Chapter 2.3

277 5 1
                                    

SA PINAKAMATAAS na floor ay ibang-iba. Hila ni Rafael ang palapulsuhan ko nang lumabas kami ng elevator. Sobrang tahimik at medyo madilim dito. Iisa lamang ang pintuan.

"Dito ba ang opisina mo?" usisa ko.

"Hindi. This is my penthouse," sagot niya. May pinindot siyang numero at tumunog ang pinto. Itinulak niya iyon at nasamyo ko agad ang mabangong amoy ng bagong tanim na damo.

Napapikit ako nang hindi sinasadya. Naalala ko ang amoy ng bagong tanim na palay. Ang pag-ihip ng hangin, ang tunog mula sa mga patubigan, at ang mga kantang nagmumula sa de-bateryang radyo kapag anihan. Tila dinala rito sa Manila, dito sa bahay ni Rafael.

Pagmulat ko ay nasalubong ko ang mga mata ni Rafael. Nakatitig pala siya sa akin. Mayroon akong nahuling pilyong ngiti mula sa kaniya na pilit niyang itinago agad.

Hindi ko rin napigilan ang mapangiti. "Naalala ko ang bukid," sabi ko.

"I know," he said. Tumalikod siya at naunang pumasok sa loob.

Hindi ako agad kumilos. "Teka. Puwede ba 'kong pumasok?" nahihiyang tanong ko. Nakapaa lamang ako. Hindi ko rin maintindihan ang ayos ko. Nakakahiyang umapak sa mukhang mamahalin niyang carpeted floor.

"Please..." Iginalaw niya ang ulo at nagbigay ng napakalaking espasyo. Sabagay, kahit hindi siya magbigay, malaki talaga ang espasyo rito sa loob.

Gumala agad ang mga mata ko. Panlalaki ang kulay ng mga gamit niya. Abo, itim, at kaunting puti sa bawat muwebles. Halatang mamahalin ang mga gamit at siguradong kilala ang arkitekto maging ang designer ng penthouse. Dito rin kaya nakatira noon iyong kinakasama niya? Pumait bigla ang laway ko.

"Anong gusto mo? Coffee, tea... wine?" tanong niya. Nakatingin ako sa isang malaking painting ng peacock. Ang husay ng pagkakapinta ng iba't-ibang kulay ng buntot nito.

"Wine," tugon ko at saka siya nilingon. Huling-huli ko ang mga mata niyang nasa legs ko. Napahawak tuloy ako sa likod ng maikling bestidang suot ko.

Tumalikod siya at narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko alam na may pagkapilyo ang isang ito. Nalimutan kong ang mga katulad niya ay pilyo nga pala pagdating sa mga babae!

Iniabot niya sa akin ang kopita kapalit ng pagkuha niya sa bitbit kong sapatos. Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang sumagi ang daliri niya sa kamay ko. Mabilis kong ipinatong ang bag sa ibabaw ng center table saka agad na ininom ang wine. Mas masarap iyon kaysa iyong ibinigay sa akin ng waiter kanina. Hindi siya umupo kaya nakatayo rin ako nang inumin ko iyon.

"More?" tanong niya. Nasaid ko kasi agad ang ibinigay niya. Kanina pa talaga nanunuyo ang lalamunan ko. Tumango ako at inilapit sa kaniya ang baso. Nakatitig siya sa akin habang dahan-dahang nagsasalin. Mga titig na para bang ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya ngayon.

Wait! Ako lang ang babae rito sa loob ng bahay niya. Ganyan ba siyang tumingin kapag nanunukso siya? Kailangan kong umalis agad dito.

Inubos ko ulit ang laman ng baso. Tumikhim ako. "Thank you. Hindi naman siguro ako malalasing sa dalawang baso lang, 'di ba?" pabiro kong tanong.

Nagkibit-balikat si Rafael. Kinuha niya ang baso sa kamay ko at inilapag iyon sa center table.

"No need to worry, Maze. My house is big and I have spare rooms..." Humakbang siya palapit sa akin. "Kung malasing ka, puwede ka sa kuwarto ko... at mahiga sa kama ko."

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon