Chapter 4.2

211 2 0
                                    

Tumalikod agad ako upang patahimikin ang puso ko. Hindi na tama itong nararamdaman ko kapag nariyan siya.

Huminga ako nang malalim nang ilang ulit at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Maingay ang tunog ng hawak ko kaya hindi ko napansin na may tumatawag na pala sa akin.

"Maze!" Marahil ay ilang ulit na ang tawag na iyon sa pangalan ko bago ko nilingon ang tila galit na tinig.

"R-Rafael!" nahihiya kong sabi.

"Anong ginagawa mo?" nagngangalit ang pangang tanong ni Rafael. Kulang na lang ay punching bag dahil para siyang manununtok. Inagaw niya sa akin ang hawak ko. Natumba pa iyon sa gitna ng mga nagupit ko nang damo.

"Nagtatrabaho ako..." tugon ko sa tanong niya.

"Fuck!" mahinang pagmumura ni Rafael. Hinagod niya ng kamay ang buhok.

Nakapagmura din tuloy ako sa isip ko dahil kahit galit si Rafael at nagulo ang buhok, ay napakaguwapo pa rin niya.

Pinahiran ko ng mga daliri ang tumulong pawis sa aking noo. Mas lalo siyang napamura.
Ano ba ang ikinagagalit niya?
Padaskol ang kilos ni Rafael nang ipasok niya ang kamay sa bulsa ng kaniyang suot na pantalon para ilabas ang puting panyo. May apoy ang buga ng kaniyang hininga mula sa kaniyang ilong nang lapitan niya ako.

Akala ko ay bubulyawan niya ako dahil mainit ang ulo niya, pero nalaglag ang panga ko nang ipunas niya ang hawak na panyo sa noo ko. May mga ibinubulong siya pero dahil yata nabingi ako sa ingay ng puso ko ay hindi ko na siya maintindihan.

Umiba ako ng tingin dahil nasisilaw ako sa kaguwapuhan ni Rafael. Nasa diwa ko ang bawat detalye. Matangkad, sobrang guwapo, sobrang bango, at pinupunasan ang pawis ko. Parang hindi siya ang boss dito.
Kahit malayo ay hindi nakawala sa paningin ko ang mga kasamahan niya kanina na iniwan niya, at ngayon ay pinanonood at siguradong pinag-uusapan kami. Itinulak ko si Rafael at napamura sa isip nang madama ang tigas ng kaniyang dibdib.

"What?" masungit na tanong ni Rafael.

"Uh, nakatingin sila..." anas ko.
"So?"

So? Hindi ba niya naisip na baka matsismis siya? Ano na lang ang iisipin ng mga tauhan niya rito?
Baka isipin kasi nila na malapit ako kay Rafael. At kabago-bago ko pa lang dito ay pinapaboran na ako. Hindi rin naman ako ang girlfriend.

Tumikhim ako. "T-Tatapusin ko lang ito." Tatalikod na sana ako para pulutin ang natumbang lawn mower nang hawakan ni Rafael ang palapulsuhan ko. Hinila niya ako paalis doon.

"R-Rafael, teka lang..." pigil ko sa kaniya.

Siguradong mamumula ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Nasa loob na kami ng elevator ay hindi pa rin niya binitiwan ang kamay ko. Iyong mga mata ng mga nakakita sa kaniya ay halos lumuwa. May nagbulungan pa nga habang nakairap sa akin.

Hinubad ni Rafael ang suot na amerikana habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Dalawa na lang kami rito sa elevator. Nagulat ako nang ipatong niya ang amerikana sa likod ko. His forehead was still furrowed.
Ngunit kahit nandoon ang nakakaadik na amoy ni Rafael sa amerikana at labis akong nasasabik na ibalot iyon sa katawan ko ay tinanggal ko pa rin at ibinalik sa kaniya. Sumimangot na naman siya.

"Ang init-init kasi, Rafael," pangangatuwiran ko.

Kinamot niya ang ulo sa inis. "Tss!" Saka hinablot ang amerikana pabalik.

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon