Chapter 5.3

245 2 1
                                    

Ang manipis na hangin sa pagitan naming dalawa ay mas numipis pa dahil sa kaniyang paghakbang palapit.

"Your schedule for the interview is tomorrow..." he explained.

Napasinghap ako nang mabasa ang tarheta. Nakasulat doon ang pangalan ng isang malaking kumpanya na kilala sa buong Pilipinas. Ayaw kong isipin na dahil lang ito kay Toby. Na tinutulungan niya ako dahil sa pagkakaibigan nila. Na nakonsensiya lang siya dahil sa paghihiwalay namin kagabi. Pero iyong pagsisikap para hanapan ako ng mapapasukan, iyong pumarito pa siya sa dami ng ginagawa niya sa hotel... This man!

Rafael sighed, "I'm sorry about last night, Maze."

Nag-angat ako ng ulo upang salubungin ang mga tingin ni Rafael. "Ako ang dapat magsabi niyan."

Nagdikit ang mga kilay niya. "Last night... Why–?" He paused.

Why? Why what?

Nakalilito ang simpleng tanong na iyon. Ano ang gusto niyang malaman sa tanong niyang iyon?
Bakit ko sinabi ang mga nasabi ko kagabi? Bakit ako biglang umalis? Bakit magulo ang utak ko? Bakit ako tumakbo samantalang ako naman ang lumapit sa kaniya?

"Ang totoo, Maze... buong gabing hindi ako pinatulog ng mga tanong mo..." wika niya.

Ilang dipa na lamang ang layo ni Rafael sa akin. Tinitingala ko siya. Nalalanghap ko ang bango niya. At naiinis ako dahil sumasagot ang katawan ko. Ramdam ko ang paninigas ng mga korona sa dibdib ko, maging ang kakaibang init sa pagitan ng mga hita ko. Isang hakbang pa at baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili.

"Gusto kong sagutin ang lahat ng iyon..." patuloy ni Rafael.

Lumunok ako nang ilang ulit. Dumadagundong ang ingay sa loob ng dibdib ko. Isang parte sa akin ang nagsasabing tumakbo at isang parte ang nag-uutos na manatili sa kinatatayuan. Ano ang mas matimbang? Ano ang susundin ko?

Umangat ang kaniyang kamay at dumapo sa aking pisngi. He's unbelievably warm. At ang init ng kamay niyang iyon ay may mahabang pisi na sumiksik agad sa balat ko, patungo sa bawat himaymay ng mga ugat ko.

"Gusto mo bang malaman ang sagot?" Hindi ko malaman kung bulong iyon na may halong galit o lambing. Pero naging dahilan ang tanong niyang iyon upang lalong sumiklab ang kakaibang nararamdaman ko.

Mali na narito si Rafael. Hindi ko siya kailangan ngayon. Ngunit ang hirap magsinungaling sa sarili. Hindi ko ito naramdaman noon kay Toby. The feeling of wanting and longing. Iyong gusto kong hawakan niya ako. Gusto kong hawakan din siya.

I want him!

Marahan akong tumango. Oo, gusto kong malaman ang sagot. Paano siya humalik? Paano siya sa kama? Paano ang makulong sa mga bisig niya?

Subalit bakit sa kabila ng sidhi ng damdamin at sa kabila ng kaba ay tila naiiyak ako? Bakit halo-halo ang damdamin ko?

Gumapang ang kamay ni Rafael pababa... sa leeg ko, sa braso ko.

"Ang ganda mo, Maze..." makapanindig balahibong anas niya.

Napapikit ako. Upang muli ring magmulat dahil bigla akong umangat.

"R-Rafael!" hiyaw ko.

Binuhat niya ako. Magkadikit ang aming katawan. Naramdaman ko ang init niya, pati na ang matigas na bagay sa ibaba.

"I want to kiss you, Maze... so bad," he uttered.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko. Nabitiwan ko na ang tarheta kanina pa at wala nang halaga sa akin kung nasaan man iyon. Dahil ang gusto ko ay hawakan ngayon ang malambot na buhok ni Rafael.

Bumaba ang labi niya sa akin at sinalubong ko agad iyon. Tila pareho kaming sabik at uhaw na ngayon ay nagmamadali upang matighaw ang mga damdaming iyon.

His kisses were strong and possessive. Marahas. Nanghihingi nang mas marahas na tugon. Ang sarap ng lasa ng kaniyang labi. Nakababaliw ang ungol niya. Ang bawat diin ng kaniyang katawan sa akin ay nagpapawala ng aking ulirat.
I'm kissing Rafael! Hindi ko naisip kailanman na mahahalikan niya ako nang ganito. O kahit halik man lang sa noo, o pisngi. Kung alam ko lang na ganito kalambot, kasarap ng kaniyang labi noon... baka ako pa ang unang nagtaksil sa amin ni Toby.

Natigilan ako.

What was I thinking? Anong ginagawa ko? Anong ginagawa namin?

Naramdaman marahil ni Rafael ang pag-aalinlangang pilit kong ikinubli. Humihingal siya nang bumitiw sa aming halik at tumitig sa aking mga mata. Nasalamin ko ang lungkot sa kaniyang anyo... at isa pang damdaming ayaw kong tanggapin.

Pagsisisi. Tila gusto niyang sabihin na hindi niya dapat ako hinalikan.

Ibinaba ako ni Rafael at pareho kaming tila naubusan ng hangin sa ilang segundong tumupok sa aming dalawa. Nilasahan niya ang kaniyang labi. Lumunok ako. I kissed those lips!

Subalit parang piniga ang puso ko nang umatras si Rafael. "I... I need to go," he mumbled.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Masakit.

Hindi ko siya sinagot. Ngunit siguro nga ay tama siya. Kailangan na niyang umalis. Dahil mas nakakahiya kapag nakita niyang pumatak na ang mga luha ko. Malalaman niyang nagustuhan ko ang halik niya. Malalaman niyang nalungkot ako sa pag-atras niya. Mararamdaman niya ang umusbong na damdamin ko para sa kaniya.

No.

No, Maze. Hindi ka dapat magkagusto kay Rafael. Babaero siya. Matalik siyang kaibigan ni Toby. Masasaktan ka sa kaniya. Mula pa noon, ganito na ang mga sinasabi ko sa isip ko. Ganito na ang pag-iwas ko kay Rafael.

Tumitig ako sa kaniya. Nandoon pa rin ang pagsisisi sa kaniyang mga mata. Huminga ako nang malalim at tumango ng marahan. Tila iyon lamang ang kaniyang hinihintay bago siya tumalikod at umalis.

Napayuko ako. Pagpikit ko ay saka pa lamang pumatak ang mga luhang pinipigilan ko.

<•>~~~~~~~<•>
To be continued.

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon