"Hoy jake magusap tayo" sabi ko saka ako umupo sa harap nya
Yuki pov.
"Hoy jake mag usap tayo" sigaw ni kuya blake kay jake
"Ano pag uusapan natin?" Tanong naman ni kuya jake na halatang naguguluhan
"Kilala mo ba si princess ventura"
"Oo bakit?" Tanong naman ni kuya jake
"May relasyon ba kayo o something" diretsong tanong ni kuya blake kay kuya jake kaya napatingin ako kay blezy nakita ko syang nakatitig kay jake
"gago! Wala"
"Wew sabihin mo sakin yung totoo"
"Wala nga"
"Ano ba jake, yung totoo"
"Tangina wala nga ang kulit mo hindi ko sya type" sigaw ni kuya jake na halatang galit na
"Pero ba---" hindi ko na pinatapos si kuya blake mag salita Kase sumabat na ako
"Ang kulit mo kuya blake may girlfriend yan si kuya jake kinukulit mo. hindi mo ba alam na nasasaktan si blezy sa mga bintang mo" tuloy tuloy kong sabi
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (COMPLETE)
AzioneAno ba Expectation nyo sa isang Queen ng Gangster? Mature mag isip? tahimik? busy na tao? lagi may kaaway? Stressful dahil sa Responsibilidad? Bugnutin? madali uminit ang ulo? Well isa akong Queen ng Gangster pero isa sa mga nabanggit hindi ko ugal...