Chapter 3.3

316 6 1
                                    

BUMALIK si Rafael na bahagya na akong nahihimasmasan. Tumayo ako upang salubungin siya at upang magpaalam na rin. Ang malaking bahay niya ay hindi sapat upang makahinga ako ng maluwag. Masikip ang lugar na ito para sa aming dalawa. Lalo na kapag nakikita ko ang labi niya na tinikman ang basong ininuman ko kanina, at parang gusto ko na rin siyang tikman.

I have to go.

"Kinausap ko si Mrs. Bith," aniya. "Siya ang Manager dito sa hotel. Meet her tomorrow."

Lumiwanag ang mga mata ko. "T-Talaga?"

Tumango siya. "But I can't promise you anything, yet. Hindi ko pinangungunahan ang desisyon sa pagpili ng mga tao. Lahat ay dumadaan sa tamang proseso. I'm sorry kung ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon..."

"Rafael..." Pinutol ko siya sa ano man na sasabihin pa niya. "Malaking tulong na ito para sa akin." Sinsero ang ngiting ipinukol ko sa kaniya. "Thank you."

Bahagyang umawang ang labi niya na tila may ibig sabihin. Ilang segundo akong naghintay pero wala siyang sinabi. Sa halip ay parang kinakabisa niya ang hitsura ko sa kakaibang pagtitig niya sa akin.

"I... I have to go, Rafael." Ako na ang pumutol sa katahimikan.

Tumango siya at nakita kong kinagat niya ang kaniyang labi. Umiwas agad ako ng tingin bago pa ako matulirong muli.

Binilisan ko ang pagsuot ng sapatos lalo na at pakiramdam ko ay nanonood siya.
Inayos ko ang sarili at naghanda nang umalis. Tinungo ko ang pintuan at saka ko siya nilingon.

Magkikita pa ba kaming muli? Ito na ba ang huli? Parang may tinik sa paghinga ko nang ngitian ko siya.

Hindi ko na hinintay ang kaniyang reaksiyon. Halos takbuhin ko ang patungong elevator. Pinindot ko iyon at nang magsara ay muli kong dinama ang dibdib ko. Singbilis ng nagtatakbuhang kabayo ang tibok nito.

Sa akin nakatutok ang tingin ng guwardiya nang tunguhin ko ang exit ng hotel. Napansin kong may niyukuran ito sa likuran ko. Muntik na akong mapatalon nang may humawak sa aking siko.

"Rafael!"

Tila musika sa aking pandinig ang naging pagtawa niya. "Ganoon ba ako nakagugulat?" tanong niya.

Inirapan ko siya. "Bigla ka kasing nanghahawak."

Nagdikit ang labi niya at inulit ang pag-alalay sa siko ko. "Don't trip again," he whispered.

"Huh?"

"Ihahatid na kita," seryosong sabi niya.

Nataranta ako. "H-Hindi na. Kaya kong umuwi."

"Tinanggihan mo ang pagtulong ko. Pati ba ang paghahatid ko sa 'yo ay tatanggihan mo rin?"

Hindi ako nakakibo.

"Let's go," aniya. Ang daming mga matang pakiramdam ko'y pinapana na ako.

Magara ang sasakyan ni Rafael. Parang sport's car. Hindi ko alam dahil wala naman akong nalalaman tungkol sa kotse. Mabango, malinis, at amoy Rafael ang loob. Ilang babae na kaya ang naisakay niya rito?

"Malapit lang naman ang apartment ko rito," sabi ko habang isinusuot ang seat belt.

"Alam ko," sabi niyang nakangisi.

"Alam mo?" takang tanong ko.

Ngumuso siya at saka binuhay ang makina. Parang panaginip na katabi ko siya ngayon, na nakikita ko ang mga muscle niya habang nagmamaneho, na naaamoy ko ang bango niya ng ganito kalapit. Noong kami pa ni Toby, hinding-hindi ako tatabi ng ganito kalapit kay Rafael.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang tapat ng apartment ko. Hindi ako makapaniwala na alam nga niya kung saan ang lugar na ito.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" usisa ko habang nagpa-park siya.

"I know so much about you, Maze." Makahulugan ang naging tingin niya sa 'kin.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagpasalamat ako sa kaniya. Tumango lang siya habang hindi nawawala ang pilyong ngiti sa labi.

Malayo na ang magarang kotse nang mapamura ako sa isip ko. Mapanganib ang mga tingin at ngisi ni Rafael, sigurado ako. Pero hindi ako aatras. Kailangan ko 'to. Siya ang susi sa muli naming paghaharap ni Toby.

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon