Chapter 8.3

227 4 1
                                    

"Huli ka!" Napapitlag ako nang bigla akong yakapin ni Rafael mula sa aking likuran.
"Ano ka ba, Rafael! Tumutusok 'yong ano mo!" singhal ko sa kaniya.
"Ikaw kasi. Ang ganda-ganda mo. Ang kinis mo pa. Ayaw na tuloy lumambot," biro niya na may halong katotohanan.
Pinamulahan ako ng pisngi. Iyong madikit ako sa katawan niya nang ganito ay tila nakapapaso na. Ngayong wala pa siyang damit, siguradong ikatlong antas ng pagkapaso na!
Iniharap ako ni Rafael sa kaniya. Sinasadya talaga niyang idikit ang naninigas niyang pagkalalaki sa harapan ko. Wala pa naman akong suot na panloob.
Mabilis na hinalikan ni Rafael ang labi ko habang yakap niya ang aking balakang. Inirapan ko siya pagkatapos ngunit hinalikan niya ulit ako. Pinalo ko ang dibdib niya. Sobrang hindi ako makalma dahil sa kumikislot na iyon sa pagitan namin.
"Alam mo bang... ang saya ko?" sambit niya. Hindi nga mapilas ang kaniyang ngisi. Ngayon ko lang nakita ang bahaging ito ni Rafael. Iyong para siyang bata, mapaglaro, at nakatawa maging ang kaniyang mga mata.
"Halata nga," sabi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya.
Ang tagal niyang tinititigan ang mukha ko habang nakangiti pa rin. Sinamantala ko rin iyon upang pagmasdan siya nang ganito kalapit. Sobrang guwapo ni Rafael. Walang taghiyawat maski isa. Mapagkakamalan siyang mayaman o modelo imbes na probinsiyano kung hindi siya kilala. Kaya niya nabihag iyong biyudang iyon. Sa kaniya lamang siya nagkaroon ng tunay na relasyon. At ayaw na niya pagkatapos no'n.
"Kailan ka magsisimula sa trabaho?" malambing niyang tanong.
Sinabi ko na iyon sa kaniya kanina pero inulit ko pa rin. "Kapag naayos ko na ang mga requirements ko, maaari na raw akong magsimula, Rafael."
Tumango siya. "Can you... uhm..." Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Parang tinatantiya muna ako sa sasabihin niya. "Can you come to my place?" nahihiyang tanong niya. Pumula ang kaniyang pisngi.
Lumunok ako. Alam ko kung ano ang nasasaisip niya ngunit tumango pa rin ako.
"Tomorrow night?" Rafael asked.
"Sige," tugon ko.
"Kung may dala lang akong condom–"
Tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya. "Oo na, Oo na! Magtigil ka na!" bulalas ko.
Rafael smiled and took my hand, kissing my knuckles. "I need to go, Maze," he said sadly without breaking eye contact.
Malungkot din akong ngumiti sa kaniya at saka tumango. "Naiintindihan ko. Masyado nang malalim ang gabi. May pasok ka pa bukas. Importanteng naroon ka sa hotel."
Huminga siya nang malalim at saka niya ako binitiwan. Paatras siyang humakbang bago tinungo ang silid ko para magbihis. Iyong panloob niyang t-shirt na lang ang isinuot niya saka nagpantalon at hinayaan ang polo sa akin.
Ilang sandali lang ay nagpapaalam na si Rafael at hinagkan ang labi ko nang napakatagal. Hindi na niya ako hinayaan na ihatid siya sa labas dahil sa ayos ko.
Nang makalayo ang sasakyan ni Rafael ay bumalik ako sa kusina upang iligpit ang mga pagkaing hindi nagalaw. Alam kong ibig pa niyang magtagal ngunit alam ko rin na hindi na nararapat dahil labis na ang pagpipigil niya. Katulad ko, baka habang nakapasok siya ay hindi na namin mamalayan ang lahat.
Hindi ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Rafael. Marami agad akong natutunan mula sa kaniya. At lahat ng iyon ay naganap sa unang gabi pa lamang.

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon